CHAPTER - 55

4.9K 179 12
                                    

[ Chapter 55 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

"Sav? magcelebrate tayo pagtapos ng graduation ah?"

"Oo nga. Ilang araw nalang din aalis na tayo dito."

Napaisip ako at tumingin sa kanilang tatlo. Nandito kami ngayon sa dorm namin ni Cassidy at yung dalawa naman 'tong si Aaliyah at Abygail ay pinagtitripan yung nobyo nila dahil ayaw silang payagan na mag-inom sa plano naming mag-celebrate nga.

"Kayong dalawa gusto niyong uminom, may nabibilhan ba ng alak dito?" Tanong ko.

"Wala. Pero may alam ako para makabili." Ngising sabi ni Aaliyah at nagtaas-baba pa ang kilay.

Oo nga pala. Magaling ito pag sa lusutan at sa kalokohan.

"Kayo bahala. Magaling kayo dyan e." Sambit ko.

Kailangan kona pala ayusin ang mga damit ko para wala na akong asikasuhin sa araw ng alis namin dito. Sana naman wala ng mangyareng masama, sabi-sabi kase dyan na kapag nakapagtapos kana may mga loko-lokong nantitrip dyan para hindi kana makauwi sainyo.

"Sa palagay niyo sa araw na aalis na tayo dito, makakaligtas kaya tayo?" Bigla akong napalingon kay Cassidy pati narin sila Abygail.

"Grabe ah? Siyempre naman makakalabas tayo dito ang tagal din natin nagtiis dito no!" Ani ni Aaliyah.

"Oo nga. Tsaka ilang taon din tayo walang gala kaya. Kahit sa mall na laging natin ginagawa." Saad naman ni Abygail.

"Alam niyo magpasalamat nalang kayo dahil dito niyo natagpuan ang bebe'kunno niyo." Ngising-iling na sabi ko at nagtawanan naman sila.

"Eh...... ikaw ba?" Biglang nawala ang ngiti sa labi ko sa sinabi ni Cassidy.

Natagpuan ko naman e. Kaso iniwan nga lang ako...

Napansin 'kong sinenyasan nila Abygail si Cassidy na wag ng tanungin.

"A-Ahh nga pala. Kakapadala lang sa akin ni Mommy ng pera kayo ba napadalhan na?" Pagiiba ni Aaliyah.

Sa ilang taon na pagkawala nilang tatlo ay nalaman na ito nila Tita at Tito na dito sila nagpasiyang mag-aral para sundan ako. Una nagalit sila dahil hindi manlang nagpaalam ang tatlong 'to at sobrang pinagalala talaga nila sila Tita pero pinaliwanag naman ni Kuya Josh.

Buti nalang nga nakayanan ko dito ng ilang taon na hindi ko nakasama sila Daddy at Kuya, pero hindi ko maiwasan malungkot dahil sa nagdaang kaarawan ko, ni dad at kuya ay hindi manlang kami nagkasama at nagpaplano ng magcelebrate. Nagawa 'kong patawarin si Dad dahil sa nadamay lang naman siya at pinagsisisihan niya ang mga nangyayare noon.

.

"Guys? alam niyo 'bang sa araw ng graduation may bisita daw?"

"Oo! nae-excite tuloy ako."

"at sabi-sabi na si Demolead daw ay magpapakilala na. Omg! siguro gwapo siya no?"

"Wew! sigurado bang tatanggalin niya yung panyong nakaharang sa mukha niya?"

"Malay natin diba?"

Natahimik kami ng marinig ang usapan ng mga babae sa kabilang table. Oo nga pala nung nalaman nilang wala na si Kennedy ay labis ang lungkot din ang dinanas nila at lalo na ang mga naging estudyante ni Kennedy.

Nandito kami ngayon sa canteen dahil vacant time namin at siyempre magkakasama nanaman kaming magkakaibigan at buti nga sumabay ang Vacant time nila.

The Evil University(COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ