CHAPTER - 1

23.5K 548 26
                                    

Chapter 1- Welcome to The Evil University

[Savanah]

Ako si Savanah Ericka Smith.

Simple lang ang buhay. Dalawa lang kaming magkapatid at ako ang bunso. Namatay ang Mommy ko sa sakit na cancer, she passed away 5 years ago. Kami nalang ni Kuya and Dad ang namumuhay.

May tatlo akong kaibigan si Abigail Lim, Cassidy Miller at si Aaliyah Ellis. Magkakasama na kami since elementary to highschool at magkakaklase pa. Hindi talaga kaming apat mapaghihiwalay.

Isang araw umuwi ang Tito ko galing korea. Isa siyang gangster yun lang ang alam ko. Hindi ko alam kung anong trabaho pa ang meron siya sa Korea. Close naman kaming dalawa at hindi kami nakakalikutan kamustahin.

Nang mag-stay siya sa amin may isang room siyang pinagawa kay dad at na-curious ako kaya One time sinundan ko siya at nakita ko na may hawak siyang baril,kutsilyo at iba pang mga sandata, yun pala ay nage-ensayo siya. Namangha ako nang pinanood ko siya dahil sa bilis niyang kumilos. Makikita mo sa galaw ng mga kamao nya ang impact pag tumama sa iyo ito.

Mahilig ako sa mga ganito dahil sa mga napapanood ko sa TV. Hanggang sa humiling ako kay Tito na gusto ko din matuto ngunit nalaman ito ng mga kaibigan ko. Pati sila nagbalak na 'din mag-ensayo. Una, hindi pumayag si Tito dahil delikado daw para sa amin at mas mabuting magfocus kami sa paga-aral namin pero napilit namin ito hanggang sa pumayag siya.

Nage-ensayo kami pag may time. Hindi namin ito sinabi kay Daddy kahit sa mga parents ng mga kaibigan ko dahil alam naming tututol sila lalo na si Kuya.

Araw,buwan at taon ang lumipas sa page-ensayo namin. Sobrang hirap pero nakakagaan ng loob dahil unti-unti kang natututo.

Isang araw nabalitaan naming bumabaon na pala si Daddy sa utang. Wala kaming kaalam-alam ni Kuya na bumabagsak na pala ang kompanya namin. Ayaw niyang sabihin kung anong nangyari kahit anong pilit namin ayaw talaga ni Daddy sabihin.

Hanggang sa nalaman ko na matagal na palang walang trabaho si Daddy at may tumutulong sakanya na isang grupo. Nakakatakot dahil kinwento sa akin ni Tito. Sobrang delikado at sikat na sikat daw ang grupo na ito dahil sila ang pinaka-mayaman na gangster ang Demonican Gang.

Nakipag-sundo si Daddy sakanila para mabuhay lang niya kami ni Kuya pero dahil sa hiningi na tulong ni Daddy ay meron palang isang kapalit. Mismo ang leader ang nagsabi na ilipat ako ng school para sa kabayaran ng mga utang ni Daddy at ang pangalan nito ay.....

'The Evil University'

--

Nagising ako na mabigat ang talukap ng aking mga mata. Naalala ko na wala akong tigil umiyak kagabi ng malaman na ililipat na ako ng school. Ayokong mahiwalay kila Daddy at Kuya lalo sa mga kaibigan ko. Tito said once na dun ako mag-aral, hindi na ako makakalabas hangga't hindi ako nakakapagtapos. It means, first year to collage dun na ako.

Ilang beses na ako nagmakaawa kay Daddy para hindi na ako umalis kaso mukhang wala na talaga akong magagawa pa.

Napalingon ako ng may kumatok sa pinto at akala ko si Daddy na para sabihin hindi na ako aalis pero nawala lahat ng pag-asa ko ng si Yaya che ang nagbukas ng pinto.

"Ma'am Savanah? pinapatawag na 'ho kayo ni Sir para mag-almusal."

Walang gana akong bumangon at dumiretso sa banyo upang maligo. Today is saturday at bukas ay linggo bukas na ang alis ko. Hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko na aalis na ako dahil alam ko pipigilan nila ako. I don't want to see them sad.

Nang makababa ay naabutan 'kong kumakain parin sila kuya at dad.

"Goodmorning." Bati ko at umupo sa pwesto ko.

The Evil University(COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang