Chapter 1

1.8K 29 0
                                    

His POV

"Macey, we've been together for so long. I love you and you know that. I'm ready to face another chapter of my life together with you. Will you marry me?"

Then, a tear fell from her beautiful eyes, i guess it's a tears of joy.

Nakaluhod ako ngayon sa kanya kasabay ng pagpakita ng singsing na nasa loob ng isang pulang kahon. Pinunasan muna niya ang mga luha niya bago ulit ako hinarap.

She smiled but not a genuine one, it's like a pity smile. For what?

Lumuhod din sya para magpantay kami.

"Zarick, i know how much you love me and i'm very thankful to that. I'm ready to have a family, to settle down, to do household chores, to take care of my husband and our children. But Zarick, baby, you know that my greatest dream is to have a baby not one but many because i did not experience to have siblings right. But Zarick that dream of mine, you can't give it. I'm sorry baby but i can't accept that. I have a dream to become a mother. I'm really sorry."

At bigla siyang tumayo at tatakbo na sana ngunit nahigit ko ang kaliwang kamay niya at dali-dali ko siyang niyakap mula sa likod.

"I know baby, i'm sorry i can't give you that dream. You're right, i am not the man for you. You deserve someone, someone who can fullfill your dreams. Thank you Macey. Hope for your happy life. Goodbye"

Inunahan ko na siyang lumabas sa rooftop kung saan ko hinanda ang lahat. Ang sakit sakit for the third time, iniwan at di ako matanggap ng mga babaeng minamahal ko. Fuck this life, why do i have to feel this pain and experience this kind of problem. What did i do wrong, i'm a good son, i'm a good friend, a good boyfriend. I never hurt anyone's feelings. But why should i experience it. Shit, shit.

Nasa loob ako ng sasakyan ko at nagdrive ako ng walang patutunguhan. Bahala na kung anong mangyari total wala naman akong silbi sa mundong ito. Sana hindi nalang ako nakaligtas pa. Sana natuluyan na lang ako ng gabing yun.

Nakarating ako sa labas ng lungsod, puro mga punong kahoy na lang ang nakikita ko sa daan at malawak na bukirin. Nakikita ko yun kahit gabi dahil sa liwanag ng buwan.

Inihinto ko ang kotse ko sa tabi ng isang tulay. Pinunasan ko ang mga luhang dumaloy sa mata ko. Dapat talaga hindi na ako nagmahal pa, hindi sana ako nakakaramdam ng ganito. Hindi na nadala sa una at pangalawa.

Kumuha ako ng mga bato at umupo sa tulay na tila kinakalawang na. May kalaliman ang tubig sa ilog dahil na rin siguro katatapos lang ng ulan. Binato ko lahat ng batong hawak ko at nang nagsawa ay tumayo ako mismo sa tulay na inuupuan ko....

Nang biglang....

Her POV

Nakakainis naman ang tiyuhin ko oh, alam ng gabi tapos inutusan pa akong bumili ng alak sa tindahan ni Aling Bebang. Ang dilim dilim pa naman sa daan buti na lang maliwanag ang buwan dahil kong hindi naku talaga.

Naglalakad ako habang sumisipa ng mga bato sa daan nang may mamataan akong tao na nakatayo sa tulay. Teka anung balak ng mamang yun?
Oo lalaki dahil sa porma ng katawan, kahit medyu madilim alam kong lalaki yun. Nilapitan ko siya at wait may balak ngang magpakamatay.

"Mama, hoy teka, maghunusdili ka. Wag kang magpapakamatay"

Ngunit huli na ako dahil nahulog na siya. Lumapit ako sa tulay, inaninag ang ilog ngunit wala namang bakas ng taong nahulog. Nagpalinga linga pa ako ng makarinig ako ng may humingi ng saklolo. Inaninag ko pa at ayon nakakapit pala siya.

"Wait lang mama, hahanap lang ako ng tali. Wait wag kang bibitaw"

Naghagilap ako ng mga bagay, may nakita akong baging sa puno ng akasya kaya kinuha ko kagad ito at inihagis sa kanya.

"Mama, kumapit ka sa baging wag kang mag alala matibay yan. Itinali ko na yan at tutulungan kitang makaakyat. Sige na."

Agad naman siyang sumunod. Hinila ko siya sa abot ng makakaya ko. Ang sakit sa braso gosh ang bigat niya. Nang nakaakyat na siya ay napaupo ako sa bigat niya.

"Mama, kung magpapakamatay ka. Naku mag isip isp ka, may mga taong mag aalala sayo. Wag mo ring sayangin yang buhay mo dahil di yan sayo pinahiram lang yan sayo ni Lord."

Hinihingal ko pang sabi sa kanya.  Nakaupo na rin siya sa kalsada at amoy na amoy ko ang pabango niya dahil ang lapit niya lang sa akin.

"Stupid, i'm not going to kill myself. You're the one whose gonna kill me."

Ay spokening dollar pala ito. Mayaman naman pala bakit nagpapakamatay eh di ba mga mahihirap lang kadalasang nagpapakamatay.

"Hoy wag mo nga akong sigawan, magkalapit lang tayo at for your information hindi ako stupid noh. Ikaw yung stupid dahil ikaw yung muntikang magpakamatay."

"Tsk, hindi ako nagpapakamatay. Tatayo na ako ng bigla kang sumigaw at sa gulat ko nadulas ako kaya ako muntikang mahulog at mamatay."

Oi nagtatagalog naman pala, infairness ang sexy ng boses niya. Wait anu ba tung iniisip ko.

"Eh malay ko ba, bakit ka ba kasi jan nagtatambay eh marami ng nagpakamatay jan eh. Malay ko bang hindi pala yun ang balak mo."

"Ok, ok. Let's stop this nonsense talk. Thank you for your help. I'll better keep going. At sa sunod, wag kang biglang sisigaw pwede?"

Sumakay na siya sa kotse niya at pinasibad na ito paalis. Naiwan lang ako na umuubo dahil sa usok at alikabok na iniwan niya. Tss sungit naman nun, pero infairness gwapo.

Tumalikod na rin ako at dumiretsung bahay. Napagalitan pa ako ni tiyong dahil sa tagal ko raw. Di ko nalang pinansin at tumuloy na ako sa kwarto ko.

Kahit medyu masungit yung lalaking yun. Bawing bawi naman sa bango niya, sa magandang katawan at kagwapuhan, nakita ko yun dahil sa liwanag ng buwan.

Sana mapanaginipan ko siya. Hihihihi

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now