CHAPTER - 13

8.2K 296 3
                                    

[ Chapter 13 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Isa isa kong pinagmasdan ang mga puno at halaman dito sa likod ng court. Hindi ko alam na may ganito pala dito at nalaman ko lang kay Wendy. Ang tagal na naming magkasama ngunit ngayon lang ako dinala nun dito.

Half day lang kami ngayon dahil may meeting daw ang mga teachers kaya nanditi ako ngayon kasama si Wendy at Jenesis. Oo nga pala nagpapansinan na kami.

"Oh girl, andyan na si Kuyang pogi." Ngiting sabi ni Wendy habang nakatingin kay Jenesis na may dala-dalang tray para sa pagkain namin.

"Oo nakikita ko." Pambabara ko na ikinasama ng tingin niya.

"Ubusin niyo yan ah? wag magtitira." pagkalapag ni jenesis ng tray ay napanganga na lang ako sa sobrang dami.

"Anong Niyo? kasama ka no!" Pagtataray ni Wendy.

"Ayokong kumain ng madami dahil ayokong tumaba." Sabat ko. Grabe puro mga ulam at iilan lang na desserts kinuha ni Jenesis.

"At kailan ka ba tumaba?" Pangaasar ni Wendy.

"Bastos ka ah!"

"Tama na nga 'yan nasa harap kayo ng pagkain tapos naga-away pa kayo." biglang sabi ni Jenesis.

Wala na kaming nagawa kaya nagsimula na kaming kumain. Sa ngayon, hindi pa nahahanap ang tatlong nawawalang estudyante nakakalungkot isipin na nasama sa limang namatay si Gwen, sobrang napakabait na batang yun kahit minsan ay Kj. Sana maging masaya siya kung asan man siya ngayon.

"Savanah and Kuyang pogi! malapit na ang birthday ko. Regalo ko ah?" Sabi ni Wendy.

Naalala ko na isang buwan na lang ay birthday ko na rin. Kaso hindi ko makakasama mga pamilya ko.

"Ano ireregalo ko sayo ni wala nga ditong Mall kahit store nga wala." Sabi ko.

"Ay oo nga. Kung pagkain na lang? Marunong naman si Savanah magluto." Biglang sabi ni Jenesis.

"Oo magluluto na lang ako sa birthday mo Wendy. Kung may mabibilhan dito na Grocery." Sabi ko.

"Nakakainis naman kase e! ilang taon na ako dito hindi ko manlang naranasan maging bongga birthday ko. Wala ng ginawa sila Mommy kundi bigyan ako ng Pera-pera. Ni kahit cellphone o bagong damit wala!" Malungkot na sabi niya.

"Bakit ka nga pala napadpad dito?" Tanong ko.

"Hmmm... kasi may crush ako at dito siya nagaaral. Kaya nang magpe-first year na ako sinabi ko kila Mommy na dito nalang ako. Tapos nalaman ko nalang bigla na kaya pala nagaral siya dito dahil nandito yung girlfriend niya. and sad to say na nakulong ako dito at buti siya nakalabas siya sa paaralang ito." Kwento niya.

Sakit nun no? Yung handa ka makulong sa paaralang ito para sa taong gusto mo pero malalaman mo nalang na may iba pala ito. Naiwan kapa dito sa loob.

Di nagtagal naubos na namin ang aming kinakain at pinag-pasiyahan naming maglibot-libot muna. Madami mga estudyante sa labas at tila'y parang kampante lang sila sa mga nangyayar ngayon.

"Ano bayan! ang iingay niyo." Napalingon kami sa babaeng galit na galit sa grupo ng mga babae nagsisitawanan. "Magsitahimik nga kayo!"

"Si Jessieca." Sambit ni Wendy.

Bahagyang tinignan ko si Jenesis na kay Jessieca din ang tingin.

"Jenesis!" Biglang tawag ni Jessieca ng makita ito.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now