Chapter 24: [Erica and Gab]

Start from the beginning
                                    

“Gagu ka loko! Natutulog pa’ko grabe ka makapag soundtrip.” Reklamo ni Laken sakin. Binato pa’ko ng unan. Masakit yun eh. Lakas ng impact eh! Haha.

“Dapat binabato ako? Putcha naman oh!”

“Ulul ka kasi, kita mo ng puyat ako tas ke-aga aga nagpapatugtog ka.” –Laken

“Sorry na!!!! Bangon na kasi. Haha.”

“Ayoko, inaantok pa’ko. Patayin mo na lang music. Ang aga pa.” -Laken

“Anong maaga? 11 na huy! Tulog mantika ka nanaman. Kaya ka iniwan ni elephant eh! I don’t likeyy. I’m sorry.” Sabi ko ng may pagka-maarte yung boses.

“Wag na wag mong mabanggit yang elepante na yan. Naiirita lang ako. 11 pa lang, maaga pa.” –Laken

“Anong maaga dun? Eh isang oras tanghali na. Bobo ka?“ asar ko sa kanya. Pagkatapos kong sabihin yun, binato niya ako ng alarm clark. Gago talaga to, buti na lang di ako natamaan.

“Ito na! Papatayin ko na, bababa na ako! Istorbo ata ako sa mahal na PRINSESA!” sabi ko sabay patay ng music. Si Laken naman walang pakielam, nagtakip ng unan sa ulo tyaka na humilik. Batugan talaga to kahit kailan.

Pababa na sana ako ng biglang may narinig akong music sa kwarto ni Viniel. Lalakeng to. Ang aga aga pa, ang lakas na ng music. Eh hindi naman sound proof yung kwarto nya eh. Bakit di na lang siya sa music room nagpatugtog.

Pumasok ako sa kwarto niya para sabihan na hinahaan ang music, pano naman kasi baka mabadtrip si Laken. Ako nanaman ang mapagbuntungan ng galit. Lam niyo na! Laging may 2nd day yun. Joke lang. Haha.

Pumasok na ako sa kwarto niya sabay sigaw, “Viniel, hinaan mo nga yang music mo. Magalit si Ate Laken.” Talagang sumigaw ako at the top of my lungs. Kasi kung bubulong ako, wala din. Di niya ako maririnig.

Kaso nahiya ako kasi hindi si Viniel yung naabutan ko sa kwarto. Ehmeghed. Ang gwapo niya. Haha. Napahiya ako dun ah, sumigaw sigaw pa’ko. Kung nakita niyo lang mukha ko ngayon, it’s priceless!

“Ate, bakit ka ba sumisigaw?” tanong sakin ni Viniel.

Bago ako magsalita, pinatay ko muna yung stereo niya. Baka kasi hindi ako marinig, lam niyo na. May pagkabingi itong kapatid ko, joke.

 

“Hinaan mo volume ng stereo mo, kasi natutulog pa si Ate Laken. Baka magalit. Binato na nga ako ng alarm clock kanina dahil nagpatugtog ako sa room namin eh.“ Paliwanag ko naman.

“Ah, kaya pala. Sige, patayin na lang namin. Nag-almusal ka na teh?“ tanong sakin ni Viniel. Sweet ng kapatid ko noh? Mas close kasi kami kesa kay Laken. Parehas kasi kaming sira ulo. Haha.

The Princess with her FairiesWhere stories live. Discover now