CHAPTER - 27

5.7K 194 4
                                    

[ Chapter 27 ]

------------------------------------------------
Jenesis Aldrin's POV

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at pilit 'kong iniisip na walang nangyareng masama kay Savanah. Sana ay isang pangloloko lang ang nakikita ko ngayon sa aking harapan.

"U-Uy Jenesis? sino nandyan?" Hindi ko magawang lingonin si Wendy dahil sa kabog ng puso ko sa takot. Mabilisang nagsi-ipon na ang mga luha ko. "Huy?" Duon kona siya nilingon dahil sa kinalabit niya ako at biglang dumungaw sa likuran ko.

Agad ko naman siyang pinapasok sa loob at sinarado ang pinto.

"Ano bang nangyayare sayo?"

Papikit-pikit akong umiling at dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig.

"W-Wendy maaari ka ng umuwi."

"H-Huh? sigurado ka? magisa ka lang dito pwede naman ako mag stay muna." Pagpupumilit niya.

"A-Ayos lang ako dito, umuwi kana."

"Alam mo hindi ko alam kung ano bang nangyayare sayo simula nung binuksan mo ang pinto."

Napatingin ako sa kanya ng maging seryoso ang kanyang mukha.

"Parehas lang tayong sumasakit ang ulo kakaisip kung nasaan si Savanah, wag mo naman sanang solohin ang mga nalalaman mo dahil tutulungan naman kita e." Dagdag niya.

Napalunok akong at nagtungo sa pintuan at kinuha ang damit ni Savanah na duguan. Sobrang nanginginig ang kamay ko ng mahawakan ko ito.

"A-Ano yan?" Naguguluhan niyang tanong.

"I-Ito ang d-damit ni Savanah nung huli ko siyang makita."

Nakita 'kong napahawak siya sa kanyang bibig at umiiling-iling na hindi rin makapaniwala sa nakikita ngayon. Hindi kona napigilan ang mga luha ko dahil nangangamba ako baka wala na si Savanah.

"H-Hindi sa kanya yan! b-baka kapareha lang ng suot niya 'yan." Naiiyak niyang sabi.

"U-Umuwi kana Wendy." Naiiyak 'kong sabi sabay hila sa kanya at pinipilit mailabas sa pinto.

"A-Ano? saglit lang Jenesis! wa------"

Sinara kona ang pinto at napasandal nalang at tahimik na umiyak, para na tuloy akong bakla dahil sa itsura ko ngayon.

Napamulat ako at bumangon. Dito na pala ako sa sahig nakatulog, nakalimutan ko nang humiga sa kama. Dali-dali akong naligo at kinuha ang damit na duguan ni Savanah.

'Kailangan malaman ito ni Kennedy kahit napipilitan lang ako manghingi ng tulong sa kanya...'

Oo nga pala. Hindi ko naramdaman ang araw, sabado pala ngayon kaya kakaunti lang ang mga estudyante sa labas at iilang mga classroom lang ang mga nakabukas. Dumiretso ako sa office ni Kennedy at taimtim na naglalakad at pinakiramdaman ko ang paligid.

Hindi ko alam pero pansin ko may nagmamasid sa akin, hindi ko rin maintindihan dahil biglang nalang nagsitaasan ang mga balahibo ko at biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Huminto ako sa paglalakad at lumingon-lingon upang hanapin kung sino 'yon ngunit wala akong nakita.

*Tok tok tok*

Naghintay ako sa labas dahil wala namang sumasagot sa loob.

Umupo muna ako sa hagdan at pinagmasdan ang mga puno at ibon na humuhuni habang nakasampa ito sa sanga.

Dalawang ibon ang magkasama habang magkatabi sila at palinga-linga sa paligid. Bigla akong napangiti dahil naiisip ko si Savanah at ako 'yon, masaya kaming naguusap at hindi mawala-wala ang kanyang mga ngiti at minsan nga'y naiilang siya dahil sa mga banat na ginagawa ko sa kanya, nakaka-miss na siya. Napawi ang mga ngiti ko ng may dumating pa na isang ibon at bigla namang humiwalay ang isa na parang biniyak ang puso ko dahil naiisip ko na may aagaw kay Savanah sa akin. Kahit kilala kona kung sino 'yon hindi parin ako makakapayag dahil handa akong harapin ang mga pagsubok para lang makuha ko ang puso ni Savanah.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now