Ang Mga Angkan

Magsimula sa umpisa
                                    

Nalaman ko rin na ang angkan na binangit ni elena at nabangit rin ni maia ay tungkol pala sa mga grupo ng mga aswang na may sariling kaharian , teritoryo at sari-saring pagkakakilanlan sa kasaysayan.

Mga kaharian?.

"In short may kings and queens rin sila na namumuno at may kanya kanyang kaharian?"

Sa mga angkang ito ay may tatlong kasalukuyang pinakamalakasnat siyang namumuno sa mga maliliit na angkan.

Ang pinagmulan, kung kanilang tawagin. ang tatlong angkan na kumukontrol sa mundong hiwaga.

Una ay ang pinakamalakas na angkan sa tatlo na siyang naghahari sa lahat ng mga halimaw, ang angkang kanluran.

Isang angkan na hinirang na pinakamalakas sa lahat dahil sa mga hindi mabilang nitong myembro na may hindi masukat na kapangyarihan.

Sumunod sa kanluran ay ang kaalyansa nitong angkang timog na may pinakamaraming myembro ng aswang at tinaguriang pinakamarahas at masama sa tatlo, isang matriarch o sa wikang tagalog ay isang kaharian na reyna ang pinaka mataas at nasusunod at  hindi hari.

Panghuli sa bilang sa tatlo ay ang angkang silangan na kinabibilangan ni elena bilang isang prinsesa na ayon sa journal ay isang angkang mapayapa at walang pinapanigan, ang angkan kung saan ay karamihan ng myembro ay mga aswang na mahahaba ang buhay at matatagal tumanda, ayon din ang rason kung bakit nagkaroon sila ng papel bilang ang angkan na taga tala ng kasaysayan sa mga susunod pang henerasyon ng mga aswang.

Angkang silangan?

"Kailangan ko pa ng description! saan ba naka pwesto ang mga nasabing kaharian ng mga ito?"

Angkang silangan.

Teritoryo ay norte ngunit nakakalat sa buong bansa ang iba nilang kalupaan.

Angkan ng timog.

Teritoryo ay nakakalat sa buong bansa ang pinakamalaki ay nasa luzon.

Huh?...teka?...dito ang kanilang main kingdom?!. Ano sa mismong lalawigan namin!.

What the?.

Angkang kanluran.

Ang kasalukuyang namumuno sa lahat ng mga halimaw sa bansa ang pinaka makapangyarihang angkan at nasasabing binubuo ng mga makapangyarihang aswang na anyong tao lamang.

Angkan na nagmamay ari sa kabuoan ng visayas ang ankan na merong pinakamalaking teritoryo.

"teka?, timog?, silangan?, at kanluran?....parang may kulang?"

hilaga?.

hilaga?...teka sadyang tatlo lang ba eto?...kung may kanluran,silangan , at timog nasaan ang hilaga.

Binuklat ko ng binuklat ang journal para mahanap kung may hilaga nga at makalipas ang mahaba habang paghahanap ay laking gulat ko ng meron pala talaga.

" ayun!...hilaga..."

Hilaga

Ang dating naghahari sa mga angkan ng mga haliwaw 600 taon na ang nakalilipas.

Ang angkan na matagal ng wala.

Walang gaanong impormasyon tungkol sa kanila at hindi masasabi kung saan ang kanilang kaharian dahil wala pang pangalan ang lugar sa bansa dati.

ano to?.

Walang nakaligtas sa kanilang lahi at pinagpapatay maging ang kanilang mga taga sunod.

Nabura pati ang kanilang mga iniwang patunay na sila ay namuhay sa mundo kasama ang kanilang mga kasulatan kagamitan at iba pang bagay na konektado sa kanila.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon