CHAPTER - 2

14.2K 460 6
                                    

[ Chapter 2 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Nagising ako na nasa isang kwarto na ako. Anong nangyari? ang pagkaka-alam ko, naglalakad ako kasama yung Driver habang hawak-hawak pa ang mga gamit ko tapos.... 

"N-Naalala kona may humarang sa aking nakakatakot na Babae! Isang mukhang baliw na babae at nawalan na ako 'nun ng malay!"

Napagtanto ko na nasa isang puting kwarto pala ako. Siguro ito na ang dorm ko.

Pinagmasdan ko itong kwarto, maganda naman at malawak May kusina at banyo tapos may dalawang kama----wait! Dalawa?! ibig-sabihin, may kasama ako dito? sino? napatingin ako sa katabi 'kong kama. May mga bag at ibang gamit at ang gulo-gulo.

"Gising kana pala." Gulat akong napalingon kung saan galing ang boses na 'yon. I-Isang lalaki. "Ako si Jenesis at ako ang kasama mo dito sa dorm." Nagtungo siya sa kanyang cabinet at may kinuhang isang libro. Ang lamig ng aura niya.

"A-Ako si Savanah." Hindi ko inaasahan na pwede dito magsama ang babae at lalaki ss isang kwarto?

"Nakita kita kanina nakahandusay malapit sa may Principal Office. Ang mga gamit mo nagkalay. Kinausap ko ang principal at sakto ka-dorm pala kita." Sabi nito. W-What?! nakahandusay ako mag isa tapos yung mga gamit ko nakakalat?? eh, kasama ko pa ang driver 'nun ah? ibig sabihin hindi manlang niya ako tinulungan?! sh*t!

"Ang alam ko bago ako mahimatay kasama ko ang driver na naghatid sa akin, at sya ang may dala ng mga gamit ko." Sabi ko.

Bigla itong umiling. "Wala na akong ibang tao nakita. Sigurado akong pinabayaan ka niya. Binabalaan kita, magi-ingat ka sa tuwing mag-isa kalang. Wag ka agad mapaniwala sa mga sabi-sabi ng iba...." Kahit naguguluhan ako ay tumango nalang ako. "Kailangan mo magtungo sa Principal office para maka-usap mo siya at makuha mo na ang school uniform mo para bukas." Sabi nito at tumayo papalabas.

"S-Salamat." Habol na sabi ko ng akmang bubuksan na nito ang pinto. Lumingon siya at nginitian ako, napangiti nalang din ako. Gwapo!

******
Jenesis Aldrin's POV

----F l a s h b a c k----

Nakakainis! Bwisit! kanina ko pa tinatawagan si Elaine hindi parin niya sinasagot ang mga tawag ko! Isang linggo na akong nandito sa paaralang ito at galit na galit ako kila mommy at daddy dahil dito nila ako pinag-aral ngayong 4th year na ako!

Pina-transfer nila ako para daw makapagtapos talaga ako ng pag-aaral, at para daw mahiwalay ako kay Elaine. Puro daw pambubulakbol at pambababae ang inaatupag ko imbis na pag-aaral.

Kaya nung nalaman 'kong ililipat nila ako ng school sinabi ko 'yon kay Elaine, ang girlfriend ko. Nagalit siya sa akin at ilang araw at linggo nya ako hindi pinansin o mismong text manlang wala.

May Gang kami na ako mismo ang bumuo at ako ang namumuno nito ang Dark killer gang. May tatlo akong kaibigan sina Jiahn,Jayson at si Axel. Nagkakilala kami nung mga 1st year highschool palang kami.

Nabo-bored na nga ako dito kasi wala manlang ako kakilala at kahit kasama sa dorm wala. Nabalitaan ko ang gusto naming makitang Gang ay ang may-ari pala nitong school. Bali-balita din na dinadagsa raw ito ng mga estudyante.

Nang ihatid ako ni Papa dito sobrang layo at parang isang tagong paaralan dahil sa labas palang wala kang makikita ni bahay o kahit mga tao--wala! Mga damo at mukhang gubat na talaga ang kinatatayuan nitong paaralan.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now