"Kim! Kim! Kim! Ang sabi ni mommy h'wag kang aalis dito!" Asik nong batang lalaki ng makitang bumababa sa upuan 'yong batang babae.

"Pee! I need to pee!" Nakangusong sagot naman nong batang babae na tinawag na Kim. Matapos ay ibinaba ng padabog 'yong bote ng mogu-mogu sa mesa.

Umilansik 'yong laman no'n dahilan para mapasimangot 'yong batang lalaki dahil natamaan sya no'n.

"Ew. Kim go back to your seat! Ahg! Be careful next time." Pinatunog pa nito ang dila nya bago ibinaba din 'yong  laruan nya sa mesa, kumuha sya ng tissue para magpunas. "Why do you have to do that?"

"Mean Kib!" Utas nong batang babae at nakangusong umupo. "Susumbong kita kay papa."

"Whatever little mammoth!" Masungit na sagot nong lalaki.

"Susumbong din kita-"

"Save it." Pagputol sakanya nong lalaki.

Whoa! Bata ba talaga sila?

"Mean!" Anang batang babae.

"Shut up Kim." Masama na ang mukha nong baby boy.

"Mean Kib!"


Kanina ay hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko, Kib nga ba talaga ang pangalan nong batang lalaki?

"Kim?" Pagtawag ng isang boses na ikinatigil nila.

"Mommy! I need to pee but Kib won't let me!" Mabilis na sumbong nong batang babae.

"Mom, she's just too careless!" Pagdepensa namang nong batang lalaki.

"Kiv, you'll stay here... Sa CR lang kami ni Kim." Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang isang taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon.

"Doctora Callista?" Utas ko nang paparaan na sila dito sa pwesto ko.

"Uh? Miss?" Tanong nito.

"Ah, hindi wala po." Nahihiyang sabi ko.

Ngumiti ito sa akin bago nagpatuloy sa paglakad.

Sinundan ko sya ng tingin ng may biglang kumulbit sa akin mula sa kanang balikat ko.

"Miss?" Tawag pa nito.

Napataas ang kilay ko ng makita 'yong batang lalaki sa gilid ko. "Uh, yes?"

"You look like someone..." Napatigil sya sa pagsasalita na parang may iniisip. Maya-maya lang ay biglang nanlaki ang mga mata nito. "I'm Kiv." Anito.

"Kib?" Tanong ko.

"No! It's K-I-E-V, Kiev." Sagot nya na umiiling-iling pa. Matapos ay itinaas nya ang kanang kamay nya sa akin.

"Oh?" Tumango-tango ako. Matalino ang batang 'to. "I'm Rory." Sagot ko bago ko tinanggap 'yong kamay nya.

"I think I'm wrong, mali pala. Hindi pala ikaw 'yong friend ni papa." Ngumisi ito ng malaki bago binawi ang kamay nya at naglakad pabalik sa upuan nya. Kita ko ang pagkuha nya sa phone nya bago muling ngumiti.

May phone 'yong bata!


"Sino 'yong bata?" Tanong ni Pat na kadarating lang.

Nagkibit balikat ako. "Don't know. Lumapit lang." Sagot ko habang tinutulungan syang magbaba ng pagkain.

Habang kumakain kami ay may sinasabi sya sa akin.

"Nag-check ka na ba ng social media accounts mo?"

"Hindi pa." Sagot ko. "Bakit? Kanina pa 'yan."

"Mag-online ka nagkakagulo kase sa internet." Sagot nya bago uminom.

Dahil na din sa pagka-curious ay kinuha ko 'yong phone ko sa bulsa ko tyaka nag-online.

Ang sumalubong sa akin sa news feed ko ay ang mga post about wattpad and so...

"Wala akong nakikitang dapat-"

"Magbasa ka kase! Refresh mo 'yang news feed mo." Pagputol sa akin ni Pat.

Ginawa ko ang sinabi nya. Matapos ko mag-refresh ay bumungad sa akin ang post nila, of course Rory!

'Alin ang mas gusto mo? Ang masakit na katotohanan o ang masayang kasinungalingan?' Ang una kong nabasa na news feed ko.

Alin nga ba?

Masakit na katotohanan o masayang kasinungalingan?

Siguro ako, masayang kasinungalingan. Masasaktan pa rin naman ako do'n sa dalawa, mas okay na 'yong maranasan ko rin naman na sumaya kahit na sa isang kasinungalingan lang.

Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko sa pagsagot nyan?

Halos mapailing ako sa mga naiisip ko bago nagbasa pa sa news feed ko.

May post tungkol kay KnightInBlack na nakakuha ng atensyon ko. Isang screen shot ng post nya kamakailan lang. Ang nakalagay sa picture ay 'yong notification na nag-post sya ng picture sa instagram. May caption 'yong nag-post na '#KibIsBack'.

Ito ba 'yong sinasabi nila sa akin kanina pa?

Ikinlick ko 'yong link ng IG nya para tignan 'yon.


Four years ago pa 'yong posts nya dito maliban do'n sa bago nga na kahapon lang pinost. Picture 'yon...

Nagsalubong ang mga kilay ko sa nakita.

Hindi ako pwedeng magkamali. Ako ito, ako 'yong babaeng nasa picture na nakatalikod habang naglalakad sa harap ng Academy na pinapasukan ko noong high school pa ako.

'At first sight. Curiosity kills the Knight.' Ang caption nya sa picture.

Kung hindi ako nagkakamali, base na rin sa caption nya. Ito 'yong araw na una ko syang nakita. Cliche, oo. Nabangga ko sya, do'n nagsimula ang lahat. At natatandaan ko pa, ito bang picture na 'to ang dahilan kung bakit parang kumidlat din no'ng mga oras na 'yon?


Hindi ko mapigilan na magbasa ng mga comment.

'Lucky aff! I miss you kuya!'

'Kailan 'yan kuya? Dito ako sa school na 'to nag-aaral. Omg! Missyah! Elcome back!'

'Waaahhhhhh! Welcome back kuya! Sunod na ba ang UD?'

'Ito na ba 'yong POV mo sa kwentong isinulat nya?' Nakuha ng komentong ito ang atensyon ko.



Nang basahin ko ang user name ay kay Kiel!

What the hell?








Itutuloy...

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now