Habang naglalakad sa hallway ay rinig ko ang malakas na tunog ng heels ng babaeng naglalakad sa likod ko. Nilingon ko siya. Ang mysterious naman niya. Naka-shades siya na kulay pula ang lenses at pula na hoodie din ang suot nito. Pulang-pula pa ang lips niya. Nice outfit para sa hospital. May party ba te?

Hindi ko na lang siya pinansin dahil nakita ko na ang room ni Eric. Nilingon ko ang babae bago ako pumasok sa kwarto ngunit wala na ito. Baka bumisita din sa isang pasyente dito. Kinda wierd.

Sabi ng nurse kanina, mabuti daw at magbabantay ako ngayon kasi wala daw magbabantay kay Eric ngayong gabi. Kawawa naman siya. Nasa States kasi ang mga magulang niya. Next week pa daw ang uwi nila kaya nag-hire na lang sila ng nurse na magbabantay sa kaniya. Wala din naman kasi silang kamag-anak dito sa Pilipinas. Mga nakaraang gabi ay mga classmate at mga kaibigan niya lamang ang nagbantay sa kaniya dito.

Sabi ng Doctor, ang dahilan kung bakit hindi pa rin siya nagigising ay marahil sa lalim ng mga kagat at kalmot natamo niya. Ito daw ay gawa ng isang mabangis na hayop. Baka ang hayop na 'yon ang narinig ko ng huli kong nakausap si Maricel.

Habang nagbabantay ay tanging pakikinig sa tunog ng life support machine ang nagpatanggal ng pagka-bored ko. Hindi rin naglaon ay dinalaw rin ako ng antok.

Nanaginip ako na kasama ko si Maricel na kumakain sa canteen. Kinikuwento niya sa'kin ang bagong guy na nanliligaw sa kaniya. Habang nagkwekwento siya ay kumakain siya ng burger at umiinom ng juice.

Bigla na lang siyang nasamid habang umiinom siya ng juice. Nilapitan ko siya at hinimas-himas ang likod niya upang matanggal ang pagkasamid niya.

Umubo ito ng malakas at nang tignan ko ang mga kamay niya ay puno na ito ng dugo na galing sa bibig niya. Iniabot niya sa'kin ang burger na hawak niya na biglang naging isang puso ng tao na tumitibok-tibok pa. Laking gulat ko nang pumunta ako sa harapan niya at makitang luray luray ang damit niya dahil sa mga kalmot at kagat na nasa katawan nya. Lumuluha sya ng dugo at may malaking butas rin ang sa parteng dibdib niya. Puso niya pala ang hawak-hawak niya.

"K A S A L A N A N   M O'T O!" sigaw niya sa akin.

Napakasamang panaginip. Buti na lang nagising ako. May naramdaman akong gumagalaw.Nakatulog pala ako na nakasandal ang ulo ko sa kama kung saan nakahiga si Eric. In-adjust ko ang paningin ko dahil naka-dim ang ilaw sa kwarto.

Ng maka-adjust na ako sa dilim ay bigla akong napasigaw. Nagulat kasi ako dahil naka-sitting position na si Eric at direkta pa siyang nakatingin sa akin. Binuksan ko kaagad ang ilaw at tumawag ng Nurse.

"Nurse! Nu...!" sigaw ko, ngunit napahinto ako kaagad ng makitang wala na si Eric sa kama. Nakakapagtaka.

Paano sya nakaalis sa kama ng ganon kabilis?

Kumabog ng sobrang bilis ang puso ko. Alam mo kung bakit? Naramdaman ko kasi ang hangin na nanggagaling sa hininga ng kung sino man ang nasa likod ko. Ang tunog nito ay parang nahihirapan siya sa paghinga. Parang tunog ito ng sinusumpong ng asthma.

Lumingon ako ng dahan-dahan. Ayaw ko pa sanang lumingon kasi naaalala ko ang mga scenes sa horror movies lalo na ang " Huwag kang lilingon" ni Anne Curtis. Dahil ang makikita mo kapag lumingon ka ay nakakatakot na mga bagay.

Pinilit ko pa ring lumingon kahit natatakot ako. Nanlaki ang mata ko at napaurong ako ng kunti sa nakita ko. Tumutulo ang laway ni Eric na parang nauulol na siya. Pulang pula pa na kagaya ng dugo ang mga mata niya. Puno rin ng mga ugat ang kaniyang mga mukha, mga braso at kamay na parang varicose veins.

Umurong ako ng konti pa. I admit, nakakatakot talaga ang hitsura niya ngayon. Mas nakakatakot pa dahil ako lang mag-isa ang nandito sa kwarto.

Nang makaisang urong pa ako ay nakapa ko na ang edge ng kama. Nagsimula ng lumapit si Eric sa akin. Sa una ay dahan-dahan pa, ngunit bigla siyang lumapit ng mabilis. Tatakbo na sana ako ngunit huli na dahil nahawakan niya na ang braso ko at tsaka niya ako inihagis sa may pader ng kwarto. Pagkabagsak ko sa sahig ay gumapang kaagad ako ng mabilis. Mabuti na lang at bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng Nurse. Natigilin din siya ng makita ang hitsura ni Eric at ako na nasa sahig. Lalabas na sana ito ng pinto ng tumalon sa kaniya si Eric at kinagat siya sa leeg. Hindi na niya nakuhang manlaban pa. Tumatalsik-talsik ang dugo habang nginangatngat ni Eric ang leeg niya.

Ramdam ko na may sugat ako sa may bandang kilay dahil parang may tumatagas na dugo patungo sa mata ko. Nakaapekto din ito para hindi maging klaro ang paningin ko.

Bumagsak na ang Nurse sa may sahig, ito hudyat na ako na ang isusunod ni Eric. Gumapang kaagad ako ng mabilis ng lumingon siya sa direksyon ko.

Anong nangyayari sayo Eric?

Gumapang ako sa ilalim ng kama para makalusot ako sa kabilang bahagi. Sinipa ko kaagad sa mukha si Eric nang hatakin niya ang paa ko. Pagkatapos ko siyang masipa ay dali-dali akong lumabas ng kwarto.

Hindi ako makatakbo ng mabilis dahil natatabunan ng dugo ang isa kong mata at madilim din ang hallway.

"Tulong! Tulong!" malakas kong sigaw.

Sumusunod na tumatakbo sa likod ko si Eric. Wala pa ring lumalabas para tulungan ako kaya sigaw pa rin ako ng sigaw. Sinubukan ko pang kumatok sa ibang kwarto ngunit wala talaga.

Panginoon tulungan Niyo po ako. Panalangin ko.

Natigilan ako nang may nabangga ako habang tumatakbo, imbes na dapat siya ay ako pa itong natumba. Pagkalingon ko sa likod ko ay malapit na malapit na si Eric sa akin.

Nakatayo pa rin ang babaeng nakapula na parang walang balak na tulungan ako. Oo siya nga! Ang  babaeng nakapula na sumusunod sa akin kanina. Siya pala ang nabangga ko.

Bago pa tuluyang makalapit si Eric sa akin ay bumunot na ng baril ang babaeng nakapula.

Itinutok niya ito kay Eric at pinaputok.

****

This chapter contains violence. Strong parental guidance is advised.

•Follow me
•Recommend
•Comment
•Vote a ⭐️

Thank you 😘

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now