CHAPTER - 29

5.5K 200 6
                                    

[ Chapter 29 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

"Buti nalang nalaman namin agad kung saan ka itinago ng mga Bsgang."

Nakasakay kami ngayon ni Kennedy sa kotse at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Alam mo ba kung bakit nila ako dinukot?" Tanong ko na ikina-iling niya. "Dahil daw sa aking Ama."

"Ano bang nangyayare sa iyong Ama? bakit nagkakaganyan siya?" Seyosong tanong niya

"Hindi ko alam. Hindi ko naman kayo masisisi kung galit kayo kay Daddy e, pero sana naman hindi masira ang pamilya namin."

Lumingon siya sa akin na ikinaiwas ko.

"Naiinis akong makita ang iilang mga pasa't dugo sayo, patawarin mo ako."

Nabaling ang tingin ko sa kanya na ikinatungo nito.

"Bakit ka naman humihingi ng tawad? wala kang kasalanan." Mahinahong sabi ko at hinawakan ang kanyang kamay, gulat naman tumingin siya sa akin. "Nagpapasalamat pa nga ako sayo dahil niligtas mo ako sa mga 'yon. Utang ko sayo ang buhay ko." Nakangiting sabi ko n ikinangiti niya na rin.

"Hindi ako makakapayag na kunin ka nila ulit at saktan. Labis akong nalungkot ng ilang araw kitang hindi nakita."

Napangiti ako at pinagmasdan siya. Kitang-kita ko kung pano lumungkot ang mukha niya.

"Hindi na ako makakapayag 'nun siyempre, at sa mga oras na mangyare yun lalaban na ako at ipagtatanggol kona ang sarili ko."

Hindi na ito nagsalita at tumingin nalang sa bintana.

"Labis ang lungkot at alala saiyo ni Jenesis at ni Wendy." Huminga ako ng malalim at tumingin nalang din sa bintana, nasa likod kami nakaupo at miyembro ng Demonican ang nagda-drive.

"Si Jenesis... ilang araw hindi pumasok dahil hinahanap ka niya at halos nilibot na niya ang Evil University at inaway niya pa ang G*gong pastor na 'yon, dahil alam niyang siya ang kahuling-huling kasama mo." Dugtong niya.

Hindi nga pala niya alam na si Kennedy ang nakasama ko 'nun at duon pa ako nakatulog sa kwarto niya. Duon din siya umamin sa nararamdaman niya sa akin kaso nga lang... tinaboy ko siya at inamin 'kong si Jenesis ang taong mahal ko kahit alam ko sa sarili ko na sa harapan ko ngayon ang tinitibok ng puso ko.

Matagal kona napagisip-isipan 'yon. Alam 'kong lagi ko lang nakakasama si Jenesis kaya gumagaan lalo ang nararamdaman ko sa kanya ngunit, masakit isipin na kaibigan lang 'yon.

Natatakot ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya pag umamin akong Kaibigan lang maibibigay ko sa kanya, pero... hindi lang sa kaibigan dahil mahal na mahal ko siya. Ilang beses niya narin ako niligtas at pinasaya kaya hindi ko makakalimutan ang mga araw na 'yon.

"K-Kinakabahan ako dahil baka pagbalik mo 'don tuluyan ka nang mawala sa akin dahil baka umamin kana rin na may nararamdaman kana kay Jenesis."

Napalingon ako sa kanya at hindi maka-imik.

Ayoko muna sabihin ang totoo kay Kennedy dahil gusto 'kong alaming mabuti ang nararamdaman ko sa kanya.

Lumingon ito sa akin at nginitian ako. Mas gwapo siya pag nakangiti, ngunit alam ko sa likod nito lungkot at galit ang dinadamdam.

"Baka hindi na muna kita makausap ng ilang araw, pero magkikita pa naman tayo e. Kailangan ko lang ayusin ang gusot ko kay Kuya dahil alam 'kong galit 'yon sa akin at nagawa 'kong labagin ang kaisa-isang kasunduan na mismong siyang ang gumawa."

The Evil University(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon