CHAPTER - 21

6.1K 229 5
                                    

[ Chapter 21 ]

------------------------------------------------
Kennedy's POV

"K-Kennedy?" Sabi niya. Agad ko naman tinakpan ang kanyang bibig at isinandal sa pader.

Shit! hindi ako makatingin sa kanya. Naiilang ako sa pwesto namin kase parang maghahalikan kami. Pasalamat nalang siya nakakapag-pigil pa ako.

"Hmmmm!" Pagpupumiglas niya.

"Shhhh." Sabi ko at tinapat ang hintuturo ko sa aking bibig.

Sinundan ko si Savanah, dahil may nakita akong lalaking sumusunod sa kanya. Sa tingin ko bago lang dito ang lalaking 'yon dahil ngayon ko lang siya nakita.

Napakagat ako sa aking labi ng marinig ang papalapit na mga yabag nito sa pinto. Hinanda ko ang kutsilyong hawak ko ng biglang gumalaw ang doorknob.

"Hey." Napaayos ako ng tayo ng may marinig na boses sa labas. "Sino ka? at bakit mo binubuksan ang room na 'yan?" Sa tingin ko ay isa sa mga Janitor ito.

"Paumanhin." Isang matigas na boses ang aming narinig.

Ilang oras ang nagdaan ay binitawan kona ang bibig ni Savanah at hinihingal na napaupo.

"Sinundan kita dahil nakita kong may lalaking sumusunod sayo." Agad kong sabi habang nakatingin sa kawalan.

"A-Ano? sino? nakilala mo ba?" Tila kinakabahan na tanong niya.

"Hindi. Nakatakip lahat ang buong mukha niya." Sabi ko.

Inaamin ko simula ng dumating dito si Savanah marami ng gulo ang dumating. Sa tingin ko ay dahil ito sa kanyang Ama, Sa Demonyo niyang Ama.

Galit ako sa Ama niya dahil alam kong siya ang dahilan kung bakit namatay ang magulang namin nila Kuya. Pasalamat nalang siya at Minamahal kona ang babaeng anak niya, ang nasa harapan ko ngayon.

Kanina ko lang napagtanto itong nararamdaman ko kay Savanah. Sa mga kinikilos ko sa tuwing may kasama siyang ibang lalaki katulad ni Jenesis ay nagseselos na ako. Sa tuwing lagi niyang kinu-kwento sa akin ang mga kagaguhang ginagawa ni Jenesis ay nagseselos na ahad ako at Oo, sa klase ko pinagtutuunan ng Inis si Savanah pero mas matindi kay Jenesis.

"Sa tingin ko simula ng dumating ako dito madami nang gulong nangyare." Napatingin ako sa kanya ng marinig ang malungkot niyang boses. "Kaya madami 'ding nagagalit sa akin, at kahit ang mga teachers feeling ko itong pangu-utos ang pagpapahirap nila sa akin. Siguro nga galit sila sa akin, pero wala naman akong ginawa sa kanila diba?"

Gusto kong sabihin sa kanya na dahil sa Gago niyang Ama kaya nangyayare sa kanya ito ngunit ayokong sabihin dahil nasasaktan ako kapag umiiyak siya.

Naglakad siya at dumiretso sa pinto. Tila natigilan siya ng hindi niya mabuksan ito.

"Hindi mo mabubuksan 'yan. Sigurado akong ni-lock na 'yan ng Janitor." Sabi ko at bigla itong lumingon sa akin.

"A-Ano?? hindi maaari!" Malakas niyang sabi at pinipilit buksan ang pinto."TULONG!! MAY TAO DITO BUKSAN NIYO ANG PINTO!!" Sugaw nito at kinakalampag pa ang pinto.

Mahirap pa naman dito dahil wala ng ibang taong dumadaan sa building nato.

"Bahala ka. Hanggang sa mapagod ka." Sabi ko.

"Hindi ako pwedeng hindi umuwi sa dorm, sigurado akong maghihintay nanaman sa akin si Jenesis!"  Sigaw niya. Tila parang namuo nanaman ang inis ko ng marinig ang pangalan na 'yon galing sa kanya.

The Evil University(COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें