CHAPTER - 11

8.3K 312 10
                                    

[ Chapter 11 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Sobrang dami pala naming estudyante dito pag nagsama-sama. Ano kaya ang naisipan ng mga magulang nila na pag-aralin sila dito na matagal nilang hindi makakasama ang mga anak nila.

Umuwi muna ako sa dorm at nagayos para sa susuotin mamaya. Nagulat ako ng may makitang isang maliit na paper bag na nakasabit sa doorknob ng dorm ko.

Binuksan ko ito at napangiwi ng galing pala kay Wendy.

'Yong babaeng talagang yon!

Pumasok na ako sa loob at kinuha ang damit sa paper bag at buti nalang hindi siya gaano kaiksi. Kaloka siya ah! buti hindi niya ako binigyan ng dress niya na sobrang ikli.

Buti naman at may susuotin na ako. Maganda snaman siya. long sleve na dress na kulay itim at hanggang taas lang siya ng tuhod ko.

Love na love kona talaga ang babaeng 'yon. Haha!

Pumasok na ako ng banyo at naligo ulit pagtapos sinuot ko na ang dress na bingay ni Wendy at pinartner ang doll shoes na gift sa akin ni Mommy nung birthday ko.

Maglulugay nalang ako at konting pabango. Hindi naman ako mahilig maglipstick pero pag nakita ako ni Wendy siguradong aanuhin nanaman ako nun kaya konti lang nilagay ko.

Nang makontento na lumabas na ako. Medyo nahiya pa ako dahil nakita kong nagsisitinginan sa akin ang mga tao at karamihan mga lalaki. Kaya yumuko na lang ako habang naglalakad.

"Girl!!!!" Bunganga talaga nito. "Yieeee! ang ganda mo. Kala ko hindi mo susuotin 'tong damit na pagkahirap-hirap ko pang isabit dun sa pinto mo." Siraulo amp!

"Bawal ka ba Wendy umalis na muna diyan?" Biglang tanong ko. Wala akong kasama tsaka wala naman na akong iba pang kakilala dito e.

"Hindi pwede e. Masungit yung leader!" Taray na sabi nito.

"Ano bayan. Wala akong kasama dito." Malungkot na sabi ko. Dapat pala sa dorm na lang ako kaso bawal e.

"E bakit si Jenesis? hindi parin ba kayo ayos? Nako! sumosobra na siya hindi porke gwapo ganyan na siya!"

"Shhh! wag ka ngang maingay hayaan mona dun na lang ako sasama sa mga babaeng sasayaw ngayon, sila Andrea. Sige ba-bye kitakits nalang mamaya" Sabi ko at kumaway pa bago tumalikod.

"Hoy! ako lang bestfriend mo ah? wag mo 'kong ipagpapalit sa kanila. Lagot ka sakin!" Nakapaymewang na sabi nito.

Natawa na lang ako sa pagka-abnormal nitong babaeng 'to at nagsimula nang maglakad.

Nagtungo na nga ako dun sa MAPEH department at pinuntahan sila Andrea. Medyo nahirapan pa nga akong makadaan dahil andaming mga nakaharang at lalo na sa harap ng MAPEH dept. Lahat ng mga sasayaw nadun nakaharang.

"Excuse me." Sabi ko ng may nakaharang na lalaki nakatalikod.

"S-Sorry.." Sabi nito at parang pamilyar sa akin ang boses niya. "Ikaw pala yan Savanah."

"Hmm... Jenesis." Sabi ko at tiningnan ako nito ulo hanggang paa. "Pwedeng makidaan?" Tanong ko na ikinagulat nito at tumabi na sa dadaanan ko.

Mas magandang iiwas na muna ako...

"Ate Savanah dun na daw po muna lahat sa backstage." Sabi ni Leana

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now