CHAPTER - 39

4.9K 180 5
                                    

[ Chapter 39 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Siguradong hindi na ligtas dito ang lalaking nasa harapan ko. Kung kaya't kailangan na niyang makakaalis dito dahil babalik at babalikan siya ng mga Bsgang para saktan nanaman at baka kapag nahuli nanaman nila ito ay hindi na nila hahayaang humihinga pa ito bukas.

"Sumama ka samin." Biglang sambit ko na ikinatingin niya sa akin.

"H-Huh?"

"Hindi mo ba naiisip na ma-swerte ka pa dahil nakaligtas ka? alam naman natin na babalik-balikan ka ng mga 'yun, para ulit saktan ka. hindi kana nila hahayaang mabuhay pa dahil baka madami 'kang nalalaman."

"T-Tama ka. Delikado na nga ang buhay ko dito dahil hindi talaga nila ako titigilan. Ang tagal kona dito at matagal nadin ako nagsusunod-sunuran sa kanila pero wala silang ginawa kundi saktan ako." Malungkot na sabi niya na ikinalaglag ng mga luha niya.

Hinawakan ko ang balikat niya at tinignan siya ng mabuti. "Sumama ka samin at parehas tayong lumaban para matalo natin sila."

"S-Sige. Sasama ako para naman maipaglaban ko ang buhay ko at makapaghiganti ako sa ginawa nila sa akin.." Nabuhayang-loob na sabi niya at Napangiti naman ko at tumango.

"Sige na magpahinga kana muna dyan at magluluto ako ng almusal mo. Wag kang masyadong magalaw dahil hindi pa sariwa ang iyong mga sugat."

"Salamat." Tinignan niya ako at ngumiti naman ako bilang sagot.

Ang lakas parin ng ulan at buti nalang linggo ngayon dahil bukas lunes may pasok na at may reporting pa pala ako.

"Savanah?" Napalingon ako kay Wendy na kakagising lang. Napatingin naman ako sa lalaking nakahiga sa kama na nakatulog nanaman siguro.

"Oh?"

"Nagising na yung lalaki nayun?" Sambit niya at dumiretso sa cr upang magsepilyo.

"Oo nakausap kona sya."

"Ano sabe? tsaka ano nangyare sa mga sugat niya daw?"

"Galing daw sa mga Bsgang."

"ANO?!" Sinamaan ko ng tingin si Wendy at napalingon sa lalaki.

"Wag ka ngang sumigaw! magigising siya e."

"Sorry na parang nabigla lang sa sinabe mo e." Nakanguso niyang sabi at nagbalik sa ginagawa. "Diba girl naging bihag ka ng mga Bsgang? ano mga itsura nila?"

"Matagal na 'yan tapos ngayon mo lang tinanong?" Sambit ko habang nagluluto ng almusal. Itlog at longganisa nalang ang lulutuin ko.

"E kating-kati na kaya ako magtanong 'nun hanggang sa nakalimutan kona."

"Hmm.. istura nila nakakatakot siyempre tapos lagi silang mga seryoso at hirap din ng dinanas ko 'dun. Sa akin nila binuhos lahat ng galit nila para lang ipakita sa Demonican ang kaya nilang gawin na patayin ako." Saad ko.

"Grabe talaga ang kasakiman nila no? kailan kaya matatapos ang gulo? haysst!"

"Siguro matatapos lang ito kung wala ng namumuong inggitan at agawan sa grupong Bsgang at sa Demonican."

Sa palagay ko inggitan talaga ang namamayani sa dalawang grupo. Inggit ng mga Bsgang sa Demonican dahil ang kanilang pinapangarap na paaralan ay napunta sa Demonican. Inggit ng Demonican sa Bsgang dahil sa madaming miyembro nito at ang mga pamilyang namatayan ng anak na dito mismo nag-aaral ay sumasali sa Bsgang upang makapaghigante sa mga Demonican na hindi naman talaga nila ginawang patayin ang mga anak nila.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now