"BOYPREND KONG NAGING BAKLA"

376 6 0
                                    

"BOYPREND KONG NAGING BAKLA"

Meron akong tatay na sobrang sunget at higpit pagdating sa pag boboyprend.

Lahat ng manliligaw ko natatakot sa kaniya sa tuwing ihahatid ako sa bahay.

Eh sino ba namang hindi matatakot, eh pinapakawalan ng tatay ko yung pitbull namin, tapos tinatawag pa yung dalawa kong maskuladong kuya panakot niya sa mga manliligaw ko.

"Hoy bebe girl. Kapag naabutan ka ni Daddy na may kasamang lalaki. Sasakalin ko yun!"
Oh diba scary? Bully yung tatay ko eh!
Tapos kinuwento ko yun sa lihim na boyfriend kong si Erick, pero hindi daw siya natatakot. Yayakapin niya padaw yung tatay ko kapag nagkita sila. Mukha niya yakapin niya!
Tapos nitong January lang nung ihahatid na niya ako pauwi galing school. Nagpupumilit siyang pumunta samin nung nalaman niyang walang tao sa bahay.

"BEH, SIGE NA PA CR AKO! TAENG TAE NAKO EH!"

Inis na inis ako sa kumag na boyfriend ko na yun. Napakagaling gumawa ng dahilan makapunta lang sa bahay!

Pagpasok ko, para akong sundalo. Kinakabahan ako dahil baka andun nga si Daddy.

Tapos etong g*go kong boypren.
Dumeretcho agad sa banyo walanjo!
Pero pagbukas ng pinto.

P*TA NANDUN YUNG DADDY KO.

"OH, SINO KA? SINO TONG LALAKING TOH?!!"

T*NGINA NATAKOT AKO MGA BES!

Halos magtitigan sila ni Daddy dahil mas malaking tao yung tatay ko kesa sa kaniya. Handa na sana akong sabihin yung totoo pero hindi ko inexpect na gagawin to ng boyprend ko.

"AYY BESHY WALANGYA KA! 'DIMO SINABING NANDITO PALA PAPPY MO, KALOKA TOH!!"

SHOOKT NA SHOOKT AKO!
HALOS MAPAPIKIT AKO HABANG PINAGPAPAWISAN NG MALAPOT.
HALOS MAPA NGA-NGA AKONG TINITIGNAN SIYA.

Lalong nanlaki ang mata ko ng humahawi hawi pa siya ng buhok taragis!

YUNG DADDY KO NAMAN PARANG NANGHINALA NA.

"ANONG PANGALAN MO?!"

"Umh--Ericka po name ko, Pappy!"

HALOS MAUBO AKONG NAGPIPIGIL NG TAWA DAHIL SA KUMAG KONG BOYPREND!
P*TA KABOG ANG ATE NIYO!
MATAPOS NUN AGAD SIYANG KUMERENGKENG HABANG LUMALAPIT SAKIN!

"BESSY TARA NA! CHOCHORBA NAKO! HATID MOKO SA LABAS, DALI!! "

JUSCOLORED!!

T*ngina hindi ako makapaniwala sa boyprend ko nun hahahahha. Tawang tawa ako sa tuwing naalala ko yung sinabi niya bago siya umuwi.

"P*TANGINA NUNG NAKITA KO YUNG KAPRE MONG TATAY, AKALA KO MATAT*E NAKO SA SALAWAL! NATAKOT AKO. PARA NIYA 'KONG SASAKMALIN EH!"

Hahahahahhaha!

'Til now di parin alam ni Daddy na boyprend ko yung bading na yun. Hahahhaha. Ericka na tuloy tinatawag ko sa kaniya simula nun!

LorraineAndErick-a
Unknown
Unknown
Ph Secret Files

Secret Files PHDonde viven las historias. Descúbrelo ahora