Chapter 48 Isang Salita

Start from the beginning
                                    

"I'm not happy and I'm not contented because of love, because I'm in love, because I don't have you. And now, you made me think." Seryoso nya akong tinitigan ng mata sa mata.



Kita ko ang pagtiim bagang nya. "You kissed him. You kissed me back. Anong dapat kong isipin? Is it worth it? Does she really mean that much to me?" Marahan syang tumawa. "Nasasaktan ako dahil nagmamahal ako, pero kinakaya ko dahil nagmamahal ako. Hindi ko na alam kung alin ang nangingibabaw sa dalawa. Will you please, please... Help me?"



"Ayokong sabihin sa'yo kung ano ang nangyari at kung ano ang mga pinagdaanan ko sa mga nakalipas na taon. Ayoko ngang maawa ka sa akin." Tumawa sya tyaka umiling-iling. Tinalikuran nya at naglakad pabalik sa sofa. "But I really have too... Paano kita makukuha kung wala ka nang tiwala sa akin?"


Pabagsak syang naupo sa sofa bago kuhain sa bulsa ang phone nya. Sandali syang nagtipa do'n bago may dinial na number at itapat ang phone sa tainga. Tumingin sya sa akin.


"Umupo ka." Nag-iwas sya ng tingin bago nagbuga ng hangin. Ibinaba nya 'yong phone nya tyaka 'yon hinarap bago ulit nagtipa ng kung ano.



Hindi ako kumilos, pinapanood ko lang kung anong ginagawa nya. Nakasunod ang paningin ko sa bawat pagkilos nya na para bang hindi ako makapaniwala na nandito sya ngayon habang nakaupo sa harapan ko. It feels like ayoko nang tanggalin ang paningin ko sakanya.

Napalunok ako nang bigla syang magtaas nang tingin at makipagtitigan sa akin ng mata sa mata.


"Umupo ka." Ulit nya.

I slowly shook my head in reply.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago sya muling nagsalita.


"Say something." Utas nya na hindi pinuputol ang pagtitig sa akin.


Matapos ang mga sinabi nya? Anong dapat kong sabihin?


"Kamusta?" Ang tanging salitang lumabas sa bibig ko gamit ang kapos na boses. Nag-lakad ako patungo sa hindi kalayuang parte ng sofa mula sa kinauupuan nya.


"You have no idea how crazy I am about you, do you?" Ang sagot nya sa akin habang nakangiti.

And for the nth time, I'm surprised by his question. Kanina pa ako hindi makapaniwala sa nga sinasabi nya at ngayon.



"Sinasabi ko sa'yo, iyuuwi kita sa bahay ko kapag nag-iba ang pagtrato mo sa akin pagkatapos kong magsalita, I swear." Nag-iwas sya ng tingin tyaka tinapunan ng tingin ang wristwatch nya at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto.



Kinuha nya ang nakitang lata ng alak sa mesa matapos ay uminon do'n bago magsalita. "Si ate, naaksidente nong araw nang sayawang bayan kaya nagmamadali akong umalis noon dahil 'yon din ang mismong araw na umalis sina mama at papa. Kailangan kong asikasuhin ang lahat ng walang kaalam-alam ang mga magulang namin. Isang linggo ang lumipas na hindi sya nagigising. Malala 'yong aksidente. She's in coma... No'n namin napagdesisyonan na sabihin kay papa. Nang malaman nila, kaagad silang umuwi mula sa Greece." Bumaling sya sa phone nya bago nagpatuloy.

"Plane crush, 'yon ang nagpagulo sa lahat. Magte-take down na ang sinasakya nila noon. Si mama critical ang lagay. D-mn cliche story." Umiling-iling sya bago ulit uminom. "Nangyari ang mga 'yon sa loob lang ng halos dalawang linggo, pero mahaba ang kinuhang panahon sa akin."



"I have to handle everything since wala na talaga akong ibang dapat asahan. Tumigil ako sa pagsulat at pag-aaral, ako ang nag-asikaso sakanila and at the same time, ako ang nagpatuloy ng business na naiwan ni papa sa Greece at ni mama sa Pinas."

"Kib, you d-"

"Ssshhh." He shook his head. Tinitigan nya ako sa mata, kita ko ang paglunok nya bago nagpatuloy. "After 3 months nagising si mama, mabilis ang naging recovery nya. Habang si ate inabot ng halos isang taon bago naging stable at magising sya." Ngumiti sya. "It took us years para maibalik 'yong dati. And now I'm okay, thankful and blessed. I'm okay Rory, just okay." May ngiti sa labi nya na madaling umabot sa mata.


"Kib." Lumunok ako. Hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin.  Ni hindi pa pumapasok sa isip ko ang mga sinabi nya. "I, uh-"

"I am telling you, may isang salita ako. Iyuuwi kita kapag nag-iba ang pakikitungo mo sa akin." Natatawang sabi nya.

"Walang nakakatawa." Komento ko na mabilis ikinatulis ng labi nya. "You're weird, may nakakatawa ba sa mga sinabi mo?"

"You're making me happy." Nagkibit balikat sya. "Nakikinig ka sa akin. At okay na ang lahat, si mama at ate ay okay na. I'm free, I can win you back now." Nakangiting utas nya.


"Sumasakit ang ulo ko sa'yo." Hindi ko mapigilang sabihin ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay puputok na ito ano mang oras mula ngayon. Pabagsak akong sumandal sa sofa.


Walang pumasok sa isip ko. Tumingala ako para makipagtitigan sa kisame at mag-isip.

"Gusto ko man mas makasama ka ay hindi naman pwede." Kita ko ang pagtayo nya mula sa peripheral vision ko. "I have to do something." Dugtong nya. "Let's go." Tumayo sya sa gilid ko.

"Pabalikin mo nalang sina Kiel dito." Sagot ko.

"You're not staying in this room. Tara na." Sagot nya bago ako tinalikuran at binuksan 'yong pinto.

Napataas ang kilay ko. "'Di ba naka-lock 'yan?" Tanong ko bago tuluyang tumayo at sumunod sakanya.

"Text." Maikling sagot nya.



Naglakad kami patungo lang sa isa pang kwarto na hindi kalayuan sa pinanggalingan namin.

Binalingan nya ako. "Happy Birthday." Nakangiting pagbati nya bago tuluyang buksan 'yong pinto. "Pumasok ka na, nandyan sila."

I heaved a sigh. "Salamat."











Itutuloy...




Ate Anj: Hello crocs! Hahaha. lol Sinasabi ko sa inyo! FICTION lang ang mga nabasa nyo sa chapter na 'to. Walang katotohanan at kathang isip lamang.

Question: Ilang Chapter nalang ang natitira sa His Reader. May magkakatuluyan ba?

Salamat sa pagbasa! Please h'wag kakalimutan ang pag-click sa 'Vote' at mag-iwan kayo ng comment. Salamat!


All the Love. A. Xx

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now