CHAPTER - 54

4.5K 170 14
                                    

[ Chapter 54 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

"Savanah?" Agad akong napalingon sa tumawag sa akin.

"Oh Axel? bakit?" Lumapit ito sa akin at kinuha ang bag ko. Lagi siyang ganyan kaya sanay na ako.

"Kanina pa kita hinahanap nandito kalang pala. Tara na ihahatid na kita." Ngiting sabi nito at hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko. "A-Ay! sorry." Agad niyang binitawan ang kamay ko.

"S-Sige, tara na." Tumango siya at nagpauna ng maglakad. Napalingon muli ako sa puno ngunit wala na ito---wait! parang nangyare na ito ah? diba nung unang pagpasok ko sa Principal office ay may lalaking nagmamasid sa akin at... si Kennedy yon!

Nang nagkaroon ako ng pagasa ay agad akong tumakbo para pumunta sa kinatatayuan nung lalaki kanina sa puno at napansin ata ni Axel na hindi ako sumusunod sa kanya kaya narinig 'kong tinawag niya ako.

"Savanah? H-HOY SAAN KA PUPUNTA?!" Nagpatuloy lang ako sa pagtatakbo at hindi mawala ang lakas ng tibok ng puso ko dahil umaasa ako na siya yon!

Nang makarating na ako ay sumilip ako sa likod ng puno ngunit wala na siya. Nilibot ko ang paningin ko at namataan ko na ang kintatayuan ko ay puro damo kaya hindi ko maiwasan mangati dahil sa pagkaskas nito sa binti ko.

"Aw! Aray!" Tumalon ako at pumunta sa puno at kinamot ang binti ko. Hindi ko nanaman mapigilang umiyak dahil sa pagkadismaya ko. "K-Kennedy naman e. Bakit pinapahirapan mo pa ako ng ganito?" Napasandal nalang ako sa puno at napapikit sa pagsabay ng hangin at pagpatak ng mga luha ko. "Bakit kapa nagpapakita? alam ko naman na isang kaluluwa ka nalang.... wag mo naman akong pahirapan oh! kung babalik ka magpakita ka wag yung ganito." Hindi ko nanaman mapigilang umiyak. Nakakainis na kase e! nahihirapan na ako at mismong mga kaibigan ko hindi kona nagagawang pagtuunan ng pansin.

"Savanah!" Napaangat ako sa tumawag. "Bakit kaba nagpunta dito?! umiiyak ka nanaman? alam mo naman delikado dito, tara na bilis baka hinahanap kana ni Cassidy.." Halatang nagagalit na si Axel pero hindi niya ako magawang pagtaasan ng boses.

"Alam k-kong nahihirapan kana sa akin. Bakit hindi mo nalang a-ako iwan?" Biglang sabi ko na ikinatigil niya.

"A-Anong 'bang pinagsasabi mo?" Bigla akong nakaramdam ng inis dahil nagbubulag-bulagan pa siya.

"Bakit? bakit mas pinili mo parin na sundan ako ha?! nasaktan na kita at alam mong kaibigan lang ang turing ko sayo pero bakit pinipilit mo parin ang sarili mo sakin?!" Naiiyak 'kong sabi at bigla siyang nagulat. Feeling ko nasaktan ko nanaman siya...

"Dahil umaasa ako." Nahinto ako sa pagiiyak ng marinig ang seryosong boses niya. "Umaasa ako na magbabago pa ang nararamdaman mo. Wala na siya Savanah, wala na siya pero bakit nagkakaganyan ka parin? hindi ba kaya na palitan ko ang nandyan sa puso mo?! Oo, sa kaloob-looban ko nasasaktan ako siyempre tao lang ako at tinitiis ko yun dahil mahal kita, mahal na mahal kita Savanah..." Natikom ang bibig ko sa mga sinabe niya at nakita 'kong may luha ng tumulo sa kanyang mga mata. "A-Ayos lang naman sa akin na hindi mo ako mahal e.. pero sana naman wag mong ipamukha sa akin na wala lang ako dyan sa puso mo." Malungkot niyang sabi at tumalikod na ito at nakita ko pang nagpunas siya ng mga luha bago umalis.

Hindi ko nanaman mapigilan umiyak. Naiisip ko na ang sama-sama 'kong tao.

'Bakit ba kasi hindi mo magawang mahalin siya Savanah? edi sana kung siya nalang ang minahal mo... hindi ka nagkakaganito dahil kay Kennedy.'

---
Cassidy's POV

"Nasaan nanaman ang babaeng 'yon? Argh!! pinapasakit nanaman ang ulo ko."

The Evil University(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt