Pumatak ang luha sa aking mga mata.

"ahahahaha, nag iisa ka nalang prinsipe ng silangan!, sabi ko nga diba!, walang makakapigil sa plano ko!, walang makakapigil sa aming mga gagawin, kahit magsama sama pa kayong lahat!"
Wika ng isang babae habang humahalak hak ang kanyang mga tauhan.

Isang nakakahiyang wakas para sa akin.

Ang mamatay ng bigo at sa harap pa ng aking mga kalaban.

Ipinikit ko ang aking mga matang lumuluha para tumigil na ito sa pag agos ngunit hindi napigilan ng aking magpikit ang puot at galit na gustong kumawala sa aking mga mata.

Sa saglit na iyon ay naalala ko ang isang ngiti ng bata sa aking isipan.

Elyhenia

Elyhenia pamangkin ko patawad mukang hindi ko na matutupad ang pangako ko, hindi na makakabalik si tito, wala na akong pweding gawin kundi ipikit nalang ang aking mga mata at maghintay sa aking kamatayan.

"umalis na tayo!, ang sumpa na ang bahala sa kanya"
wika ng kanilang pinuno.

"pero, mahal na reyna, hindi ba mas maganda kung papaslangin na natin siya bago tayo umalis?"

"oo nga mahal na reyna"

"huh?, iniinsulto niyo ba ako?, pinapalabas niyo ba na mahina ang aking sumpa?"

" paumanhin po mahal na reyna, hindi po sa ganun..."

"pwes, sumunod nalang kayo sa aking sinabi"

"opo!"

Sa pagtakip ng ulap sa buwan ng kalangitan ay naramdaman kong tumalikod na ang aking mga kalaban sa aking harapan.

Inawan akong nanghihina ay pinabayaan nalamang nila akong nakahandusay habang papalapit na ang aking kamatayan.

"Hooo ang sama niyo naman"
Isang tila ba mahinang boses ang aking nadinig sa kawalan.

Si..sino?

Sa alapaap ay tinaboy ng buwan ang nakatakip sa kanyang ulap.

Agad ko iminulat ang aking mga mata at buong lakas na nilingon kung saan nangaling ang mga yapak.

Isang batang babae ang aking nakita sa di kalayuan.

Isang nilalang na nangaling sa dilim at lumabas kasabay ng pagsinag ng buwan sa itaas.

nakasuot siya ng puting kasuotan at may bitbit na tila ba ay isang shoulder school bag.

Nakangiti siyang naglalakad papalapit sa akin at hindi alam ang nangyayari.

Panay ang tigin niya sa mga bangkay ng aking mga kasamahan na nakakalat sa paligid.

isang batang mortal?

anong ginagawa niya dito sa kalaliman ng gabi?.

"ho...hoy ba...ta....t..tum...akbo...ka....bi...is~"

"hum?"

lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi.

Nakangiti siya.

" ohoy ohoy!, may tao oh!, mahal na reyna may tao!"
isa sa mga alagad ng reyna ang nakapansin sa bata.

Agad silang huminto sa paglalakad at tumingin sa dereksyon namin.

"tu...ma..k..bo...ka....na....bi...lis..."

"hmm?"
tanging wika ng bata habang nakangiti.

anong problema mong bata ka.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now