CHAPTER - 31

5.4K 217 10
                                    

[ Chapter 31 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Halos mapunit na ang labi ko sa sobrang ngiti. Gosh! alam niyo ba 'yung salitang KILIG? oo siyempre, alien lang? dejoke! kase naman ih! hindi ako nakatulog kagabe dahil sa first kiss namin hihihi, tapos binigyan niya pa ako ng bulaklak. Hindi ko talaga hilig 'yon pero okay lang galing naman sa kanya e.

"Hay nako! nababaliw na ako sayo Girl."

Natatawa din ako dito kase hindi kona magawang kausapin at pakinggan si Wendy. Yung utak ko kase ginugulo ni Kennedy e. Hayyy.. Inlooooove na talaga ako sa kanya.

"Oh eto na 'yung pagkain niyo. Napadaan lang ako dito dahil may sayaw pa kami."

Hindi kona din pinansin si Jenesis na busy sa pagaayos ng pagkain namin at iiling-iling na tumingin siya sa akin at umalis na.

Wag nilang sirain moment ko dahil ngayon nalang naman ako mainlove e.

"Pag hindi kapa umayos kakainin ko 'to lahat." Napatingin ako kay Wendy na nakanguso habang kinakagat ang french fries. Sinamaan ko to ng tingin dahil nilalantakan na niya ang pina-order ko kay Jenesis. Pera ko kaya 'yan. hmp!

"Kainin mona lahat wag lang french fries ko!" Pagsusungit ko at kinuwa sa kamay niya yung french fries.

"Parang isa lang e, grabe naman to!"

"Bakit hindi ka kase nagpabili?"

"Paano ako magpapabili e kulang 'yung dala kong pera, naiwan ko e.."

Ay Shung!

"Che! konti na nga lang 'to kukunin mo pa!"

"Damot!"

Hindi kona siya pinansin at nagsimula ng kumain.

"Uyyy? bali-balita may magtatransfer daw dito na anim?"

"Weee? e pano 'yan, diba bawal ang late enrollment?"

"Hindi sila mapaparusahan dahil gang sila at sikat. Pero magkaiba silang grupo."

"Ahh sabagay gang din naman ang mga Demonican pero wait! kailan sila pupunta dito?"

"Baka bukas ata or sa monday para diretso pasok na."

Napahinto ako sa pagkain ng marinig 'yon sa mga babaeng malapit lang sa amin. So may magtatransfer dito na tulad ko? parang ang Unfair naman dahil pinarusahan nila ako at ang mga 'yon hindi? hmp!

"Sino kaya ang mga 'yon?"

Nakibit balikat nalang ako sa tanong ni Wendy at nagsimula na ulit kumain.

Oo nga pala! Nagbago ang schedule namin ngayon, nagpalit ng time ang Science at Mapeh so first sub na namin ang Science at last sub naman ang Mapeh kaya last subject ko din makikita ang Honey ko. hayst!

"Oy samahan mo ako sa dorm pagtapos natin kumain. P.E pala ngayon sa Mapeh, diba tuwing thursday at friday?"

"Oo nga no? ano nga pala ang topic sa PE?" Buti nalabhan ko kahapon P.E ko.

"Hmmm maglalaro lang naman daw tayo. Mapeh month ngayon kaya walang stress-stress. Hahaha!"

Pagtapos namin kumain nagtungo na kami sa dorm at kinuha ang P.E at next, dumiretso na agad kami sa Room.

"Sino kaya ang mga magta-transfer dito?"

"Oo nga e. Sana naman walang mangyayareng gulo."

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now