I got my Maria Clara

433 9 0
                                    

I got my Maria Clara

Niligawan ko ang pinaka matalinong babae sa batch namin noon sa Med. Tech. Halos umiyak ako ng dugo noon makapag pa-impress lang sa kanya. Halos malumpo ako noon maabot ko lang ang standard niya na mataas pa sa Empire State Bldg. Gusto niya kasi matalino rin kagaya niya so ako mamamatay na sa kakaaral. Maniwala kayo o hindi, niligawan ko siya ng dalawang taon. Two f*cking years! I got rejected 23 times. Twenty f*cking three times. Pero sadyang makapal pa sa libro ng medtech ang mukha ko kaya kahit ilang beses na akong ni-reject hindi ako nag patinag. Awa ng mahal nating Dyos sinagot ako after graduation! Whooo!

Naalala ko nun nasa jeep kami. Two months after niya akong sagutin. Tinry kong hawakan ang kamay niya. Alam niyo na. Hokage moves. Pero normal naman sa couple yun diba. Bigla ba namang sumigaw na "Sinong nag sabi sayo na pwede mo 'kong hawakan?"

Ako: Tayo na diba?

Siya: Hindi porket tayo na pwede mo na akong hawakan!

Ako: Uhmm. Okaay.

Lumaki kasi siyang overly-conservative dahil mga grandparents niya ang naksama niyang lumaki. Ako rin ang first boyfriend niya.

At sa maniwala kayo o hindi, we never had our first kiss until the day that we got married.

First kiss ko sa kanya, dun pa sa araw ng kasal namin sa simbahan. I've waited for almost six years for that to happen. And it's really worth the wait. The sweetest kiss I've ever received.

Hemoglobin
200x
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon