CHAPTER - 42

4.6K 162 5
                                    

[ Chapter 42 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Tinignan ko ng masama si Drew na ngayon ay nakangisi na. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kutsilyo.

"Savanah! umalis kana dito baka mapahamak kapa!" Napansin 'kong tumayo si Kennedy at iniinda ang sakit sa braso niya. Hindi ko siya pinansin dahil nagaalab ako sa galit ng makita ang ngisi ni Drew at ang baril na ginamit niya sa kanang braso ni Kennedy.

Ia-angat na ulit sana niya ang baril ngunit naunahan ko siya. Binato ko ang kutsilyong hawak ko na ang kamay niya ang sumalo at ikinalaglag ng baril na hawak nito. Bumaon ang kutsilyo sa kamay niya na halos kita na ang dulo nito sa palad niya.

"AHHHHHHH!" Napa-upo siya sa sakit at pinanggigilan niya akong tinignan.

Nakita ko ang baril na hawak kanina ni Kennedy na gulat na gulat sa ginawa ko, kinuha ko iyon at pinaputukan sa binti ni Drew para hindi na kami masundan pa at pumunta na agad ako kay Kennedy upang alalayin siya sa pagtatakbo at tumakas na.

"HUMANDA KA SAKIN! HABULIN NIYO SILA!!!"

Nang makakita na kami ng labasan ay iniwan ko si Kennedy at Bumalik ako sa loob.

"SAVANAH!!"

Nakasalubong ko agad ang mga armadong lalaki kaya mabilis na pinaputukan ko sila sa binti at nagtago na muna ako dahil wala ng bala ang baril na hawak ko. First time ko nagawa 'to pero buti nagagawa ko ng tama.

Salamat kay Tito...

Sinubukan 'kong makahanap ng baril ngunit wala akong makita at ang kutsilyong dala-dala ko ay wala na.

Wala akong magagawa kundi kamay at paa ang gamitin ko.

"Lumabas ka dyan! kung ayaw mong mamatay!" Sigaw ng lalaki. Nakarinig ako ng ilang putok ng baril kaya sinubukan 'kong sumilip at nagulat ako ng makita si Kennedy na may hawak na baril at nagmadali siyang pumunta sa pwesto ko.

"NABABALIW KANA BA?!" Napalunok ako ng makita nanaman ang galit sa mukha niya.

Napahinga siya ng malalim at agad akong hinatak. Nakita ko ang braso niya na may nakapulupot na damit.

"S-Sorry." Unang lumabas sa bibig ko at napayuko nalang.

Kala ko makakalabas na kami dito ngunit nagulat nalang kami ni Kennedy ng makita ang pinuno ng Bsgang at nasa likod niya ang dalawang lalaki na nakita ko nung araw na nakulong ako at si Britina na pinaparusahan ako.

"Saan kayo pupunta?" Hanggang ngayon hindi maiwasan magsitaas ang mga balahibo ko dahil sa boses niya. At nakita kona rin ang kanyang mga mata, at may tahi siya banda sa kanyang pisnge at nagulat nalang ako ng bumaling ito sa akin.

"Pakawalan niyo na kami." May diing wika ni Kennedy.

"HAHA! anong akala niyo sa amin? TANGA?!" Naalala kopa ang pangalan niya. Siya si Kevin.

"Ang lakas ng loob mong takasan ako ah!" Tinaasan ako ng kilay ni Britina at nangangalaiti sa galit ang mga mata niya.

"Siyempre hindi naman habang buhay paparusahan mo ako." Ngising saad ko. Tumawa naman ito.

"Dahil pinaalala mo 'yan. Thankyou!" Napakunot-noo naman ako sa sinabe niya. Bigla akong nagulat pati narin si Kennedy ng may humawak sa amin at itali ang mga kamay namin.

"Ngayon madali ko ng makukuha ang hinihingi ko." Seryosong sambit nung pinuno ng Bsgang.

"Kahit kailan hindi mo makukuha 'yon." Nagaalalang tinignan ko si Kennedy na sobrang galit sa mga Bsgang. Nakita kong patuloy parin ang pagdudugo ng sugat niya at siguro lumuwag ang pagkakatali niya 'dun dahil sa paggagalaw ng mga armadong lalaki.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now