"Dipende."

"Dipende saan?" Tanong ko.

"Dipende kung totoo." Wala paring emosyong sagot nya.

"Ano ba talaga ang gusto nyong malaman sakin?" Tanong ko.

"Duon tayo sa loob mag-usap tungkol dyan." Biglang sabat ni ate May kaya tumalikod na ako at hindi na sila pinansin at saka ako naglakad papasok sa loob.

Ng makapasok ako sa kwarto ay syang sunod din naman nila at nandoon nadin si Manuel.

"Oh Manuel san kaba galing?!" Tanong ni May.

"Sa office nila Sister. Joyce may sinabi lang." Sagot ni Manuel at tumango lang sya.

Lumapit sakin sila Francis at Tristan na parang nag-aantay ng paliwanag.

"Ano na?" Tanong ko at lumapit din si ate May.

"Manuel tara dito." Utos ni ate May kaya lumapit naman sakin silang dalawa.

Umupo ako sa kama ko at aaminin kong nailang ako dahil lahat sila nakatitig sakin.

"Bakit? Ano bang meron?" Nagtatakang tanong ni Manuel.

"Kikilalanin natin si Jayline." Sabat ni Tristan na sakin parin nakatingin. "Pwede ka ng mag simula." Sabi ni Tristan kaya huminga muna ako ng malalim.

"Kung tinatanong mo akong mayaman ba ako? Hindi ako mayaman, may kaya lang kami." Tanong at sagot ko.

"San ka nakatira?" Si Tristan.

"Sa Laguna."

"San sa Laguna."

"San Pedro Laguna."

"Ang layo nito sa San Pedro Laguna?"

"Wala akong pake." Sagot ko.

"Tsk!" Singhal nya.

"Mag tanong ka nalang." Walang emosyong sabi ko kaya sumeryoso sya ulit at nagiisip ng itatanong sakin.

"May half kaba?" Tanong nyang muli.

"Oo half Korean ako." Sagot ko.

"Anong name ng parents mo?"

"Pati ba naman yon?" Nakakunot ang noong tanong ko.

"Tsk. Sagutin mo nalang." Sagot nya.

"Thats privacy!" Singhal ko.

"Come on! This is a question and answer game."

"Aish you're so fvcking cute!" Pag-iiba ko ng sasabihin ko dapat.

"You too." Sagot nya.

"Tsk. Gameover." Sagot ko.

"No! Hindi pa namin nalalaman ang buo mong pagkatao."

"Buo kong pagkatao?! Ha! Pano kung sabihin ko sayong MAYAMAN ako?!  Kung sabihin ko sayo na lumaki ako sa Korea ng 15 years?! Kung sabihin ko sayo na ang Family ko ay nasa Korea at ako lang ang nandito sa Philippines dahil mas gusto kong tumira dito?! Tingin mo ay okay naba iyon para tumahimik ka sa kakadaldal mo?" Sunod-sunod ang tanong na sabi ko at napapahiya namang napatungo sya.

Nakakainis talaga!

"So mayaman ka nga?" Tanong pa ni ate May at tumango naman ako.

"Yes." Walang ganang sagot ko.

"Then, bakit sinasabi mong may kaya kalang?" Tanong pa ni ate May.

"Dahil ayokong may nakakakilala sakin bukod sa family ko." Sagot ko.

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now