CHAPTER - 46

4.3K 245 21
                                    

[ Chapter 46 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

"WENDY!!"

Hinawakan ko siya agad at pinaharap sa akin. Dun nalang ako nanginig at hindi makapaniwala sa nakita ng makitang may lumabas na dugo sa kanyang bibig at ang mga mata niya ay nahihirapan ng dumilat pa. Hiniga ko siya sa kandungan ko.

"W-Wendy? wag mong kaming iiwan p-please?" Nanginginig na sambit ko. Hindi ko alam ang gagawin ko ng makita umubo siya at lumabas ang dugo.

"S-Sa---vanah... p-pata----wad ah? h-hindi na k---kita makakasama pang m---muli." Napailing ako sa sinabe niya at hinawakan ang mukha niya.

"H-Hindi totoo yan Wendy. Magsasama pa tayo, tayo nila Jenesis. Pano nalang kayong dalawa?" Nakita kong napangiti siya sa sinabe ko ngunit may pumatak na luha sa kanyang mata.

"H-Hindi manlang kami nagkasama ng matagal... hindi manlang n---naging k-kami Savanah."

"Kaya lumaban ka Wendy please? magkaibigan tayo diba? walang iwanan diba? wag naman ganito oh!" Naiiyak na sabi ko.

"O-Oo magk---kaibigan tayo... H-hindi naman kita Iiwan G---Girl e, p-promise..."
Napahagulgol nalang ako ng umubo nanaman ito ng dugo at napansin kong may naririnig nang mga putukan sa labas.

"B-Baka may tutulong sa atin Wendy. LUMABAN KA! HINDI KA MAMAMATAY!" Nagpapanic na wika ko habang inaalog siya na parang sumusuko na.

"S--Savan---"

"WENDY!!"

Napalingon ako sa sumigaw. Lalo ako naiyak ng maawa kay Jenesis na punong-puno ng dugo ang damit.

"W-Wendy?! Wendy!" Kinuha sa akin ni Jenesis si Wendy at siya naman ang kumandong kay Wendy.

"J--Jenesis?"

"Anong nangyare ah? b-bakit!? wag mokong iwan Wendy please? wag mo akong iiwan hindi ko kaya!!" Naiiyak na wika ni Jenesis

Hinawakan ni Wendy ang mukha ni Jenesis at ngumiti. Hindi kona kaya pang manood sa kanilang dalawa dahil lalo akong naaawa.

Kasalan ko ito e! kasalan ko kung bakit nabaril si Wendy. Dapat ako ang nandon hindi siya, dapat ako ang nabaril e, DAPAT AKO!

"Wendy? m-mahal kita. Mahal na mahal..." Napatakip nalang ako ng bibig ng makitang biglang bumagsak ang kamay ni Wendy na galing sa mukha ni Jenesis.

W-Wala na.... Wala na ang kaibigan ko.

Napatayo nalang ako at napatakbo sa kung saan.

Ang sakit! bakit siya pa? bakit ang kauna-unahang naging bestfriend ko sa TEU ay nawala pa?! at dahil pa sa akin nawala pa siya!

Sa pagtatakbo ko ay napahinto ako ng may makasalubong na mga armadong lalaki. Hindi ko alam pero biglang nanaig ang galit sa dibdib ko, isa sa kanila ang pumatay sa bestfriend ko at hindi ko mapapalampas iyon!

"Saan ka pupunta binibini" Tinitigan ko ng masama ang lalaking nasa gitna na may hawak na malaking baril.

Napangisi ako.

"Sa Impyerno. Sama ka?" Bigla ko nang sinugod ang lalaking nasa gitna at sinaksak ang kutsilyo sa kanyang batok. Nagulat ang mga lalaking kasama niya na mapatingin sa akin ngunit hindi kona sila pa pinagbigyan ng ilang minuto dahil mabilis na sinaksak ko sila sa kanilang binti at kinuha ang isang baril na pinagtatadtad sila ng bala.

Ubos!

Pagtapos kong gawin yun ay huminga ako ng huminga ng malalim sa sobrang galit. Para kase hindi pa ako kuntento sa mga nagawa ko sa mga ito, na parang gusto ko pa sila sunugin.

The Evil University(COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin