CHAPTER - 7

9.3K 348 8
                                    

[ Chapter 7 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Nandito ako ngayon sa dorm kaharap si Jenesis na mahimbing na natutulog. Sobrang natatakot ako dahil wala akong mahingian ng tulong, tulog na kasi ang lahat.

Naalala ko ng turuan din kami ng Tito ko na kung sino man sa amin ang madisgrasya ay alam namin ang gagawin.

Ang ginawa ko ay nilagyan ko na muna ng gamot na galing kay Tito at pagtapos tinali ko para tumigil sa pagdurugo. Hindi naman gaano kalalim ang saksak sakanya pero hindi parin ako nawawalan ng pangamba na baka mapano siya.

"Jenesis... sana gumising kana alam mo bang pinagalala mo ako? sabi ko naman kasi sayo na ako na ang maglilinis e, ang kulit mo talaga! Edi sana hindi nangyari sayo to. Gumising kana oh!" Naiiyak na sabi ko.

Nagising ako sa sinag ng araw na galing sa bintana.

"H-Hala! Anong oras na! Hindi na tuloy ako nakapasok." Gulat na sabi ko.

Naalala ko ang nangyari kagabi kaya tinignan ko ang katabi 'kong kama.

W-Wala si Jenesis. Asan na 'yon? .

"Jenesis asan ka?"

"Nandito ako sa kusina!" Sigaw niya.

Tumayo na ako at sinuot ang tsinelas bago pumunta sa kusina. Pagpasok ko nadatnan ko siyang kumakain na animoy gutom na gutom at halos matapon na ang kanin sa sahig.

Napatawa na lang ako dahil masigla na ulit siya. Okay na okay na siyaz

"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ko.

"Eto masakit parin pero hindi naman na gaano. Nakakagulat nga dahil sumigla agad ako." Masayang sabi niya.

"Halata nga. Halos magsilaglag na nga ang mga kanin sa sahig e." Nakangiting sabi ko.

Nahihiyang tumingin siya sa sahig at napakamot sa ulo ng makita na niya.

"Sorry nagugutom na talaga ako e!"

Napahinto ako sa pagtatawa ng maalala ko ang nangyari.

"Ano ba talagang nangyari ah?" Seryosong sabi ko na ikinatigil din ng pagngiti niya.

"Hindi ko din alam. Basta ang naaalala ko nalang ay andaming tao. Tumatakbo sila, tapos nakita nila ako kaya tumakbo ako ng mabilis ngunit naabutan din nila ako." Sabi niya. Nakikita ko padin ang mga takot sa kanyang mata. "Buti nalang at walang masamang nangyari sayo." Dugtong niya.

Isa pa sa isipin ko yung lalaking nakita ko kagabi! Bakit niya ako hinila?

Siguro may magtatangka 'rin na pumatay sa akin kaya niya nagawa yun?

"Sige na, magpahinga kana muna duon sa kama. Hindi pa sariwa 'yang sugat mo." Sabi ko.

"Eh ikaw? anong gagawin mo? hindi kana nakapasok."

"First subject ang adviser namin. Sasabihin ko sakanya kung bakit ako absent, tsaka yung iyo pala sino adviser mo?" Tanong ko.

"Si sir Kennedy."

Nagulat ako sa sinabe niya. Adviser niya pala 'yon?.

"S-Sige na. Magpahinga kana diyan." Sabi ko at tumayo na.

The Evil University(COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя