CHAPTER - 41

4.9K 172 6
                                    

[ Chapter  41 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Huminto ang sasakyan namin sa lugar na madilim at puro puno na matataas ang makikita sa paligid. May natatanaw kaming ilaw na isa lang ang nakasindi, kaya nagsisilbi naming ilaw sa daan ay ang buwan lang.

"Savanah ikabit mo tong panyo mo." Binigay sa akin ni Mj ang panyo na kanina nakakabit sa mukha ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "May patanggal-tanggal pa kase e, tapos may Wins pang nalalaman na pangalan." Pagsusungit ko at tumawa naman ito.

"Anong gusto mo? straight to the point?" Tinarayan ko nalang siya at nauna ng maglakad.

Hindi ako dito dinala nung kinidnap nila ako. Mukhang mahihirapan kaming hanapin si Kennedy kung madaming lugar na pinagtataguan ang mga Bsgang.

"Miss. Savanah? anong una mong naramdaman ng malaman mo na dito ka ipag-aaral?" Natawa naman ako sa sinabe ni Rein na katabi ko lang ngunit si Mj nasa likod at may kinakalikot sa likod ng kotse.

"Siyempre nainis,nagtampo. Ito kase ang kauna-unahang nahiwalay ako kay Papa at Kuya, pati sa mga kaibigan ko. Pero ngayon kasama kona sila." Mga kaibigan ko ang tinutukoy ko. Nag-ayos na ako ng sarili at tinakpan kona ang mukha ko na tanging mata lang ang nakikita at sinuot kona din ang hood ng jacket ko.

"Buti ka nga nakasama mo parin ang mga magulang mo e." Napalingon ako kay Rein na nagaayos nadin ng sarili.

"Bakit naman?"

"Dahil bata palang ako dito na ako nag-aaral. Kinuha ako ng mga Demonican dahil may ginawang kasalanan ang mga magulang ko. Nagnakaw sila para sa pang-gamot ni Mama dahil sa sakit niya sa bato, kaso huli na. Namatay na ang Mama ko pati ang Papa ko dahil habang hinuhuli siya nasagasaan siya." Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. Mahirap mawalan ng pamilya lalo na't ikaw nalang ang tanging anak nila at pagdating ng araw na kailangan na nila tayong iwan. Wala na tayong masasandalan pa.

"Galit ka parin ba sa mga Demonican?" Agad na sambit ko na ikinalingon niya sa akin.

"Hindi na. Dati kase kaibigan kona si Kennedy kaso nung nalaman ng papa at kuya niya na nakikipagsalamuha siya sa mga estudyante, nagalit sila. At nung araw na parang suko na ako sa buhay. ipinaliwanag sa akin ni Kennedy ang lahat-lahat." Wika niya. "Sinabe niya sa akin na kaya lang naman nagawang magnakaw ng mga magulang ko para maging parte daw ako ng grupo nila Kennedy. Naguluhan karin no? Ako din pero alam 'kong may iba pang dahilan, ayun nga ang sabi ni Kennedy na kaya nagawa ng mga magulang ko 'yun para maging parte ng Demonican. Para maalagan ako ng mabuti at hindi magpalaboy-laboy sa kalsada." Pilit-ngiting sambit niya.

Baka ganun din ang ginawa ni Papa? p-pero paano kung sila ang mapahamak din sa bahay?

"Nakahanda naba kayo?" Napatalon kami sa biglaang pagsulpot ni Mj.

"Ano ba?! wag ka ngang mang-gulat!" Inis na wika ko sa kanya.

"Sorry na Baby okey? pfft!" Lalo akong nainis sa sinabe niya.

"Nakisakay lang ako sa kag*guhang trip mo kaya tigil-tigilan mo ako!" Sambit ko at bigla naman itong nagsign sa kamay na wag akong maingay.

"Tama na nga 'yang bangayan niyo. Mamaya magalit sayo Kuya Mj si Kennedy dyan e." Napadiri naman ako sa sinabe ni Rein.

"Shhh! wag na kayong maingay dali."

Naka-jacket din na may hood si Mj at Rein at mayron silang panyo din na nakatakip sa mukha. may marka ito ng Demonican.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now