CHAPTER - 18

7.1K 231 5
                                    

[ Chapter 18 ]

------------------------------------------------
Wendy's POV

Sa makalawa na ang birthday ko busy din ako sa pagaayos ng mga ihahanda. Binigyan ako ni mommy ng sulat. bibigyan niya daw ako ng pera para daw makapag-party ako with my friends. Pera nanaman hmp!

Nandito kami ngayon sa classroom. Hinihintay ang susunod na subject eto naman si girl, tulog! Potek!! magising nga. Shh lang trip ko.

"Girl?" Sabi ko at niyuyugyog siya. Alam niyo ba ayos niya? naka patong yung ulo niya sa kanyang mga braso tapos nahaharangan ng mga buhok niya yung mukha niya.

"Hmmm." Ungol niya tapos sinasagi pa yung kamay ko.

"Pakopya assignment sa math." Sabi ko. Hindi ko kase nagawa yung ass namin sa Math tsaka girl, ang hirap kaya. Hmp!

"Mamaya na! antok pa ako." Angil niya. Hindi naman ito laging ganyan ah! ano kayang nangyare kagabi? hindi ko siya na kasama dahil nga busy ako.

"Kunin ko na lang sa bag mo ah?" Sabi ko at tumayo na sa upuan at nagtungo sa kanyang bag.

"Ano bayan Wendy!" Nagrereklamong sabi na ikinatawa ko. Pano yung mukha parang zombie, halatang antok na antok nga.

Umupo na lang ulet ako sa upuan ko at humarap sa kanya. Mamaya na lang ako kokopya last subject naman yun e.

"Anong nangyare ba sayo? bakit puyat na puyat ka?" Tanong ko.

"Basta! tinatamad ako magkwento." Sabi niya at nagkamot pa ng ulo.

"Dali na girl. Bad mo sakin." Pagkukunwaring nagtatampo.

"Hayst! ewan ko sayo basta ilibre mo ako ng strawberry shake ah?" Sabi niya.

"Tsk! Oo na." Sabi ko. Ang hilig niya talaga sa strawberry.

Tapos ayun nga si girl kinuwento na niya yung nangyare kahapon na hindi nga daw siya makatulog dahil sa nangyare nung hapon sa court.

Sumayaw nga daw sila ni sir Kennedy tapos ito guys ah? nakangiti siya bes! oo, naka ngiti siya habang nagku-kwento. Feel ko lang na baka dun siya may nararamdaman guys. Mygod! pano na si Kuyang pogi? sakin na lang siya. Bawal sainyo akin lang siya! gets?

"Gosh, girl! kilig to the bone pak!" Sabi ko sabay apir ng kanang kamay ko sa kaliwa. Alam 'kong hindi ako isu-support nito e.

"Wag ka ngang maingay. Tsaka anong pinagsasabi mong kilig-kilig na 'yan? magkaibigan lang kami ni Kennedy." Bulong niya at tinataasan pa ako ng kilay.

"Pero siya ba kaibigan turing sayo?" Sabi ko na ikinatigil niya. Yun yon!

"O-Oo naman sigurado ako hanggang dun lang kami Wendy. Tsaka wag mong lagyan ng meaning yung kahapon. Sila Andrea e, bigla nalang hinila si Kennedy." Nakangusong sabi niya.

"Pero girl hindi yan ang nakikita ko." Sabi ko at tinitignan kong mabuti ang kanyang mata na ikinakunot-noo niya." Feeling ko may ehem na sainyo e. May gusto kaba sa kanya? pano na si Kuyang pogi? akin na lang nga siya." Sabi ko at nag bu-beautiful eyes pa.

"Baliw ka talaga eh no! wala ngang namamagitan sa amin." Ulit na sabi niya.

"Ay basta! bahala ka." sabe ko sabay talikod pagod na ako makipag talo.

Maya-maya ay dumating na si sir Kennedy. Sinulyapan ko si Savanah na hindi makatingin kay Sir at parang namumula-mula pa siya. CONFIRMED!

"Wala daw!" sabi ko na siya lang makakarinig. Napatawa naman ako ng sipain niya ang aking upuan.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now