CHAPTER - 43

4.6K 167 2
                                    

[ Chapter 43 ]

------------------------------------------------
Jenesis Aldrin's POV

"Wendy??"

Kanina pa ako katok ng katok sa dorm nila hindi naman sumasagot si Wendy. Napag-isipan na namin na bukas ng gabi kami tatakas sa school na ito, bahala na kung mahuli kami ng mga Demonican.

Tatlong araw nadin simula nung nawala si Savanah at Kennedy. Sinabi kona nga ba na mapapahamak si Sav dahil kay Kennedy e, ang kulit!

"Wendy? buksan mo 'tong pinto may sasabihin ako!" Isa nalang bubuksan kona 'tong pinto nila. Hindi kona talaga kaya pang maghintay kaya binuksan kona ang pinto kaso naka-lock ito pero siyempre magaling ako sa mga ganito kaya nabuksan kona agad ito.

Pagbukas ko walang tao ang bumungad sa akin.

"Wendy? nasaan ka?" Nilibot ko ang buong kwarto at hindi ko mapigilan mapangiti.

Nakakamiss.

Napaupo ako sa dati 'kong kama ng matapos akong maghanap. Bakit wala si Wendy dito?

"Jenesis?" Napatayo ako ng may tumawag sa labas.

"Sino 'yan?" Binuksan kona ang pinto at bumungad sa akin si Cassidy.

"Nandito karin pala? nasaan si Wendy?" Tanong nito at tuliyan ng pumasok.

"Hinahanap ko nga rin e, kasi wala siya dito. Baka may pinuntahan lang." Saad ko at bumalik sa kama na dating tinutulugan ko.

"Oo nga pala. Sinubukan namin makahanap ng ibang balita sa mga Bsgang kaso nahirapan ang mga Inutusan namin dito." Seryosong wika niya. Buti nalang at nakaka-usap na namin siya ng maayos, siyempre kaibigan niya ang nawawala.

Napahinga ako ng malalim. "Mahihirap talaga tayo dyan, masyadong maingat ang mga 'yon." Sagot ko.

"Tsk! pag may nangyare lang kay Savanah malalagot sila sa akin." Galit na sambit niya. Pilit na ngumiti naman ako at hinawakan siya sa balikat.

"Wag 'kang mag-alala dahil makukuha din natin si Savanah at siguro naman ay ligtas siya ngayon dahil diba lagi niyang sinasabe na kaya niya ang sarili niya?" Pakalmadong sambit ko na ikinangiti nito.

"Salamat. Sige maghahanda na kami nila Aby para bukas. at may inutusan rin pala ako para makahanap ng labasaan dito." Napatango naman ako at lumabas na din ng dorm nila Wendy at ni-lock. Baka may pinuntahan lang ang babaeng 'yon.

Sabay na kaming lumabas ng building at napansing madaming estudyanteng nagsisitakbuhan.

"Waaaaaaah!"

"Dali takbooo!"

"Bilisan niyo mahahabol na tayo nila!!!"

Naguguluhang tinignan namin ang lahat na estudyante na nagsisitakbuhan at ang iba ay naiiyak na dahil sa takot.

"Anong nangyayare?" Tanong din ni Cassidy.

Pinigilan ko ang lalaking patakbo at nagulat siya ng makita ako at umiyak ng umiyak ito.

"Wag 'kang matakot sa akin. Anong nangyayare?!" Nagaalalang sambit ko.

"S-Sumusugod na ang mga Bsgang! papatayin daw nila ang lahat ng mga estudyante!" Nabigla ako sa sinabe niya.

"Anong sabi mo? nandito sila ngayon?!" Tanong ko at mabilis na tumango ito at tumakbo na.

Nakarinig kami ng ilang putukan at sigawan banda sa court kaya hinila kona si Cassidy at nagpunta sa dorm nila para tawagin sila Abygail, papunta na sana kami sa dorm nila ngunit natanaw na agad namin sila Abygail at Aaliyah na hindi mapakali na animoy may hinahanap sa paligid.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now