EPILOGUE

8.7K 294 42
                                    

[ Last Part ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Buwan ng Abril. Ngayon ang araw ng aming alis dito sa school. Hindi ko inaasahan na may wakas ang pagtira ko dito kahit na iniisip ko na habang buhay na akong bahagi ng paaralang ito.

Nakakalungkot lang dahil magpapatuloy dito sa pagtuturo si Kennedy at alam 'kong hindi kami araw-araw magkikita.

"Savanah? tapos kana ba? nandyan na kase ang sundo natin." Napalingon ako kay Cassidy na kakapasok lang at may hawak siyang ilang bag.

"Oo. Tapos naba sila Aby? at ang mga boys?" Tanong ko at tumango naman ito.

Napangiting tumayo na ako at binuhat ang dalawang bag at nagulat nalang ako ng biglang pumasok si Axel at agad kinuha ang dala kong mga bag.

"Ako na ang magbubuhat." Ngumiti nalang ako at pinauna na siyang lumabas upang i-lock ang pinto.

Waaaaah! oo nga pala nagtatampo sa akin si Kennedy ngayon, kase dahil sa iiwan kona daw siya. Natatawa na nga lang ako dahil sa tuwing inaasar ko siya na mami-miss niya ako, ngumunguso ito at hanggang sa sumobra na ako kaya hindi na niya ako pinapansin.

Kainis lang dahil ngayong paalis na ako tsaka pa kami nagkaganito. Kung pwede lang talaga mag-stay dito ay gagawin ko kaso siyempre may pamilya rin akong naiwan sa amin at sobrang miss na miss kona sila.

"O, andyan na sila tara na baka malate pa tayo sa biyahe. Hoy Uno, bwisit ka dalhin mo 'tong bag ko!" Napatawa nalang ako kay Jiahn at Abygail, oo nga pala dahil One ang apilyedo ni Jiahn ay mas bet ni Abygail na tawaging itong Uno.

"Isa pang tawag mong Uno hahalikan kita dyan." Bawi ni Jiahn at napatahimik naman si Abygail na ikina-iling ni Jiahn.

"Savanah nasan nga pala si Kennedy? bakit wala siya dito?" Napahinga ako ng malalim sa tanong ni Aaliyah.

"Ewan ko dun. Nagtatampo e, kesyo iiwan kona daw siya." Malungkot 'kong saad at napansin kong napailing si Jenesis.

"Hayaan mona siya kung ayaw niya edi wag.. andyan naman si Axel e." Sinamaan ko ng tingin si Jenesis na agad na tumakbo at sumunod kay Cassidy na nangungunang maglakad.

"Sira ulo talaga." Ngising wika ni Axel at ngumiti sa akin.

Hindi kona lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad, nang makarating na kami sa court ay nagulat nalang kami ng makita ang halos kalahating estudyante duon at naiiyak na nakatingin sa amin at ang iba naman ay may hawak na banner.

"Grabe sa banner parang patay na tayo ah? 'WE WILL MISS YOU' " Natatawang sabi ni Jayson at agad naman din ako napatawa dahil nga sa mga banner na hawak ng mga estudyante.

Pero agad nawala ang mga ngiti ko ng makita ang mga estudyanteng tinuruan ko sa sayaw. Sobrang umiiyak sila at ang iba naman napayakap sa mga kaibigan at agad naman lumapit sa akin sila Andrea at Liana na agad akong niyakap.

"Ate? magkikita pa naman tayo diba?" Naiiyak na sabi ni Andrea ng humilay sa akin.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya upang punasan ang luha. "Oo naman. Magkikita pa tayo don't worry." Ngiti 'kong sabi sabay tingin kay Leana na nagpupunas na ng luha.

"Sure ka ate Savanah ah? wag mopo kaming kakalimutan, thankyou po pala sa pagtuturo sa amin kahit na pasaway kami at hindi nakakasunod." Saad ni Liana.

"It's okay. Basta sikapin niyong matutong sumayaw para hindi na kayo mahirapan pag sa contest o anumang sasalihan niyo.. basta, wag na wag susuko kahit nahihirapan ah?" Wika ko at nagsitanguan naman sila. "Mami-miss ko din kayo. Balang araw magkikita rin tayo at oo nga pala wag papabayaan ang pag-aaral ah?"

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now