Panty

499 6 0
                                    

"
SPG

One night habang nanunuod kami ng T.V ng boyfriend ko narinig naming biglang umulan ng malakas. Then inaya niya akong maligo. Ako namang isip bata go lang! Ang init din kasi that time. Edi kasama namin maligo yung kapatid at pinsan niya. Sobrang saya namin basaan, takbuhan at kung ano ano pa.

Tapos maya-maya huminto na, edi nag-aya na ko umuwi. Medyo malayo layo
din yung narating namin nun. Eh na ji-jingle bell na ko nun. Hahahaha. Naisip ko na umihi nalang ako habang naglalakad. Tapos takbo takbo para di halata. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay.

Pagkadating nagbanlaw agad ako. Tas hinanger ko lang yung damit ko tapos sinabit ko na. Walang kusot-kusot. Hahaha. Nakakahiya naman kung ipalaba ko pa.  Picture picture para remembrance. Memories din kasi.

Kinabukasan nagtext siya.
Bf: Mahal? Bakit parang ang panghi ng panty mo?
Me: Anong mapanghi nilabhan ko pa yan!
(naiinis ako kasi ang panghi daw ng panty ko.)
Bf: Ang panghi nga kaya ako nalang mismo yung naglaba. Nilagyan ko pa downy yan ah.
Me: Dapat di mo na nilaban! Itapon mo na yan!

Hanggang sa nag away kami. Then pumasok na yung past na away namin. Nagkasumbatan pa. At marami pang iba. Hanggang sa nabanas na ko. Sabi ko sa kanya na magbreak nalang kami. Nainis pa ko lalo sa sinabi niyang "dahil lang sa panty I be-break mo ko?" Uggghhh! Duuuhhh! Naapakan yung pagkababae ko. Ang panghi pala ng panty ko oh di yan mag break tayo. Then I started to cry and cry and cry and cry.

Maya-maya tinawagan ko siya nagsorry ako. Tapos sabi niya wag na daw baka napipilitan lang daw ako. Lalo akong naiyak kasi "what the! Dahil lang sa panty mawawala yung lovey dabs ko!!!". Pero di naman ako nahirapang suyuin siya. Pero iyak parin ako ng iyak. Yung iyak na parang ako yung binreak niya. Kahit na pinipigilan na niya ako di parin ako tumitigil kasi nga ganto yung naiisip ko.

1. pano nalang kung di siya pumayag bumalik sakin?
2. Pano kung iwan niya talaga ko.
3. Ang bobita ko naman dahil lang sa panty. Huhuhuhu.

TAPOS NAISIP KO UMIHI PALA AKO HABANG NAGLALAKAD KAYA MAPANGHI. DI KO DIN KINUSOT KAYA GANUN TAS NA BEAST MODE AKO SA KANYA! SHOCKSSSSS.

Then umisip ako ng paraan. EFFORT HAHAHAHA para makabawi sa ginawa ko.

Habang magkausap kami sa phone.
Me: Mahal magbibigti ako.
Bf: Baliw ayan ka nanaman.
(mahilig kasi ako magdrama kaya "nanaman")
Me: Oo nga. Sabay iyak ng sobra.
(di ako nagsalita mga 3 minutes then nagsalita ako ng I love you sabay binagsak yung hair brush. Para kunwari nabagsak yung phone. Pinabayaan ko siya magsalita nang magsalita hanggang sa patayin niya yung tawag)

Naligo ako nag ayos. Nagpunta ako sa bangko para mag withdraw. Then I went to a cupcake shop na favorite ko hahaha. Bumili ako ng isang box na cupcake. Pagtingin ko sa cellphone ko 100+ text, 50+ missed calls from him, my mother and his mother. Oh my gosh pano ba to? Di pa ko patay hahahaha. Sobrang nagmadali na ko. Parang superwoman lang ang lola niyo. Edi go na!

Sobrang alala niya sakin. Then nagtext ako "Labas ka" with heart. Tas para siyang si the flash sa sobrang bilis nakalabas ng bahay nila. At ayun niyakap niya ako ng sobra then he kissed me on my forehead. Siguro kung di ko siya binabawalan magmura namura ako ng bf ko. Hahahaha. Tapos nagsorry ako. Pati sa mama niya. Kakahiya Kay tita (peace sign)

So ayun. Hi mahal! Alam ko avid reader ka dito. I love you so much! Natuwa ako nung sinabi mo na natuwa ka ng sobra sa effort ko. Hahahaha. Salamat sa paglalaba ng panty ko. Hihi. Walang iwanan partner ah? Muah!

Ps. Sorry mahaba.

Himala ng buhay niya
2016
UEcal

Secret Files PHWhere stories live. Discover now