"Marunong akong magtimpi Samantha, ang hindi ko lang guato eh yung nadadamay ibang tao dahil lang dyan sa inggit na dumadaloy sa dugo mo. Kaya kitang gawing pangkuskos sa inidoro kung gugustuhin ko, kaya kung may hiya ka pa sa katawan mo, umayos ka sa harapan ko. Naiintindihan mo?" Taas ang kilay na sabi ko kaya tumango tango naman sya kaya pabagsak kona syang binitawan.

Lumapit sa kanya yung dalawa nyang alispores at tinulungan sya.

"Kadiri." Dinig kong bulong nya kaya lumapit ako sa kanya kaya lumayo naman ng bahya yung dalawa nyang alalay.

"Jayline tara na." Dinig kong sabat ni Ella pero hindi ko sya pinansin.

"Wala pa sa tuhod ko ang kaya mong gawin Samantha, kaya kung natatakot ka? Papaatrasin na kita, pero kung matapang ka? Sabihin mo lang din, hi di kita aatrasan." Tumingin sya sakin ng masama at nagtaas ng tingin.

"Wag mo akong takutin na parang bata. Kahit anong sabihin mo hindi kita uuruangan." Nakataas ang isang kilay na sagot nya.

"Hindi kita tinatakot, babala palang yan. Hindi mo kilala ang kinakausap mo ngayon, kaya kong bangasan yang mukha mo sa isang segundo lang ng buhay mo." Makahulugang sabi ko at napamaang naman sya.

"Wow" kunwaring nahahangaan na sabi nya. "Natatakot ako."

"Talagang matak---"

"Jayline tara na." Sabat na naman ni Ella kaya tumingin ako sa kanya pero pinagdilatan nya lang ako ng mata.

"Tawag kana ng takot mong alalay." Nakangising sabi ni  Samantha kaya sa bilis ng kilos ni Ella ay mabilis nyang nahablot ang buhok nito. "A-Ano ba?! Bitiwan mo ako! Aray!" Sigaw ni Samantha kaya ako na mismo ang umawat sa kaniya.

"Anong alalay sinasabi mo dyan? Eh mukha kapa ngang dugyot sa mga kasambahay ko!" Sigaw ni Ella kaya ako na mismo ang humila kay Ella para ilabas sa banyo. Duon lang ako natigilan ng bigla kong makita ang nasa harapan ko. Nabitawan ko si Ella na napahinto nadin sa kinatayuan namin.

Hindi ko napansin na lumapit na pala si ate May samin na hinawakan ako sa balikat.

"Tara na." Yaya ni ate May pero hindi padin ako nakatingin sa kanya ng maayos dahil diretso ang tingin ko sa babaeng nasa harap ko ngayon.

"Ganyan ba?" Tanong nya. "Ganyan ba, Jayline?" Ulit na tanong nya ng hindi ako sumagot.

"Mom." Nasabi ko nalang.

"Answer me." Walang emosyong sabi nya.

"H-Hindi ko alam na nandyan ka." Malayo ang sagot sa tanong nya.

"So kung alam mong nandito ako ay hindi mo gagawin yun?" Sarkastikong tanong ni Mommy. Hindi kona alam ang gagawin o miski ang isasagot sa kanya.

"Mom I'm sorry." Tanging nasagot ko lang sa kanya.

"Nandito ako dahil tinawagan ako ni Sister dahil may gaganaping foundation day dito kaya pinuntahan kita at para nadin panoodin yung sinabi ni Sister na ipeperform mo, ang ganda.. Ang ganda ng tulang ginawa mo." Napatingin ako sa kanya ng sabihin nya yun.

Ibig sabihin napanood nya yun? Bakit hindi sinabi ni Sister na pupunta si Mommy? Nakakapagtaka lang..

"Susupresahin sana kita kaso mukhang ako ang nasopresa dito." Sabi nya at duon lang tumulo ang luha ko.

Pagdating sa mommy ko hindi ko mapigilang hindi mapaluha.

"T-Tita hindi po kasalanan ni J-Jayline ang n-nangyari." Sabat ni Ella sa usapan kaya tinignan sya ni Mommy.

"Alam ko naman ang lahat, Ella. Kasunod nila akong pumasok pero lumabas din ako ng marinig ko ang pangalan ng anak ko pero syempre hindi ako lumayo at nakinig padin. Tsk. Biruin mong lumalandi na pala ako ngayon?" Sabi ni Mommy.

"E-Eh ba't p-para po kayong g-galit?" Nag aalalang tanong ni Ella at sa hindi ko alam na dahilan ay tumawa si Mommy.

"Sinong galit ang sinasabi mo? Hahaha eh tinatanong ko lang naman kayo. Hindi ako galit pero syempre nainis ako dahil akala ko babalik nanaman ang Jayline na dati ay nasa Korea." Makahulugang sabi ni Mommy.

Hindi aya galit? Pero kung tanungin nya ako kanina parang naubusan na ng emosyon sa mundo!

"H-Hindi ka g-glit, mom?" Paninigurado ko.

"Hindi nga. Ang totoo nyan mas nainis ako sa nagsabi sayo ng malandi at mana sakin. Tsk. Sarap sigurong sabunutan yun?" Bulong nya pa kaya natawa kami.

"Loka ka talaga, Mom!" Natatawang sabi ko at naglakad naman ako papunta sa kanya para yakapin sya.

"Pwede mo ba akong ipakilala sa isa mong magandang kaibigan?" Tanong nya kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong kay ate May sya nakatingin.

"Mom sya si ate May, ate May sya ang Mommy ko." Masayang pakilala ko sa kanilang dalawa.

---------------

Thankyou sa patuloy na nagbabasa at magbabasa palang! Mahal ko kayo!!!

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now