CHAPTER - 28

5.4K 212 7
                                    

[ Chapter 28 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Napalingon ako sa orasan na paulit-ulit umiikot. Alas-dyis na ng gabi ngunit mulat na mulat parin ko. Ang dami ko ng mga sugat at pasa dahil sa mga parusa na ginagawa ni Britina sa akin na kung ano-ano.

Napababa ang tingin ko sa gilid ng banig at nanduon ang mga bakas nt dugo ko na natuyo na. Hirap na hirap akong tumayo at sumilip sa maliit na bintana ngunit alam 'kong hindi ko gaano makikita ang labas dahil sa mataas ito at maliit lang ako.

Umupo nalang ako at sumandal sa dingding. Hayy... kailan kaya ako makakalabas dito? kamusta na kaya sila Jenesis at Wendy? miss na miss kona sila, ano kaya ginagawa nila ngayon.

Alam ko na nahihirapan sila ngayon dahil hindi lang basta-basta ang mga dumukot sa akin ngayon. Sa tingin ko limang tao ang kalaban ng demonican, si Andrew,Kevin,Chris, Britina at yung leader ng grupo nila na never ko manlang nakita.

Nakilala kona sila dahil sa papalit-palit silang pumunta sa kwarto nato upang kausapin or parusahan ako. Lagi kong naririnig sa mga bibig nila na wala pang balita sa mga Demonican kung ano bang balak nila sa kanila.

Sa ngayon hindi ko mapigilang kabahan dahil alam 'kong matinding laban ang mangyayari sa mga 'yon ngunit ang iniisip ko bakit ba nananahimik lang ang Demonican? diba sila ang pinakamayaman na grupo at kinakatakutan? ngunit bakit parang nagpapakampante lang sila, gaya nung may nangyareng patayan sa school?

Hindi kaya alam nilang may nangyayareng patayan sa teritoryo nila at pinaghahandaan lang nila na lusubin na talaga ang school na iyon at dun lang sila kikilos? at may nakwento pala sa akin si Kennedy at Wendy na mahigpit na kalaban ng mga Demonican ay ang Black snake gang.

Oh My God!!!

Hindi kaya ang mga dumukot sa akin ngayon ay ang mga BsGang?

Napabangon ako ng may naguusap sa labas. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, tumingin ako sa orasan at mapanguso dahil gutom na ako.

"Luis? nagalmusal naba kayo?"

Napabangon ako at pumunta sa pinto upang silipin ang bantay sa labas.

"Hindi pa. Hinahantay ko pa kase ang sahod ko, birthday ng anak ko pre."

"Wee? Nobyembre 20 pala ang kaarawan niya?"

Nanlaki ang aking mata ng marinig ang sinabe nung lalaki.

B-Birthday kona pala ngayon? hindi ko manlang naramdaman, ang bilis ng panahon.

Nakakalungkot naman isipin na dito pa ako nag-birthday. Sa tuwing kaarawan ko laging busy si dad at tanging kami lang ni Kuya ang nagce-celebrate ng kaarawan ko. Dati naman nung buhay pa si Mommy sobrang saya namin 'nun dahil nakikisabay pa sa amin si Dad at sobrang engrande ng kaarawan ko.

Napapikit ako habang inaalala ang mga masasayang araw na nangyare sa buhay ko.

Kailan kaya ulit magiging masaya ang kaarawan ko? yung tipong lahat ng mahal ko sa buhay kasama ko....

Napaayos ako ng upo ng biglang bumukas ang pinto.

"Hoy. Bumangon kana diyan at maghanda dahil dadating ngayon si Boss."

Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko naman alam ang sinasabe niya kung sino bang Boss, baka si Britinang maldita. Psh!

Gaya nga ng sabi niya inayos ko ang pinaghigaan ko at mga nagkalat na mga basura. Ilang araw na din ako hindi naliligo dahil hindi naman nila ako hinahayaang makalabas. Napalitan nga lang ang damit ko dahil nga sa pagawang pagpunit nung Maldita sa damit ko na galing pa kay mommy.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now