MY SO-CALLED LOVE, ROSIE. LOVE STORY

687 5 0
                                    

MY SO-CALLED LOVE, ROSIE. LOVE STORY

I met this guy. Well, Since high school ko pa siya kilala. Halos magkapatid na ang turingan namin sa isa't-isa. Alam namin halos ang gusto at ayaw namin. Itago natin sa pangalan Blake. Maputi, Matangkad, Mabait.

Inakala nga ng mga ka-batchmates ko na in a relationship na kami. Kasi daw ang sweet namin, lagi daw siyang naghihintay para sa akin eh. 3 hours ung pagitan nang last subject namin, lagi niya daw ako binigyan ng chocolates tuwing Valentine's Day. Sabi naman naming dalawa na magkaibigan lang kami.

Time flies so fast. Tanda ko nun Senior Year na kmi nun. November nun. May nililigawan na si Blake. Magandang babae, Mabait, Masayahin. Masaya ako kasi ganung kabait ung babaeng pinili niya. Sinuportahan ko sya. Hanggang sa time na 'di niya na ako hinihintay, nga-nga ako nung Pasko. Hanggang maka-Graduate kami.

New Year. 2015. Wala ni isang bati. Natatandaan ko dati na hanggang umaga na nang New Year nagchachat pa kami. Nagsisi ako na nung una palang sinabi ko sa kanya na mahal ko siya. Nagpost sya sa FB niya, kasama niya GF niya sa Boracay nun. Samantala ako, nasa New York ako nun. Kasi kasama ko sila Lolo at Lola.

Central Park. Yan ang naging kaibigan ko habang nasa US ako. Nakatulala ako nun. Un ung time na nalalabas ko ung sakit na nararamdaman ko nun. Dun ko nakilala si Jensen, anak ng kaibigan ni Lola sa States. Kwinento ko sa kanya ung nanyari sa akin. Sabi niya para daw akong si Rosie, sa movie, Ung Love, Rosie daw.

Pinanood ko ung movie, Which is nakarelate ako naiyak talaga ako nun. Bumalik na ako sa Pinas. Naghahanda nako para magapply. Mga November na nun. 1st Anniversary nila. Ininvite ako ng mama niya. Guest Speaker daw ako. Nakakainsulto dibah. Nakita ko ung mga kaibigan ko dati. Nagkwentuhan kami, madami na daw nagbago sa akin, naging blonde daw ako, tumangkad daw ako. Pero may isang bagay daw na di nagbago yung pagiging masayahin ko.

Nung tinawag nila ako, Naisip ko na naman si Rosie. Ito ung mga salitang binitawan ko "Blake at Jasmine (Di tunay na pangalan), I'm so very happy for you that you have survived the challenges in your relationship, I'm waiting for your wedding, Hahaha. Willing ako maging Maid of Honor. Hahaha. Sana Blake maibigay mo ung pagmamahal mo tulad nung dati, yung pagiging sweet mo. Ha, *naramdaman ko ung luha ko tumulo* Blake, I will be always your only forever Ate." Naiyak na ako dun.

* 1 year after *

Nasa NYC na ulit ako, May sariling bahay at may maayos na trabaho. Marketing Executive ako ng isang companya, ung isng kong katrabaho sinabi sa akin na may nag set ng meeting sa akin sa Central Park. Fall na nun, kaya ganado ako pumunta dun. Naghintay ako dun. Tas may tumawag sa akin ng "Ate". Nakita ko si Blake. Nanginig ako,

Niyakap niya ako, "Alam ko nagkamali ako, di ko sinabi sayo na mahal kita since high school days pa tayo, nagsisi ako" Sabi niya sa akin. "Blake, parehas lang tayo". Nalaman ko nun na, Pagtunay mong mahal ang isang tao, balik - balikan mo talaga siya.

Well, Kasal na kami ni Blake, may isang anak na kami. I'M HAPPY TO SAY THAT. IT'S A HAPPILY EVER AFTER

Waldeinsamkeit

College of Business Administration and Accountancy

(CBAA) 2011


Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon