"Kib..." Tawag ko sakanya.

"C'mon, my treat." Nakangisi nang sagot nya.


Malungkot sya, alam ko. Hindi ko alam, pero iba ang ipinapakita ng mata nya sa sinasabi nya.


"Hindi 'yan ang ipinunta natin dito." Sabi ko.

Tumango sya bago ulit nag-order ng kung ano. "You can ask me anything, sasagutin ko lahat ng tanong mo." Utas nya.



Napalunok ako dahil sa sinabi nya. Kinakabahan ako. Aaminin ko ngayon... Natatakot akong masagot ang mga tanong ko. Dalawang tanong na gusto kong sagutin nya.




At 'yon ang gusto kong iwasan ngayon. Iiwasan ko nanaman.



"You can't love without trust." Ang unang mga salitang lumabas sa bibig ko.


Napatigil sya sa ginagawa nya nang marinig ang sinabi ko.


Nakita ko ang pag-awang ng bibig nya pero muli 'yong tumikom. Ilang saglit ang nakalipas nang ininom nya ng diretso 'yong hawak nya matapos 'yon ay napabuga sya ng hangin.


Humarap sya sa'kin at tinitigan ako ng diretso sa mga mata.


"I love you." Utas nya sa'kin.


Umiling ako. "This time Kib, I don't want you to talk." Kita ko ang pagkabigla nya sa sinabi ko pero ipinagsawalang bahala ko lang 'yon. "Gusto ko-" Humugot ako ng malalim na paghinga. "Gusto ko makinig ka sa'kin. Gusto kong malaman mo 'yung ginawa mo. Gusto kong sabihin lahat and I am hoping na kaya mo din gawin 'yon."


Lumunok ako ng ilang beses bago nag-iwas ng tingin. Walang pag-aalinlangan na kinuha ko 'yong bote ng alak para magsalin sa baso at diretsong inumin 'yon. Pumikit ako ng mariin dahil sa naramdamang epekto ng alak sa lalamunan ko.



Saan ako magsisimula? Anong dapat kong sabihin? May pagdadalawang isip sa'kin dahil nasasaktan ako at ayokong maramdaman nya 'yon.



'D-mn!'



Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago nagsasalita.


"Naisulat ko lahat sa libro na 'yon. Do you want me to say it out loud? Kailangan ko pa bang alalahanin lahat 'yon? 'Yung araw-araw na mukha akong tanga sa pag-aalala, sa paghihintay, sa pag-asa sa'yo..." Isang pagak na pagtawa ang kumawala sa'kin kasunod ng mga salitang lumabas bibig ko.

"Binasa ko, lahat." Sabi nya.

Tumango ako at muling pumukit ng mariin.


Ilang minuto pa ang lumipas na walang nagsasalita sa'min.

Gusto ko nang sabihin lahat.




"Naiwan ako ng walang kahit ano mang salita ang nakuha mula sa'yo... Simula noong gabing 'yon, umalis ka na parang wala lang. Iniwan mo lahat sa'kin." Pagmulat ko ng mga mata, kagaya kanina, naglagay ako ng alak sa baso at doon tumingin ng diretso. "Nasaktan ako." Utas ko gamit ang hindi na makilalang boses. "Umasa. Nasaktan. Umasa. Nasaktan. At nasasaktan pa rin hanggang ngayon. Paulit-ulit bawat araw. Hindi ko alam kung paano kita makakausap. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam... Kung nakilala ko ba talaga 'yung lalaking minahal ko." Nag-isang linya ang labi ko dahil sa mga emosyong unti-unting bumabalik sa'kin. "Anong inaasahan mong gagawin ko kapag nagpakita ka?" Pigil na ang paghinga ko sa bawat salitang lumalabas sa'kin. "Noong una, nagpakita ka, pinaglaruan mo nanaman ako. Pangalawa, iba naman ang ginawa mo, ginulo mo nanaman ako." Napabuga ako ng hangin. "Nakakaloko."



Ibinaba ko 'yong hawak kong baso para punasan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. "Hindi ko alam kung anong mayron ka pero kapag nasa'yo na ang usapan nalulungkot at nagugulo ako." Unti-unting nanlalabo ang mga paningin ko kahit anong pagpalis sa mga luha ang gawin ko. "Ayoko nang umiyak." Isang paghikbi ang kumawala sa labi ko. "Hindi pa ba sapat 'yong ibinigay mo sa'king sakit noon? Bakit pinahihirapan mo nanaman ako ngayon? Anong bang ginawa ko sa'yo?" Wala na akong nagawa kung hindi ang takpan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko. Napapangunahan nanaman ako ng mga emosyong ayokong ipakita sa iba.



Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap nya sa'kin, hindi 'yon nakakatulong. 'Yon ang naging dahilan kung bakit mas sumakit ang lahat. "Bakit iniwan mo ako?"

"Ror-"

Umiling ako sa tangkang pagtawag nya sa pangalan ko. "Bakit- bakit iniwan mo ako?" Tumunghay ako, kahit nanlalabo ang mga mata ay pinilit kong titigan sya. "Bakit iniwan mo ako?" Paos ang boses na ulit ko.

"C'mon Rory, h-"

"Please Kib, just be honest with me." Pagputol ko sakanya.

"I love you." Utas nya.



Tinitigan ko sya sa kabila ng mga nanlalabong mga mata.

"Ayokong marinig 'yan. Hindi ko gustong marinig 'yan mula sa'yo." Patuloy ang paglandas ng mga luha sa bawat katagang binibitiwan ko. "Mas nasasaktan ako. Mali, hindi totoo 'yang naramdaman mo." Mas humigpit ang pagkakahawak nya sa'kin mula sa likod ko.

"Mahal kita, Rory." Sabi nya. "Please." Malumanay na dugtong nya.

"I want to hear the 'pero'! I want you to be honest with me. Please. Gusto kong marinig 'yong 'pero' na nagpabago sa lahat." Nanghihinang utas ko kasabay ng mahigpit na paghawak ko sa jacket nya. "Please."

Kita ko ang paglunok nya.





"Pero hin-" Kinagat nya ang pang-ibabang labi nya. Lumunok sya ng ilang beses bago nagpatuloy. "Pero hindi ako- nagtiwala sa nararamdaman mo." Utas nya.




Parang nabingi ako. Naninikip ang dibdib ko.



Ibinaba ko ang paningin ko sa mga kamay kong mahigpit na hawak ang jacket nya. Unti-unti kong pinakawalan ang pagkakahigit doon.



"You-" Lumunok ako. "You can let go now."

"Sa Tuesday aalis ako." Mabilis na npatunghay ako sa sinabi nya.


Nanlalabo nanaman ang mga mata ko.

"Pipigilan mo ba ako?" Tanong nya na muling nakapagpabagsak sa mga luha ko.

"Bakit-" naging kapos ang paghinga ko. Pumikit ako ng mariin at nagpunas ng luha ng paulit-ulit. "Ayaw-ayaw tumigil." Humihikbing inis na utas ko. Naramdaman ko ang mas paghapit nya sa'kin palapit sa katawan nya kasabay non ang pagtaas ng kanang kamay nya sa mukha ko. "Bakit?" Do'n ako nawalan ng control sa nararamdaman ko. Gusto kong iiyak lahat! Gusto kong ilabas lahat ng hirap at sakit. "Bakit ganito?"


"Susundin ko ang gusto mo ng walang pagdadalawang isip. Sabihin mo lang, gagawin ko." Sinasabi nya 'yan habang pinupunasan ang mga luha ko. "Please Rory."






Itutuloy...



COMMENT AND VOTE. SALAMAT!

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now