CHAPTER - 10

8.8K 306 4
                                    

[ Chapter 10 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Alas-tres palang ay gising na ako. Kailangan ko pa asikasuhin ang mga inutos sa akin ni sir Ken.

Buti nalang maayos ang napagplanuhan namin ni Wendy. May mga patimpalak at pagsapit ng gabi ay puro sayawan na. Ipapaalam ko pa muna ito kay Sir Ken at sa principal.

Sana naman kahit ngayong araw makita naming nakangiti ang mga estudyante.

Alam ko sa karamihan sa kanila ay matagal na nakakulong dito at hindi na nakaramdam ng kasiyahan. Kaya gagawin ko ang lahat para mapasaya sila.

Bumangon na ako at sinulyapan ang kabilang kama. Napaka-amo ng kanyang mukha na parang walang problemang dinadala. Sana walang problema satin....

Pagtapos ko maligo ay inayos ko na ang mga dadalhin ko at lumabas na ng dorm. Iniwanan ko naman na ng pagkain si Jenesis.

"Ate Sav!" Napalingon ako sa nanggaling ng boses na 'yon.

"Hi." Nakangiting sabi ko. Siya si Andrea ang katulong namin sa dance.

"Nakaayos na po sila. Yung mga games naman po natapos na namin."

"Good. Okay na maghanda na kayo mamaya ah? ayusin niyo ang suot niyo at galingan."

"Yes po! sige na po mauuna napo ako." Sabi niya at tumalikod na.

Alas-kwatro na nang madami ng mga estudyante na nagaayos para sa kanilang mga booth. Ngayon pa lang hindi na nawala ang ngiti sa aking labi dahil nakikita ko sa kanilang mga mata ang galak.

Pinagmasdan ko ang mga booth. Maganda sila dahil sa mga makulay na disenyo.

Mayrong Kissing booth, Wedding booth at iba pa.

Ngunit may naagaw pansin akong nakita. Kill jail??

Pinuntahan ko ito at nakita ko inaayusan pa nila ito. Ngayon lang ako nakarinig ng Kill jail booth dahil dati Jail booth lang naman, yung ikukulong ka at kasama si crush. Wew!

Naalala ko nung grade 5 palang ako. 60th foundation na ng school namin, nung kasama ko ang tatlo 'kong kaibigan ay nagulat nalang ako nun dahil may nagtakip ng mata ko at binuhat. Sobrang kinakabahan pa ako 'nun dahil hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin.

Nagulat nalang ako nang ibaba nila ako sa isang kulungan at kasama kopa si Jayson ang may Crush sa akin.

Hiyang-hiya ako that time dahil hindi ko alam ang sasabihin sakanya. Wala pa naman kasi sa isip ko ang magkaroon ng Boyfriend

Pinagmasdan ko ang Kill jail booth. Nababalutan siya ng itim na tela at sa loob ay kulay pulang ilaw may mga nakadisenyo pang kutsilyo na may dugo pero laruan lang siya. Tapos mga pictures na mga zombie na parang kakainin ka.

Naglibot-libot pa ako at sobrang nakakamangha ang mga ginagawa nila dahil kahit pala dito na sila tumagal, may nagagawa parin silang ikakasaya ng lahat.

After 20 minutes nakarating na din ako sa office ni Sir Kennedy. Kanina pa nga ako katok ng katok dito ngunit wala naman sumasagot kaya pinili ko nalang na maghintay. Masyado naman kasi maaga ang punta ko.

Nagulat ako ng may maramdamang tao sa aking likod kaya napaharap na ako at biglang napahawak sa puso sa gulat ng makita si Sir Kennedy na nakatayo sa likod ko.

"G-Goodmorning Sir. Natapos kona po ang pinapagawa niyo." Nakayuko 'kong sabi.

"Good. So, ano ang napagisipan mong plano?"

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now