Ateng Masipag

447 4 0
                                    


Ateng Masipag

October 28, 2016

Ito ang araw kung saan nagsimula ang undas break. Since hindi pa ako nakakauwi ng province, I decided na magsimba at magjogging. Dahil wala masyadong tao, naisipan ko nang umuwi ng maaga nang maisipan kong kausapin ang isang babae doon, since wala pa akong gagawin after kong magjog.

Siya is Mae, at taga Samar siya. Nagaral siya ng Criminology for just one semester at kumuha siya vocational course in TESDA. Nagtatrabaho siya sa isa sa mga kainan sa UST Carpark for more than 1 year at nagjog lang siya dahil rest day niya the next day. Meron siyang dalawang kapatid sa Maynila, at nakatira siya sa isa sa kanila. Ang kuya niyang ito ay isang Grab driver.

Nakwento niya sa akin kung paano makitungo ang mga customers doon. Dahil pangmayaman ang kainan na ito, kadalasan na nitong parokyano ang mga doktor at mga mayayamang estudyante sa UST. Madalas raw silang nakakatanggap ng reklamo dahil hindi raw masarap ang pagkain kahit maayos naman ang pagkakaserve nila, na minsan napapaiyak na lang sila, marahil siguro ay napapahiya sila. Maliban dito, marami rin sa kanila ang maraming tira ang pagkain at nasasayang lang. Isa na dito ang Banana Split na pinapaorder na agad kahit hindi pa kakainin, kaya naman pag tunaw na, hindi na nila kakainin. Aside from that, masungit rin ang manager nila at medyo matakaw sa pera ang may-ari kaya kahit holiday may pasok sila.

Nang kinakausap ko siya, aking natanong kung gusto pa niyang mag-aral. Sinabi niyang gusto pa niya kaya lang wala silang pera, at nasanay na rin siyang magtrabaho. Napansin ko rin na masyado siyang seryoso. Pinipilit ko siyang mapangiti, pero mukhang ganun talaga siya. Sabi niya sanay na rin daw siya na ganun, dahil na rin wala siyang madalas na kausap, kahit kapatid niya na minsan ay hindi na umuuwi at doon na lang natutulog sa terminal ng sasakyan na kanyang minamaneho.

Sa lahat ng narinig ko sa kanya, eto ang mga gusto kong sabihin.

1. Sa lahat ng mga reklamador na customer, pwede naman po sigurong malumanay ung pagrereklamo niyo at hindi niyo na idaan sa pamamahiya kasi masakit rin ito sa empleyado. Alam naman namin na nagkakamali talaga sila, pero lahat naman nagkakamali at walang perpektong tao.

2. Sa lahat ng nagsasayang ng pagkain, alam namin na wala lang sa inyong allowance yan, pero sana naiisip niyo ang mga batang hindi kumakain ng tatlong beses, o halos wala nang makain at namamalimos na sa labas makakain lang.

3. Sa lahat ng estudyanteng inaaksaya ang tuition na binabayad ng inyong magulang, maswerte tayo na nakakapag-aral tayo, kaya naman sana mag-aral rin kayo at huwag panay dota lang o landi. Isipin niyo na lang ang tulad niyang gustong mag-aral pero hindi niya magawa.

4. At sa lahat ng mga taong kapiling ang kani kanilang pamila, maswerte kayo at kasama niyo sila, kaya naman sana mahalin niyo na sila habang kapiling niyo pa sila. Isipin niyo na lang siya na napilitang lumisan papuntang Maynila para lang kumita ng pera.

Gusto kong sabihin sayo na hanga ako sayo, na kinakaya mong mawalay sa iyong mga magulang at tiisin ang lahat ng mga ito upang makaraos sa inyong pangangailangan kahit na kinukulang pa rin. Salamat at aking narealize na swerte ako sa kung ano ang meron ako ngayon na nakapagaral ako sa UST at hindi ko na kailangang magkayod marino para lamang kumita. Tatagan mo lang ate, kayang kaya mo yan, at huwag mong kalimutang ngumiti. Seryoso ako sa sinabi ko na kapag nakapunta ako sa pinagtatrabahuhan mo, ililibre kita kahit di ko afford ang mga pagkain doon.

Kuyang Swerte
2011
Engineering

Secret Files PHWhere stories live. Discover now