CHAPTER - 37

5.1K 202 1
                                    

[ Chapter 37 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

"Maaari ba kitang makausap?"

Napalingon ako sa nagsalita. Babae itong nasa 15 yrs/old na ata at may hawak siyang libro at nakasalamin ito.

"B-Bakit?" Ako lang ang magisa dito sa likod ng court dahil gusto ko mapagisip-isip.

Umupo siya sa tapat ko at inilapag ang libro sa lamesa at tumitig sa akin. Tinignan ko din ang mga mata niya at parang madami siyang dinadalang problema pero tinatakpan ito ng mga labi niyang nakangiti.

"Alam 'kong ikaw ang leader ng Moon crest gang." Nagulat ako sa sinabe niya.

"P-Paano?"

"Dahil kalat na. Nung araw na nahimatay ka 'dun sinabe ng mga kaibigan mo na ikaw ang leader nila, madaming nagulat, siyempre kasama na ako." Kaya pala kanina nung papunta ako dito nagiiwasan sila sa akin at ang mga nakatambay dito sa likod ng court nagsi-alisan ng tumungo ako dito. "Pati ang mga Dark killer gang sinabe narin nila na si Mr. Jenesis Aldrin ang pinuno ng grupo nila. Alam mo labis kitang hinahangaan.

"A-Ako?" Tumango naman ito.

"Alam mo ang isang taong nagi-stay sa mahinang kalooban ay 'dun siya matatalo ng kalaban. Kung magiging malakas naman siya at ipapakita niya ang totoong siya, hindi siya mahihirapan na kalabanin ang mga ito at sa tingin ko siya ang tutulong sa mga nangangailangan ng tulong." Naguguluhan ko siyang tinignan.

"Ano 'bang pinagsasabi mo?" Tumayo na ito at tumalikod.

"Ate Savanah. Sana isipin mong mabuti ang binabalak mo at ang mga nasabi ko. Mauna napo ako." Huling sambit nito at umalis na.

"H-Huh?"

Mas lalo tuloy nadagdagan ang isipin ko. Kainis naman oh! hindi na ako nakakapasok at wala na akong natutunan dahil lagi akong lutang at hindi mapakali.

Ano bang nangyayare sa akin?

******
Cassidy's POV

"Nakakaloka naman 'tong lesson na ire-report ko. My gosh!"

Nandito lang kami sa dorm at nagiisip din kami na kung paano matutulungan si Savanah sa sinabe niyang baka pwede namin tulungan ang mga Demonican na kalabanin ang Bsgang.

"Alam mo. Hindi ko akalain na maganda naman pala ang mga pinagtuturo dito tapos maganda pala talaga ang paaralan na ito." Biglang sambit ni Abygail.

"Oo maganda naman talaga e, mali lang talaga ang usap-usapan dyan sa labas. hayyyy... namimiss kona tuloy mag-mall at sila Dad." Sabi naman ni Aaliyah.

"Oy? tahimik mo dyan?" Napansin nilang hindi ako nagsasalita.

"Iniisip ko lang 'yung sinabe ni Savanah." Saad ko.

"Alam mo mga nakaraang araw pa ako nababaliw dyan sa Bff mo. Baka naman Broken hearted?" Napalingon ako kay Abigail.

"Broken agad? hindi naman sila nung Kennedy na 'yun e." Saad ni Aaliyah.

Ayun pa pala!

"Gusto 'kong makilalang mabuti ang Kennedy na 'yun. Napansin ko kase na hindi siya lapitan ng mga estudyante pero hinahangaan siya ng lahat." Saad ko.

"E siyempre naman Cass, gwapo e. Kaya nga ang swerte ni Savanah dahil nakakita siya na ganun ka-gwapo." Ngising sambit ni Aaliyah.

"Pero alam ko may tinatago 'yan e. Tulungan niyo akong imbestigahan siya." Biglang sabi ko.

The Evil University(COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang