CHAPTER - 24

5.7K 215 1
                                    

[ Chapter 24 ]

------------------------------------------------
Kennedy's POV

Nang mahimatay si Savanah dali-dali ko siyang binuhat at nilabas sa library na 'yon.

F*ck you Pastor! Kung maaari lang kita alisin sa pwesto mo, ginawa kona.

Nanginginig ako sa sobrang galit ng malaman na ang anak ng bisita ng school ay sinaktan si Savanah at itong si Leona naman ang Principal, pinarusahan pa si Savanah na tumulong sa gawain sa Library. F*ck!

Nung malaman ko 'yun dali-dali akong pumunta sa library dahil alam ko na nagsisimulang magtrabaho si Pastor ay mga gabi na. Nang makarating na ako dun, napamura ako ng marinig ang sigaw ni Savanah. Pasalamat nalang ang Pastor na 'yon dahil hindi ko siya napatay. Kulang pa nga ang ginawa 'kong 'yon e.

Dinala ko ngayon si Savanah sa kwarto ko. Ito ang pangalawa 'kong kwarto na kapag hindi ako nakakauwi sa bahay, dito ako nagi-stay at alam naman ni kuya 'tong dorm ko.

Lubos 'kong iniisip kung bakit nahulog ako sa babaeng 'to, na labis ang galit ko sa kanyang ama. masyadong komplikado ang lahat at alam 'kong magagalit si kuya lalo na't may kasunduan kaming bawal umibig at pag lumabag ka, makakalabas ka sa paaralang ito at hindi na muling makakabalik pa.

Si Kuya talaga ang gumawa ng rule na 'yon, alam niya kasing ito ang kahinaan namin at pag nalaman ito ng mga Bsgang maaari kaming matalo dahil gagawin nilang panlaban 'yon sa amin.

Masyado akong nasaktan ng makitang hinalikan ni Jenesis si Savanah, gabi-gabi ako hindi makatulog ng maayos dahil kakaisip kay savanah at minsan umiiyak.

Gustong-gusto ko ng umamin sa kanya ngunit pinangungunahan ako ng kaba dahil pag nalaman ito ni Kuya... alam 'kong ilalayo niya ako kay Savanah.

"Hmm.."

Nabalik ako sa diwa ng marinig ang ungol ni Savanah. Umiiyak ito na mukhang binabangungot. Marahan ko siyang tinapik upang magising.

"Savanah? gising." Sabi ko at tinapik-tapik siya.

"Huhuhu ayoko! ayoko sumama sayo! tulungan niyo ko!" Paulit-ulit niyang sabi habang umiiling at umiiyak.

Tinapik-tapik ko lang ito hanggang sa magising na siya.

"K-Kennedy?" Gulat na sabi niya at nilibot ang paningin. "Nasaan ako?"

"Nasa kwarto kita." Saad ko na ikinagulat niya.

"Bakit ako nandito? at anong nangyare?" Tanong niya.

"Hindi mo ba maalala? yung nangyare sa Library." Nagsalubong ang kilay nito at nakita ko ang mabilis na pag-iyak nanaman niya.

"A-Ayoko na dun! natatakot ako. Gusto niya akong gahasahin Kennedy ayoko nang bumalik dun." Nagmamakaawa niyang sabi.

"Wag 'kang mag-alala ako na bahala para ipatigil 'yon." Nakangiti 'kong sabi.

"P-Pero baka isumbong niya ako sa Principal dahil wal---."

"Shhh.. mas matakot sila sa akin dahil isa akong Demonican." Natigilan ito sa sinabe ko. "Ala-una palang ng madaling araw Savanah matulog kana at dito nalang ako sa lapag." Sabi ko at kinuha na ang unan at kumot.

"A-Ano? wag na dito ka nalang sa kama." Papupumilit niya.

"Wag na ayos lang ako dito."

"K-Kennedy uuwi nalang ako."

"Ano kaba? anong oras na oh! delikado sa labas matulog na tayo." Sabi ko at wala natong nagawa kundi matulog..

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now