CHAPTER - 38

5K 226 0
                                    

[ Chapter 38 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

"Buti naman wala nangyare masama sainyo." Masayang sabi ni Cassidy.

Nandito kami lahat sa dorm nila Axel. Ginagamot ko ngayon ang sugat sa labi ni Axel, dahil may alam ako sa paggagamot.

"Ano ba talagang nangyare?" Tanong ni Jenesis sa aming dalawa.

Huminga muna ako ng malalim at nagsimula ng magkwento.

"Ano naman kaya ang kailangan sayo ng dalawang lalaki na 'yon?" Nagkibit-balikat naman ako sa tanong ni Wendy.

"Dapat mag-doble ingat ka Savanah. Wag kang mag-alala kami na bahala nila Jenesis sa nangyare." Suhestiyon ni Jayson.

"Tsaka hindi namin ipasasawalang bahala ang ginawa nila sa mukha ng kaibigan namin." Natatawang sambit ni Jiahn habang ginugulo ang buhok ni Axel na naiinis sa ginagawa niya.

Iilang mga kasama namin dito ay hindi na nagtanong pa at nag-aya na ang mga kasama ko na magsi-uwi na kami. Si Jenesis naman ay hiwalay sa dorm nila Axel kaya sumabay na siya umuwi sa amin.

"Naku girl. Dapat talaga mag-ingat ka." Nagaalalang sambit ni Wendy habang nakahawak sa braso ko. Si Jenesis naman ay nasa likod lang namin habang sila Cassidy naman ay nauna ng umuwi.

"Iniisip ko lang kung sino talaga ang mga 'yon. Siguro mga Bsgang 'yon."Biglang tanong ni Jenesis. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi na umimik pa. Pagod na ako at kailangan ko ng magpahinga dahil baka makakasama nanaman sa akin 'to.

"Una na ako sa loob." Mahinang sambit ko at iniwan na silang dalawa sa labas.

Nahiga na ako sa kama at iniisip ulit ang mga nangyare kanina. Laking pasasalamat ko talaga kay Axel dahil hindi niya ako pinabayaan. Parang tuloy nagkaroon uli ako ng Kuya dahil ganun na ganun siya na parang si Kuya Josh.

Oo nga pala nakausap ko si Kuya kaso sa Text lang. Yung araw na pinahiram ako ng cellphone ni Aaliyah kaso naubos na ang load at wala naman ditong tindahan para sa paglo-load.

"Girl? kain kana, kakaabot lang ni Axel 'tong pagkain para sayo." Nakakalokong ngising sambit niya.

"Kay Axel nga galing pero bakit 'yang ngiti mo halos mapunit na?" Tanong ko at kinuha ang plastik na may lamang pagkain. Napapikit ako sa bango.

Gutom na gutom na ako.

"A-Ah wala, sige kumain kana dyan ah? Dito na muna ako sa kusina."

Tumayo ako para kumuha ng pinggan at para isalin ang pagkain at nagsimula na akong kumain.

"Sav?" Napaangat ako ng tingin kay Wendy na nakapaymewang sa harapan ko at binalik ulit ang tingin sa pagkain.

"Oh?"

"Nyare? wala na akong balita sainyo ni sir Kennedy ah?" Natigilan ako sa pagsandok ng kanin.

Parang nawalan na tuloy ako ng gana.

"H-Huh? busy lang siya sa trabaho." Walang ganang sambit ko.

"Ayan ka nanaman. Wag ka na ngang magsinungaling Sav alam 'kong may problema kayong dalawa." Seryosong sambit niya at umupo sa harapan ko.

"W-Wala ng---"

"Savanah!" Huminga ako ng malalim at padabog na binalik ang kutsara sa pinggan.

"Ewan ko! naguguluhan na ako sa nangyayare. Ang dami 'kong problema!"

"Bakit ba kase hindi ka nagsasabi samin?! matutulungan ka naman namin ah?" Biglang nag-init ang mata ko ng bigla akong sigawan ni Wendy. Pangalawang beses na. "Savanah. Ano bang papel namin sa buhay mo? kaibigan mo kami! at alam mo ba? sa tuwing magkakasama kaming lahat nila Jenesis at ang iba laging ikaw ang pinag-uusapan namin at nagaalala kami sayo!" Umiwas ako ng tingin kay Wendy ng makitang nagpunas siya ng luha.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now