Baliw Raze!

Go! Get out of your room, may kailangan ka pang ipaliwanag!

Ahg! Yeah!

Inayos ko ang kumot nya bago tumayo para siguraduhing okay 'yong air con tyaka lumabas.



"So sya nga?" Salubong sa akin ni Callista.

"Yeah." Bored na sagot ko bago nagpalingon-lingon. "Nasaan 'yong mga bata?" Umupo ako.

"Nasa kwarto nila kasama si Reyah." Sagot ni Callista.

Tumago ako. "Ma." Tawag ko kay mama na kanina pa walang imik.


Magkakaharap kami ngayon dito sa living room, nasa single sofa ako habang magkatabi sila ni Callista sa long sofa.

Tumayo si Callista. "I'm sleepy, good night ma." Humalik sya sa pisngi ni mama. "Kib."

"Good night." Usal ko.


Nang makaalis si Callista, tinitigan ako ni mama bago nagsalita. "Wala kang ipapaliwanag, ang sabi ko sa'yo ay asikasuhin mo naman 'yang sarili mo. H'wag puro kami, it's your time Raze, just be happy." Utas ni mama.

Tumayo ako para lumipat sa tabi nya. "Ma, she's my happiness."

"I know." Sagot nya. "Just please, h'wag mo nang pababayaan ang sarili mo."

"Hindi na po." Nakangiting sagot ko bago sya niyakap. "Please, h'wag kang iiyak."

"Hindi ako umiiyak." Humihikbing usal nya na ikinatawa naming dalawa.

"Kung nandito si papa, siguradong mapapalo ako no'n dahil pinaiyak nanaman kita." Naiiling na sabi ko habang pinupunasan ang luha nya. Hinalikan ko sya sa noo.


Si mama masyadong nagiging sensitive pagdating sa akin, especially sa yakap ko.


"I'm happy for you Raze, really... Si Rory 'yon 'di ba? Please, say yes. H'wag na h'wag mong sasabihin sa akin na tinakasan mo kami kanina sa airport para lang sa ibang babae." Msy halong pagbabanta na sabi nya.

Napailing ako sa sinabi nya.


"Hindi si Rory?!" Tanong nya sabay hampas sa braso ko.

"Ma! Masakit ah?" Natatawang niyakap ko sya. "Ma, tatakasan ko kayo ng paulit-ulit para sa babae na 'yon. At a-"

"Raze!" Asik nya sabay batok sa akin.


"Mama! Masakit din 'yon ah? Hindi pa ako tapos eh. Tyaka 'di ba sinabi ko na, wala po akong ibang ibabahay kung hindi si Rory lang. Kay Rory lang po ako. Remember?" Tinitigan ko sya ng nakangiti.


Nakataas ang kilay nya. D-mn! Bakit parang iisa lang sila ni Rory? Magkaugali! Kapag ganito alam ko na ang iniisip nya, uunahan ko na!


"Hindi pa po ako mag-aasawa, pero pwede na po akong mag-anak di p- Aray! Ma!" Kinurot ako sa tagliran. Sh-t! Masakit! "MAMA!"

"Sana hindi ka balikan para hindi ka na magkaanak!"


"Okay, tama na ang drama alam kong napagod ka mama, let's sleep na! Let's go ma." Mabilis na utas ko.

"Napagod sa wala." Nagtatampo. Napailing ako.

"Kakainin ko lahat ng niluto mo, ma. Tara sa kitchen?" Nakangiting sabi ko.

Umiling sya. "Maligo ka na, amoy alak ka Kib!"

Natawa ako sa tinuran nya. "I love you ma."




Pagkahatid ko kay mama sa kwarto nya ay nagdiretso na ako sa kwarto ko.

Nakatayo ako ngayon sa gilid ng kama ko kung saan nakahiga si Rory. Nagdadalawang isip ako kung gigisingin ko ba sya o hindi na. Hindi pa 'to nagdi-dinner, may masamang epekto ba kapag ganon? Pero alam kong pagod sya, kailangan nya rin 'yang pahinga.


Siguro, mag-shower muna ako bago sya gisingin.


Kailangan kong maghanda ng paliwanag kapag nagising sya. Isang maayos at walang butas na paliwanag kung bakit nandito sya.

Alam kong kulang rin ang nga sinabi ko sakanya nong nakaraan. I really have to do something. Kailangan ko nang gumawa ng hakbang para maibalik sya sa akin. Pero hindi ko magagawa 'yon kung may iniisip akong trabaho na nasa ibang bansa! Kailangan ko nang tapusin 'yon. Then I'll stay here for good, for her, for us.


Halos isang oras akong nasa bathroom dahil sa pag-iisip.

Paglabas ko ay si Rory ang sumalubong sa akin.

"Good evening, 'you want anything?" Kinakabahang bati ko sakanya.

Ganito naman lagi, kinakabahan akong parang bakla kapag nakaharap sya.

Mabilis na nangunot ang noo nya habang titig na titig sa akin. Maya-maya ay nanlaki ang mga mata nya at nagpa-panic na tumalikod sa akin.


"Bakit nandito ako? Nasaan tayo?" Tanong nya habang nakatalikod sa akin.

'Tayo' daw. D-mn it! One of my dreams.


"Sa bahay." Sagot ko habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang isang tuwalya at titig na titig sa likuran nya.


Why so sexy, Rory?


"Hindi ito ang bahay ko." Sabi nya.

"Bahay ko." Kaswal na sabi ko na hindi pa rin inaalis ang pagtingin sakanya.

Tumaas sya ng kaunti, mas humubog ang katawan, naramdaman ko 'yon noong yakapin ko sya, nag-mature talaga.

'Yong katawan nya.

Napalunok ako.


Pinagnanasahan ko sya kahit nakatalikod sya sa'kin. Napalunok ulit ako. Ikaw lang nakakagawa sa'kin nito Rory.



"Well, then... I'm going." Usal nya.

Bago pa sya makapagsimulang maglakad ay hinapit ko na sya sa baywang para iharap sa akin.


Ramdam ko ang pagkabigla nya at kita ko sa mukha nya ang gulat.

Payat, pero bakit ang sexy?

D-mn! Bakit ba ang payat-payat nya? Kumakain pa ba 'to?



"Kib, btiwan mo ako." Mahinahon pero may diin na utos nya.

"You're not going anywhere, you stay, masyado nang late." Sagot ko.

"Move!" Asik nya.

"C'mon! Just stay for to night." Sabi ko.

"I can't! Aalis na ako."

"You'll stay." Seryosong sabi ko.

"I need to go!" May diin ang bawat salita nya.

I heaved a sigh. "Fine, hintayin mo ako. Iyahatid kita." Bibitiwan ko na sana sya pero napatigil ako sa sagot nya.

"I can handle." Sabi nya.

"You leave me no choice." Utas ko.




Gamit ang mahigpit na pagkakahawak sakanya, humakbang ako nang dalawang beses kasama sya para mabilis kong marating ang kama. Pinabayaan kong mabuwal kami do'n na sakanya ang bigat ko.







Itutuloy...

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now