CHAPTER - 34

5.1K 200 4
                                    

[ Chapter 34 ]

------------------------------------------------
Wendy's POV

Argh! naiinis ako ngayon kay Jenesis at Savanah. Porke ba nandyan na yung mga bestfriend nila hindi na nila ako papansinin? hangin nalang ako? huhuhu! ang bad nila sa akin.

"Oy Wendy? una na ako pasok ah?"

Hindi ko pinansin si Savanah, sa totoo lang kanina pa talaga ako gising dahil Tengene! hindi ako makatulog ng hindi ko alam kung bakit. Badtrip ako ngayon bakit ba?!

Bumangon na ako at mabilis naligo at kumain. Dumiretso ako sa salamin at nagpolbo at kilay then lipstick. Pak! dyosa na oh! bahala sila diyan kung hindi nila ako pinapansin? edi ako din.

"Oy Wendy? pinapatawag ka ni Leader." Napaikot nalang ang mata ko ng bumungad sa akin si Louisel. Aish! nadagdagan tuloy ang pagkabadtrip ko!

"Nasan ba siya!?" Pagtataray ko.

"Oh easy! kay aga-aga badtrip ka agad. Nasa room na siyempre." Sambit nito.

"Okay!"

Simula nang magtransfer ang anim na 'yon sila na ang laging usapan dito. Porke ba mga gang sila gaganyanin na? tsh!

Pagpasok ko sa room nakita ko si Savanah na may hawak ng cellphone. Aba! may cellphone na siya ah? buti pa siya, hayst!

"Oh Wendy? may assignmnet ka 'dun sa Filipino?" Tanong nito ngunit deadma lang ako. Hindi ko siya papansinin bahala siya. Hmp!

"Savanah? bakit namamaga mata mo?" Narinig 'kong nagsalita ang katabi niya.

"H-Huh? hindi ah! napuyat lang ako kagabe. hehe.." Hindi ko naman napansin na maga ang mata niya ah?

"Oy guys? balita ko yung leader ng Dark killer gang? si Jenesis Aldrin? mukhang may tinitipuhan sa grupong Moon Crest gang." Nabigla ako sa sinabe ni DL na presindent namin.

M-May napupusuan si Jenesis? e diba wala ng namamagitan sa kanila ni Savanah? e leader ng MCgang si Savanah ah?

SH*T! baka 'dun sa mga tatlong bestfriend ni Sav? Arghh!! Why did you do this to me Jenesis? F*ck you ka!

"Waaah! kainggit naman. Crush ko pa naman 'yun."

"Ako din! idol ko siya sa sayawan e."

"E diba si Savanah lang naman nililigawan niya?" Pagkasabing-pagkasabi ng kaklase namin. ay agad napatingin ang lahat kay Savanah. Napalingon nadin ako sa kanya ngunit nakayuko ito.

"Walang namamagitan kay Jenesis at Savanah. Tinigil na niya ang panliligaw." Sambit ko habang nakatingin sa notebook. Bigla naman silang napatingin sa akin.

"Pabebe kase!"

"Akalain mo? gwapong lalaki at dancer pinaghintay niya pa?"

"Kala mo naman maganda!"

Napapikit ako sa inis dahil sa mga naririnig 'kong kutya nila kay Savanah. Kaya napatayo ako at tinignan isa-isa yung tatlo magkakatabi.

"PWEDE BANG MANAHIMIK KAYO!?" Sigaw ko na ikinatigil nila. "Wala kayong alam sa istorya nila kaya wag kayong magsalita ng mga kag*guhan ah?!"

"Bakit kaba sabat ng sabat tuwing siya ang kinakausap namin? alalay kaba niya?" Hindi mapigilang sabi nung nasa gitna.

"Hindi niya ako alalay at may karapatan akong magsalita dahil Kaibigan ko siya!" Naramdaman 'kong may humawak sa likod ko. Sa harapan kase nakaupo yung tatlo.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now