Chapter 25: [Starbucks]

3.3K 84 6
                                    

*VINIEL’S POV*

 

 

 

At dahil two subjects ngayon ang spare time namin. Niyaya ko si Dennice na pumunta ng Starbucks. Gusto ko lang ng alone time namin. Lalo na ngayon na 4 days na lang, tapos na ang deal. Dapat kasi tinagalan ko na, dapat pala isang buwan na lang yung deal. Nagsisisi tuloy ako.

Sa ngayon, gusto ko ng umamin na hindi fake ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Pero feeling ko, hindi ito yung tamang time. Sa Saturday na lang, dun kasi ang wakas ng isang linggo.

"Viniel? Ok ka lang? Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" tanong ni Dennice habang winewave yung kamay niya sa mukha ko. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa Starbucks. Nilakad lang namin, kasi walking distance lang naman malapit sa School.

"Oo, ok lang ako."

"Nandito na tayo, pero wala ka paring kibo. May problema ba?"

"Wala. Iniisip lang kasi kita."

"Ha? Bakit mo naman ako iniisip? Hindi pa naman ako mamamatay ah."

"Ang tanga mo talaga Babe. Iniisip kita kasi mahal kita."

"Ang landi mo Viniel. Haha."

"Malandi nga, pero isa lang ang nilalandi. Ikaw lang!" sabi ko sabay pinch ng nose niya. After nun, hindi na siya sumagot. Tumawa na lang siya. Pumasok na kami sa Starbucks and umupo dun sa date table.

"Anong order mo?" tanong ko sa kanya.

"Java Chip na lang."

"Yun lang?"

"Oo." matipid niyang sagot.

"Diet ka?"

"Hindi. Haha. Bakit ba?"

"Wala lang. Akala ko diet ka eh."

"Ulul. Mag order ka na!"

After nun, umalis na ako. Nag order na ako ng Java Chip atyaka Coffee Jelly. Eh yun kasi gusto ko eh. Wag kang makielam. Ok, joke lang. Haha.

"Sir, ano pong name?" onga pala, may nilalagay pang pangalan dun sa baso kapag nag-order.

"Yung Java Chip, Viniel. Yung Coffee Jelly, Dennice."

"Sige po Sir."

Nagtataka ba kayo kung bakit baliktad? Sinasadya ko yun. Para naman kahit papano maging sweet kami. Haha. Wag ka ng umangal. Wag ka na din makielam, wala ka ng magagawa. Nasulat na eh. Hahahaha.

The Princess with her FairiesWhere stories live. Discover now