CHAPTER - 9

9.5K 329 3
                                    

[ Chapter 9 ]

------------------------------------------------
Kennedy's POV

"Sino ka?"

Biglang natahimik ang tao sa loob. Kami naman dahan-dahan at hindi nagbibigay ng ingay sa unting paglapit sa pwesto ng kwarto. Hindi mawala ang kaba sa aking dibdib dahil pati ang babae ay wala kaming marinig na boses.

"Sabihin na nating.... nakita mo na ako noon."

Iniharang ko ang akin kamay para pahintuin ang tauhan ko.

Nakita? Nahihibang na kaya 'to?

"Magpakilala ka!" Sigaw ko.

"Tsk! tsk! Hindi mo ba naaalala ang binatang nanghingi ng tulong sainyo noon? na halos lumuhod na na sa harapan niyo upang mailigtas lang ang kanyang ina?" Mariing sabi niya. Bawat salita na binabanggit nito ay may hinanakit.

Doon ko naalala ang sinabi niya.

Naalala ko nung sumugod dito ang mga BSgang. Sobrang nagkakagulo ng mga oras na iyon. Kanya-kanya sila sa pakikipagtakbuhan para lang maligtas ang sarili. Yun ang araw na pwede pan. Makalabas ng paaralan.

Ibig sabihin siya si Nico?

"Nico..."

"BINGO! Long time no see." Masayang usal nito namukhang nabuhayan siya ng maalala ko kung sino sya.

"Alam mo wala akong kayang gawin sa mga oras na 'yo---"

"ALAM KO!" May narinig ako na kalampag sa loob. Shit! "You have a brother! Yung Kuya mo yun e.. Hindi man lang niya kami natulungan kaya namatay ang mommy ko sa hirap ng huminga!"

"Pero alam mo ang nangyari 'non Nico! Alam mong sumugod ang Bsgang ng hindi kami handa kaya wala kamin nagawa sa pagtulong sa mga tao!"

Kung bibigyan ako ng pangalawang pagkakataon ay dapat nailigtas ko ang mga dapat iligtas nung mga araw na 'yon. Maraming namatay. Maraming nawalan ng mahal sa buhay. Maraming nagagalit sa amin. Pero wala silang magawa dahil dito sila naga-aral. Bawal  ng umalis.

"Kaya nga e! alam 'kong hindi niyo matatalo ang Black Snake
gang! Alam 'kong kahit nangunguna kayo hindi niyo kayang talunin ang mga BSgang. Pero sana naman, sana naman inuna niyo ang mga taong sugaton 'non! Edi sana, buhay pa ang mommy ko! " narinig ko ang pagbakabag ng boses niya.

"Patawad Nico. Pinagsisishan ko ang lahat ng iyon. Sana mapatawad mo kami ni Kuya." Malungkot na sabi ko pero humalakhak lang ito.

"Ha! Do you think maibabalik ng sorry mo ang buhay ni Mommy? NO! kahit kailan hindi na mababalik si Mommy. Kaya magbabayad kayo! hintayin niyo ang gagawin ko!" Huling sinabi nito at may binato pa na ikinaubo ko sa sobrang kapal ng usok.

"Nakatakas siya!" Sabi ng isang tauhan ko.

"Hayaan niyo muna siya." Sabi ko at pumasok na sa kwarto kung saan nakahiga ang babae sa sahig.

May bago nanaman siyang sugat sakanyang pisngi. Siguro ay sinampal ito ni Nico na ikinatulog nito.

******
Savanah's POV

BIYERNES na at bukas na ang Foundation day. Hindi ko maiwasang isipin na sobrang tagal ko na pala sa paaralang 'to. Miss na miss ko na sila Daddy and Kuya lalo na ang mga Kaibigan ko. hayssst!

Bumangon ako at dumiretso sa kusina para magluto ng almusal. Natuto na akong magluto dahil sa mga lesson namin sa TLE, Cookery ang kinuha ko. Si jenesis tulog pa. Alam ko sobrang pagod niya at puyat dahil sa kakapractice ng sayaw. Buti na nalang maayos na ang pakiramdam niya. Sila kasi ang napiling sumayaw sa araw ng Foundation day...


The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now