-------

Jayline's POV

"B-Bumalik kana.." Sabi ni Tristan sa kabilang linya. Bakas ang lungkot sa tono ng pananalita nya.

"Babalik ako... Hindi lang ngayon, Tristan, kailangan ko lang naman tumupad sa kasunduan namin ni Mom kaya wag kang mag-alala. Babalik din ako kapag pumayag ulit si Mom na tumira ulit ako dyan." Sagot ko.

"Ngayon na... Gusto ko ngayon na, please Jayline.." Saad naman nya. Tsk ba't ba ang kulit nitong lalaking 'to???? Please Tristan wag mo akong pilitin dahil baka hindi ako makatiis at umuwi agad ako dyan!!

"Jayline... Umuwi kana dito, kapag wala kapa bago lumubog ang araw...." Pabitin na sabi nya! Ptangina  naman! Ano na naman yan Tristan?! Wag mo akong tinatakot dahil lilipad talaga ako papunta dyan! "Hindi mona ako makikita.." Mahinang dagdag nya.

Parang may kumurot sa puso ko! Nakakinis na ganito ang nararamdaman ko! Ayoko ng ganito! Fvck!

"Wag kang magsalita ng ganyan, Tristan." Sabi ko. Rinig ko ang buntong hininga nya sa kabilang linya.

"Mangako ka muna na uuwi ka bago lumubog ang araw." Sya.

"Pangako.." Sabi ko! Jayline ano ba?! Bat mo sinabi yan! Pag ayan hindi mo natupad wala ka nang aabutang Tristan!!!!

"I love you.." Sabi nya. Bat kaba nanggugulat? Lintek ka! Tsk.. I love you too.

"Oo na. Basta ipangako mo din." Sabi ko.

"Na ano?" Tanong nya.

"Una kakain ka, pangalawa mag-ayos ka, pangatlo gusto kong kapag bumalik ako dyan sa susun---"

"Ngayon Jayline.. Ngayon." Pagtatama nya. Tsk hahaha sinasadya kong sabihin yon dahil alam kong sasabihin nya yan. Naiisip ko tuloy ang itsura nya habang tinatama nya ako.

Nakakunot ang noo.

"Ngayon! Gusto ko pagbalik ko mamaya dyan ay maayos ka tignan at kumain ka ng madami ulit." Sabi ko.

"Yun lang ba?" Tanong nya pa.

"Oo, may gusto ka bang idagdag?" Sarkastikong sabi ko.

"Tsk. Basta hihintayin kita!" Sabi nya.

"Oona. Oona! Para kang bata." Pang-aasar ko.

"Tsk. Love you." Sabi na naman nya.

"Sige na. Kailangan ko ng ibaba ang phone." Pagiiba ko.

"I love you.." Ulit na naman nya.

Binaba kona ang phone. "I love you too.." Bulong ko.

Bumaba na ako at pinuntahan si Mommy.

Nang makita ko si Mommy ay agad ko syang nilapitan. "Mom." Tawag ko.

"Oh, Why?" Sya na tumingin pa sakin.

"Ahh. Mom, pwede ba akong umuwi sa Philippines?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo nya.

"Why?" Tanong nya.

Sana pumayag...

"Tinawagan ako ni Sister kanina, si Tristan daw kasi nagwawala sa dorm. Hindi maawat nila Sister at gusto akong makita." Paliwanag ko.

"Talaga yung batang yun!" Sabi nya na umiling-iling pa.

Moooooooom! Pumayag kana please!!

"Ano Mom? Payag ka?" Tanong ko pa.

"Tsk. Sagutin mo na muna ako..." Nakapamewang na sabi nya.

"A-Ano yun, Mom?" Kinakabahan na tanong ko.

Bakit ba ako kinakabahan? Letsugas naman oh!

"Ano ba kayo ni James?" James? Ahh. Tsk kala ko kung sino eh.

Teka ano nga ba kami? Uhhm. Gusto ko sya at gusto nya ako. Yun lang yun.

"G-Gusto namin a-ang pareho.." Nakatungong sagot ko. Nahihiya ako dahil sa pagiging open ko kay Mommy.

"Sige, papayag akong umuwi ka sa Pilip---" pinutol ko ang sasabihin nya at dali-daling yumakap.

"I love you, Mom!" Sabi ko na nakangiti pa.

"Aishh! I love you too, baby. Ay sorry dalaga na pala ang anak ko." Kunwaring nagkamaling sabi nya pa.

"Its okay, Mom. Just continue calling me baby.." Nakangiting sabi ko.

"Hahaha okay okay. Sige na mag ayos kana at ipapahatid kita sa kuya mo sa airport." Sabi nya na ginulo pa ang buhok ko.

Niyakap ko ulit sya at tsaka umakyat sa kwarto ko para mag ayos ng gamit at ng sarili ko din syermpre.





First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now