Chapter 45: I Will Miss You

Start from the beginning
                                    

Nagpakawala ng buntong hininga si Cali at napahilamos sa mukha niya. "My mom is getting better, nagising na rin siya but Lili..." napayuko si Cali at tila pabagsak ang luha habang nagsasalita.

"Hey, what happened?" si Shaun ang nagsalita at hinawakan sa balikat si Cali.

Tumunghay si Cali, sumilip ang nagbabadyang luha sa mga mata niya. Ngayon ko lang nakitang ganito kalungkot si Cali at doble ang sakit na nararamdaman ko habang nakikita ko siyang may dinaramdam.

"Anong nangyari kay Lili?" si Andreau na nasa tono ang pag-aalala.

"S-She's in coma," napayuko ulit Cali nang magsalita.

"What?" hindi ko napigilan ang bibig ko sa pagkabigla at napatunghay ng mabilis si Cali nang marinig iyon.

"Summer?" nagtaka ang itsura niya pero isang iglap pa ay hindi na niya napigilan ang sarili at niyakap ako.

Napatingin sila Andreau sa akin na para bang sinasabi na ako ang kailangan ni Cali sa mga oras na ito. Ginantihan ko si Cali ng yakap at hindi na niya napigilan ang sarili niyang umiyak sa mga balikat ko. Para akong sinasaksak sa mga oras na ito lalo na't nararamdaman kong unti unting nababasa ang balikat ko ng luha galing kay Cali. Nawala ang isang tipikal na Cali, hindi niya kinaya ang lungkot at umiyak sa harap namin.

Lumayo sila Andreau at pumunta kila Chance.

Tinapik ko ang balikat niya at maya maya pa ay bumitaw siya sa akin at tinignan ako.

"I'm sorry, I'm being gay," sambit ni Cali habang nahikbi pa.

"It's okay, I understand, you're not being gay, you're being a caring brother," inalalayan ko siya umupo at tinabihan siya.

"Nasaan si Tito Nalu?" tanong ko pagka-upo namin.

"Kaka-alis niya lang kasama ni Tito Darce, pina-alis siya nila Tito Viahm dahil muntik niya na sirain ang buong kwarto ni Mommy kanina. He's being a monster and he's not helping at all, he can't control he's anger anymore, muntik niya pang bugbugin ang mga doktor dito kanina mabuti nalang at napigilan siya nila Tito Viahm."

Hindi ko masisisi si Tito Nalu, kung ganyan ang kalagayan ni Tita Lirie at lalo na ang bunso niyang anak ay hindi nakakapagtakang magwala talaga siya.

"How about Lili? Nasaan siya?"

"She's on the ICU, pero mamaya ay ililipat na siya sa tabi ni Mommy. I can't imagine that Lili will get into this situation, hindi ko kayang makita siyang ganito Summer, nahihirapan ako," magsisimula muli siyang humikbi pero hinawakan ko ang kamay niya.

"I know Cali, I know, I'm here for you, we're here for you, everything's going to be alright, I promised."

Tumango lang siya na parang bata at itinigil ang nagbabadyang pag-iyak.

Ilang minuto ay kumalma si Cali, wala akong makitang bahid ng kahit na kakarampot na ngiti sa mukha niya. Niyaya ko siyang kumain pero sa kauna unahang pagkakataon ay tinanggihan niya. Sumapit ang gabi ay saka palang dumating sila Audie at ang iba kasama sila Tito Rage. Pumasok sila sa loob ng kwarto ni Tita Lirie habang kami ay nasa labas.

"Cal, are you okay?" tanong ni Jett.

"No," mabilis na sagot ni Cali.

"Of course, bakit ba ako nagtanong?" inis na umiling si Jett na para bang gustong parusahan ang sarili sa ginawang pagtatanong.

"Idiot. Next time, think before you ask," sabat naman ni Hymn.

"Okay granny, I'll take the advice," walang ganang sagot ni Jett.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now