COUNTER ATTACK

696 9 0
                                    


COUNTER ATTACK

Literal na BABAERO sya. Sya yung tipo ng lalaki na wag ka mag papakita ng motibo girl dahil pag nag pakita ka ng motibo isa ka sa magiging baby nya.

Yes! Dumating sa punto na may baby no. 1-14 sya. SWEET sya sa lahat ng babaeng magiging sweet sakanya at kahit di nya pa nakikita sa personal MAHAL NA MAHAL nya na agad.

But! That was before, lahat yan inopen nya saakin. Old convos with other girls nakita ko lahat during ligaw days nya saakin. Dapat umatras na ko, dapat busted na sya kung ibang babae lang siguro ako. KASO hindi! Sinabi ko sa sarili ito yung taong dapat mas minamahal! Dapat mas pinapahalagahan, dapat effortan. Sinabi ko sakanyang handa ko'ng yakapin ng buo yung nakaraan nya basta't wag sya mag papalamon sa maling sistemang nasimulan nya. Di ko sinabing mag bago sya, NAG KUSA sya.

Sinurrender nya sakin lahat ng accounts nya para daw ma sure ko na wala syang iba kundi ako lang. Sobra sya mag effort, wala syang sinayang na oras para iparamdam sakin na seryoso sya. Kahit pa na nakaka sabay nya yung ex ko na nakikipag ayos saakin harapan nya di sya sumuko. Sinasabi nya sakin na ang sakit sakit daw pero di sya susuko na kahit alam nyang wala syang laban sa naging boyfriend ko for 2 years.

Personal syang nag paalam sa mama at papa ko nang sya lang at wala ako sa bahay nag paalam syang manliligaw sya. Ito na siguro yung pinaka nagustuhan ko dahil first time nya ginawa. Literal rin syang "one call away" kahit dis-oras ng gabi basta kailangan namin ng tulong nandyan sya. Sya rin nag asikaso sa medical ko lahat lahat nung na-hospital ako.

Sya rin nag sundo sakin sa work ng atakihin ako ng sakit ko. Wala syang reklamo sa lahat ng pinapagawa ko at hanggang ngayon na kami na hindi parin sya nag babago. Nung bago palang kami inutusan ko syang mag sorry sa lahat ng mga babaeng nasaktan nya or napagtripan nya ang feelings and HE DID IT! Kahit sa messenger nya lang ginawa malaking bagay na yon para maging magaan yung relasyon namin.

Ayaw ko kasi ng may sama sakanya ng loob yung mga babae ganun rin sakin ayaw ko ng may sama ng loob sakin past ko dahil mabigat yon sa buhay. Hindi naman ako maganda para ako yung piliin nya, gwapo sya. Sya yung tipo ng lalaki na hinahabol habol at hanggang ngayon na kami na ang dami parin nangungulit sakanya lalo sa chat.

Happy Girlfriend
2013
BSOA
SFICS

Secret Files PHNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ