CHAPTER - 44

4.8K 193 3
                                    

[ Chapter - 44 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Nagising ako na masakit ang banda sa tiyan ko. Napaisip ako at inalala ang lahat.

Nasa ibang lugar nanaman ako at kaya pala masakit ang sa tiyan ko dahil habang pinapasok ako dito ng mga lalaking armado ay nagpupumilit akong makatakas dahil naririnig ko ang ilang sigaw ni Kennedy at sinuntok ako sa sikmura ni Britina kaya nawalan ako ng malay.

Tumayo ako at nagtungo sa pinto. Walang mga bantay sa akin at siguro ay nakila Kennedy sila at baka kung ano na mangyare kay Kennedy ngayon.

"PAKAWALAN NIYO KO DITO!! KENNEDY!!!" Nagsisigaw-sigaw ako at kinakalampag ang pinto na ikinaingay sa buong kwarto. Nakita ko ang malaking lock sa pinto kaya imposible na makalabas talaga ako dito.

"Kennedy? nasan kana? Tulungon mo ako dito." Bumuhos na ang mga luha ko at napabalik sa kama, ipinatong ko ang ulo ko sa tuhod at tahimik na umiyak.

Maya-maya may narinig akong ingay sa labas kaya dali-dali akong nagtungo dun at natulala nalang ako ng makita na bitbit nila si Wendy na walang malay.

"Wendy?!" Napalingon ang dalawang lalaki sa akin at dumiretso sila sa kwarto ko at ibinagsak si Wendy.

"Wendy? gising! bakit ka nandito?!" Hiniga ko siya sa biniti ko at pilit na ginising at maya-maya unti-unting nagmulat na ang mga mata niya.

"S-Savanah?" Napa-bangon ito at nilibot ang paningin sa buong kwarto.

"Nakakulong tayo Wendy. B-Bakit ka napunta dito?" Takang-tanong ko at napalingon naman siya sa akin.

"E-Ewan ko Savanah....n-natatakot ako! b-biglang may kumatok sa pinto at may lalaking naka-itim tapos, tapos. Hindi kona maalala natatakot ako!" Napayakap nalang ako sa kanya at pareho na kaming umiiyak.

Nakakaawa si Wendy dahil wala naman siyang ginawang masama ngunit nadamay pa siya dito. Wala talagang silang puso! siguro pinasok na nila ngayon ang Evil University at nalaman na siguro ni Demolead ang mga nangyayare. Sana ay matunton kami dito nila Jenesis o kaya naman ang mga Demonican.

"Wendy? nalaman ba nila Jenesis na nadito ako?" Tanong ko at napahiwalay siya ng yakap sa akin.

Tumango ito. "Oo Sav. S-Sorry ah? nagalala kase ako sayo dahil mag-isa ka lang 'dun. Baka kase mapano ka." Naiiyak na sambit nito. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Kapag nakatakas tayo dito wag kang hihiwalay sa akin ah? basta magiingat tayo." Paalala ko at tumango naman ito. Agad kaming napalingon ng bumukas nanaman ang pinto at nilabas nito si Britina na nakasando parin at naka leggings.

That Bitch!!

"Sorry sa pagputol ng kadramahan niyo ah? kailangan ko na kaseng parusahan muli si Savanah." Maarting sambit nito at pumeywang sa harapan namin.

"Hindi ako makakapayag!" Napahawak ako kay Wendy na aktong susugurin niya si Britina.

"Ows? I'm sorry but, wala ka nang magagawa." Ngising wika nito at sinenyasan ang mga lalaki na kunin ako.

Napahawak ako ng mabuti kay Wendy at tinignan ng masama si Britina.

"Hangga't kailan ba kayo titigil?" Napahinto ang mga lalaki ng magsalita ako. Tinitigan ko ng masamang-masama si Britina at nakita ko ang takot sa mga mata niya. "Hindi ba kayo nangongonsensya? sa dami ng tao na napatay niyo at halos ang iba nadadamay na at napagbibintangan dahil sa mga kagagawan niyo! hindi na kayo nadala! ang mga kawawang estudyante nadadamay na kahit gusto lang naman nilang mag-aral at makapagtapos para maabot nila ang gusto nila kaso humahadlang kayo."

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now