CHAPTER - 14

7.7K 312 9
                                    

[ Chapter 14 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Matapos kong puntahan si sir Kennedy ay nagtungo na kami sa dorm kasama ang personal doctor nila.

Nandito kami lahat. Ako,Wendy,sir Kennedy,Jenesis, at si Princess na chinecheck-up ngayon ng Doctor.

Hindi na namin ito maipunta sa Clinic dahil ayaw niya talagang magpadala. Natatakot daw siya na baka balikan siya ng mga taong sumaktan sakanya.

"Kailangan niya lang magpahinga. Masyadong maraming dugo ang nawala sakanya pero buti naagapan agad dahil kung hindi, baka patay na siya ngayon." Saad ng doctor.

"Kailan po uli siya magigising Doc?" Tanong ko.

"Hindi pa tayo nakakasigurado. At mukhang ilang araw pa siya bago makalakad dahil sa natamo ng binti nya." Seryosong sabi nito.

"Salamat Doc." Sabi ni Jenesis

Tinanguan siya nito bago lumabas kasama si Sir Kennedy.

Kanina ko pa napapansin sa pagitan ni Jenesis at sir Kennedy parang ang sama ng loob nila sa isa't isa. Pinagsawalang bahala ko nalang at inayos ang mga gamit na kakailanganin ni Princess.

"Sakanya tayo makakahanap ng sagot kung sino talaga ang nasa likod nito. Kailangan niyang mabuhay.." Saad ni Jenesis.

"Kailangan nating mag-ingat upang walang makaalam na nandito si Princess at isa siya sa nawawalang student." Sabi naman ni Wendy.

"Mabuting dito ka muna tumuloy Jenesis.." Sabi ko habang nakatingin sa natutulog na si Princess.

"Pero saan ka naman matutulog Savanah?" Tanong ni Jenesis.

"Pwede naman ako dito sa lapag at sanay naman na ako." pagsisinungaling ko kahit hindi ako sanay. Hindi nako magi-inarte.

"Tsk! hindi pwede baka mangalay ang likod mo. Sige. Ikaw nalang dito sa Kama ko. Diyan nalang ako sa lapag."

"Wag na. Ayos lang dito ako—"

"*Ehem*" napalingon kami sa pumasok.

"A-Ah nandito ka pa'po pala sir Kennedy." Sabi ni Wendy. "Thankyou po pala sa pagtulong." Dugtong nito.

"Wala 'yon." Sabi nito at biglang napatingin sa akin. " Savanah, maaari ba tayong magusap?"

Tinignan ko si Jenesis na seryosong nakatingin sa akin. "Sige." Sagot ko at sumunod na. Nakarinig ako ng buntong hininga kay Jenesis nang makalagpas ako sakanya.

"Bakit po sir Kennedy?" Tanong ko. Nang makalabas kami.

"Wag mo na nga akong tawaging Sir. Mas maganda kung Kennedy na lang... gusto ko lang sabihin sayo na wag kana ulit pupunta pa sa bahay." Sabi niya na diretsong nakatingin sa akin.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Dahil delikado. Alam mong ikaw lang ang nakakaalam ng bahay namin at kung nasaan ito. Kaya masyadong malayo ang kinatatayuan 'non upang hindi malaman ng mga estudyante." Napanganga na lang ako at hindi makapaniwala.

Seriously? ako lang pala ang nakakaalam ng bahay nila? p-pero bakit? nakakapagtaka....

"B-Bakit?" Kunot noong tanong ko.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now