CHAPTER - 49

4.5K 169 11
                                    

[ Chapter 49 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Nabalik ako sa reyalidad ng marahas na tanggalin nito ang kamay niya sa baba ko.

"Kapag kinakausap ka, sumagot ka!" Napalunok ako at yumuko ng hindi ko naman narinig ang sinabe niya. Tumayo na ito at tumalikod. "Kunin niyo siya. Nandyan na ang mga kalaban." Agad na lumapit sa akin ang mga tauhan niya at marahas akong pinatayo at tinali ang kamay.

"Bitawan niyo ko!" Hindi ako gaano makagalaw dahil nga sa mga nangyare sa akin, at napapikit ako ng masanggi ng lalaki ang sugat sa braso ko at sa tingin ko ay magkakapasa ang likod ko dahil sa B*tchina na yon!

"Sumunod kana!" Bigla akong tinulak ni Britina at sumunod na sa lalaki.

Sa paglalakad namin ay hindi ko maiwasan pagmasdan ang paligid. Ang sobrang lawak nito ay napalitan ng mga bangkay at mga sirang kagamitan. Magu-umaga na kaya masyadong maliwanag na upang makita ang kabuoan ng lugar na ito.

Tahimik lang kaming naglalakad at wala akong ideya kung saan ba nila ako dadalhin, napapagod na ako at gusto ko nang magpahinga.

"Wala sila dito Boss. Baka po nasa harap ng buolding." May lumapit sa kanya na lalaking kakagaling lang siguro sa pakikipaglaban dahil sa puro dugo na ang kanynbg damit at may gasgas siya sa kanyang pisnge.

"Mga kasama, humanda na kayo." Wika ng lalaki at lumingon sa akin. "Ikaw. Humanda kana rin..." Bigla akong kinutuban sa sinabe niya.

"Ito na ang huling buhay mo B*tch!" Tinaasan ko ng kilay si Britina na nakakrus ang mga braso habang masamang nakatingin sa akin.

"Baka ikaw din. Kita-kits nalang.." Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti na ikinainis nito at sasampalin nanaman sana niya ako ngunit pinagalitan ito ng lalaki.

Nakapasok na agad kami sa loob ng building at kumaliwa at buti hindi sila naliligaw dito dahil andaming pasikot-sikot, nakakahilo na.

Pagkalabas namin ang dami na agad kaming naririnig putukan ng baril at napatakip nalang ako sa tenga at napapikit dahil baka mabaril ako. Naging mabilis ang lahat sa pagputok ng baril at ang iba naman ay pagsabog ang ginagamit.

"Ikaw! papuntahin mo lahat ng miyembro!" Sigaw ng lalaki at napamulat ako at napaangat ng tingin.

Nandito ang mga Demonican. Si Demolead kaya nandito??

******
Axel Maodo's POV

"N-Nandito si Demolead?!" Gulat na tanong ko.

"Lintek talaga!" Napahilamos ng muka si Kevin at pinaayos ang mga tauhan niya. "Buti naman at natanggap mona ang balita ETHAN..." Diing sambit sa pangalan nito.

Tuluyan ng lumabas sa likod ng mga Demonican ang lalaking matangkad. Maputi ang kanyang kulay at nakataas ang buhok nito, seryosong-seryoso ang mga mata niya at may nakatakip sa kanyang bibig na panyo na may Demonican...

"Nagkita muli tayo..." Wika naman nito na nagpalakas ng kaba ng dibdib namin. Wala ni isang magtangkang magsalita o magpaputok ng baril dahil lahat kami ay nakatutok lang kay Demolead.

"Hindi ko inaasahan na dadalo ka dito.... pasensya na sa magulong tahanan namin dahil nabulabog." Ngising sambit ni Kevin.

"Siyempre naman dadalo ako... hindi kona muling kayang tanggihan ang mga naging TUNAY 'kong kaibigan." Hindi ko maiwasan na mamangha sa kanya. Napalakas ng dating nito at bawat salitang binibigkas niya ay makapangyarihan.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now