"Tsk. Tigil-tigilan mo ako sa kamanyakan mo ah?" Sabi ko na masama parin ang tingin sa kanya.

"Kamanyakan ka dyan! Woy, hindi kita minamanyak!" Sigaw nya.

"Tsk. Shut up!" Sigaw ko sabay talikod sa kanya.

"Teka." Malumanay na pigil nya na hinawakan pa ang braso ko kaya inis akong tumingin sa kanya.

"Ano?!"

"Liligawan kita." Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya lalo na ang nakikita kong itsura sa mukha nya! Seryoso ba 'tong lalaking to?!

#@__@#

"N-Nababaliw kana." Nasabi ko nalang.

"Ewan ko ba?."

"Tristan, siguraduhin mong seryoso ka dyan ah? Kundi yayariin kita." Sabat ni ate May na kinunutan ko naman ng noo.

"A-Ate May?" Tawag ko kay ate May pero nag thumbs up lang sya sakin gamit ang kamay nya.

"Ayoko." Sabi ko kay Tristan.

"A-Anong ayaw mo?" Tanong nya.

"Ayokong mag paligaw sayo!" Singhal ko.

"At kanino mo gustong mag paligaw?! Dun kay Jake?" Taas ang boses na tanong nya kaya kumunot lalo ang noo ko.

"Siraulo kaba?! Wala akong gustong mag paligaw sa inyong dalawa!"

"Tsk. Basta liligawan kita bahala kana sa buhay mo kung sagutin mo ako o hindi." Sagot nya tsaka naglakad at nilampasan lang ako papuntang banyo.

'Tignan mo tong lalaking to?! Ha! Nakakamangha ang kakapalan ng mukha mo utoy.'

Iiling-iling na naisip ko na sumulyap pa sa banyong pinasukan ni Tristan.

"Jayline kaming bahala sayo." Ngiting-ngiting sabi ni ate May.

"Oo nga ate Jayline, haha sinabi na't aamin din sayo yun si kuya Tristan e." Masaya ding sabat ni Francis.

Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi nila, nag lakad na ako papunta sa kama ko at nag muni-muni muna habang inaantay ang paglabas ni Tristan dahil maghihilamos ako at mag tu-toothbrush para makatulog na.

Nang makalabas si Tristan sa banyo ay naghintay muna ako ng ilang minuto tsaka ako naglakad papunta sa C.R

"San ka pupunta?" Biglang tanong ni Tristan kaya nilingon ko naman ito ng parang walang pakeilam sa mundo.

First Kiss, First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon