CHAPTER - 51

4.7K 169 9
                                    

[ Chapter 51 ]

------------------------------------------------
Jenesis Aldrin's POV

"What the?! hindi sila maubos-ubos!" Natatawa nalang ako kay Jiahn na walang tigil sa karereklamo ngunit si Axel naman may tama na nga sa binti, sige parin.

"Masarap nga yung ganito e... May panglibangan ka." Nahinto sa pagbabaril si Jiahn at lumingon kay Axel.

"Wow may paglilibangan? may tama na nga binti mo ganyan kapa." Inis nya.

Napamura nalang ako bigla na muntikan ng mabaril si Jiahn buti nalang ay naunahan ko.

"Sabihin mo lang kung handa kana mamatay ah?" Singhal ko sa kanya at tumawa naman ito.

"Mahal na mahal mo talaga ako Boss." Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa lalo nito habang nagtatago sa pader at nakikipagbarilan. Nakisama pa si Axel.

"Sipain ko kayo e." Bulong ko.

Nandito kami ngayon sa secondfloor. Sobrang daming kalaban, hindi maubos-ubos. Napapagod na nga kami sa kakabaril at kakailag sa mga bala nila o mga patalim, mahirap talaga ang ganito at inaamin ko na ngayon lang ako ganito nakipaglaban. Dahil dati away kalye lang ang nasasalihan namin ni Axel at kaya ako napapagalitan nila Mommy at Daddy dahil sa pakikipag-away.

Namiss kona tuloy sila...

Naging seryoso na ako at hindi na hinahayaan na makailag sila sa pagbaril ko. Naiisip ko kase ang nangyare kay Wendy, labis ang galit na namuo sa puso ko ng makita si Wendy sa ganung sitwasyon na unting-unti nalalagutan ng hininga. Hindi manlang kami nagkaroon ng espesyal na ala-ala. Pero kahit ganun ay ang pinakaespesyal parin sa akin ay yung nakilala ko siya...

"Yown! naubos na naten dito. Sa taas naman tayo---wait! nasan pala sila Savanah?" Tanong ni Jiahn. Buti nalang at naubos na agad namin ang kalaban dito. Ang ibang miyembro ng Demonican ay nagtungo na sa itaas at kami patungo nadin dun.

"Uy ano? iiwan niyo ako dito?" Napalingon kami kay Axel. Oo nga pala may tama siya.

"Ano bayan. Pagod na nga ako bubuhatin pa kita?" Reklamo niya. Kinutusan naman siya ni Axel.

"Ul*l! hindi mo naman ako bubuhatin. Aalalayan lang.." Napailing nalang ako at nauna ng umakyat.

Pero namiss ko ito. Sa oras na seryoso hindi mawawala ang biruan. Kaso wala si Jayson sana magising na siya..

"Meron pa kayong bala?" Nagtungo ako sa mga bangkay na may hawak na mga baril. Paubos na kase ang bala ko at sumunod nadin sila para kumuha din ng ibang armas.

"Sir Jenesis. Walang kalaban dito." Napa-angat ang tingin ko sa isang miyembro ng Demonican.

"Sa itaas ba meron?" Tanong ko at tinawag niya ang kasama niya para umakyat sa taas upang tignan kung may kalaban

"Wala po. Wala naman tayong naririnig na putukan kundi sa first floor lang." Tumayo na ako at lumingon kila Jiahn na seryoso nang naga-ayos ng baril.

"Baba tayo." Wika ko at napalingon sila sa akin.

"Susmiyo! tulungan mo naman ako dito." Turo niya kay Axel na nakangisi at sarap na sarap na nakaupo.

"Bahala ka dyan." Mukhang alam nadin ni Axel na pinagtitripan ko si Jiahn kaya nakisali ito.

Baba na sana kami ngunit bigla sa amin bumungad ang dalawang magkapatid at may kasama itong ilang mga Bsgang.

"Saan ang punta niyo?" Siya si Kevin...

"Pwede ba kaming sumama?" Sambit naman.nung Andrew.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now